CHAPTER 4

860 Words
Rechel POV Walang pakialam sa paligid na napaiyak ako ng malakas matapos ko na malaman ang nangyari kay mama. Sobrang sakit na ako ang naging dahilan ng kamatayan nito. Itinaya niya ang buhay niya para sa akin ng maraming beses hanggang sa tuluyan itong napahamak. Kasalanan ko ang lahat. Kung sana ay maaga kong nalaman ang totoo sa pagkatao ko ay nagawa ko silang protektahan. "Ang mga kapatid ko, nasaan sila? Alam mo ba kung kumusta na sila at anong balita sa kanila?" magkasunod na tanong ko ng maalala ko ang ibang kapatid ko. "Maayos sila. Nasa isang silid sila ng datnan ko sa bahay n'yo. Ligtas sila at nasa isang ligtas na lugar sila," sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit. "Don't worry magiging maayos ang lahat. You have me Rechel, you can always lean on me. I'm always here for you no matter what," sabi nito habang nagtaas baba ang dibdib marahil ay sa tindi ng emosyon nararamdaman namin. "Kailan mo pa nalaman kung nasaan ako at sino ako?" naitanong ko ng magtaas ako ng tingin. "It's been long time. Nakiusap sa akin si Martha na hayaan ka muna at pinagbigyan ko siya sa kondisyon na sasabihin namin ng sabay sa twenty first birthday mo ang lahat. Ako rin ang nasa likod ng scholarship mo at maging ang monthly allowance mo at mga kapatid mo kasama na doon ang financial support at bahay na tinutuluyan ninyo." Kaya pala, kaya pala namuhay kami ng disente at maayos. Kahit hirap kami ay may maayos na bahay kami kahit walang matinong trabaho si mama ay napagsabay n'ya kaming pag-araling lahat. Napaiyak ako sa katotohanang nalaman ko. Panay naman ang pag-alo sa akin nito at marahang paghagod sa likod ko. "Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para makuha mo ang nararapat na hustisya para sa'yo at sa pamilya mo," bulong ni Daniel. Lalo akong napahagulgol, napakasakit na nawala ang mga magulang ko na hindi ko man lang sila nakilala. Nakakalungkot na wala akong maalala tungkol sa kanila. Sa edad kong tatlong taon ay may mga alaala na dapat akong naalalaat nakatanim na sa isip ko pero nakalimutan ko ang mga ito. "Daniel, bakit hinayaan mong magtagal na at patuloy na malayang gumagala ang mga taong nasa likod ng kaso ng mga magulang ko?" hindi ko mapigilan na itanong dito habang walang tigil na umaagos ang luha. Sa nakikita ko ay may kakayahan ito dahil mayaman ito at maimpluwensya. "Marami akong ginawa para panagutin si Laura pero paulit-ulit niyang natatakasan at nalulusutan ang batas. Oo at may pera ako pero hindi rin basta na lang magpapatalo si Laura. May sindikato itong pinapatakbo sa at hawak ang black market na handang pumatay para sa pera gaya ng ginawa sa pamilya mo. I think this is the right time para mapanagot siya. Ikaw mismo ang nakakita sa krimen nila at may malaking ebidensya tayong magdidiin sa kanila." Napamaang ako at napaupo ng tuwid. Kung ganon ay may pag-asa pa na mabigyan ko ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang ko at maging ni mama na kinilala ko bilang ina. "Handa ako Daniel, gagawin ko ang lahat para mabigyan sila ng hustisya. Hustisyang matagal na ipinagkait sa kanila," sabi ko. "Bakit pala hanggang ngayon hindi nakuha ni Laura ang pera ng pamilya ko gayong marami siyang pagkakataon na gawin 'yon?" tanong ko pa. Gusto ko kasing maliwanagan. Maraming tanong sa isip ko at alam ko na masasagot ito ni Daniel. "Wala siyang kakayahang gawin 'yon Rechel. Nasa iyo ang full control ng lahat ng yaman ng pamilya mo at hindi magagalaw ni Laura 'yon kahit nakipagsabwatan pa siya sa abogado ng pamilya n'yo. Naka-time diposit ang perang minana mo at may legal documents din na nagsasabing hindi pwedeng ilipat kahit kanino ang yaman ng pamilya hanggang hindi ka sumasapit sa itinakdang edad ng daddy mo." Napailing ako, hanggang sa huling hininga ng mga magulang ko nagawa nilang i-secure ang pera at yaman ng pamilya. Ganito pala mag-isip ang mga mayayaman. Masyado silang advance at naka-plano na agad ang mga ito bago pa sila binawian ng buhay. Hindi ko man maibabalik ang nakaraan at maitatama ang lahat ng nangyari ay gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang iniwan ng mga magulang ko. "Kailangan nating magpapakasal sa laong madaling panahon. Hangga't alam nilang nag-iisa ka lang at walang ibang may legal na karapatan sa ari-arian mo ay mas lalong mapanganib para sa'yo. Huwag kang lalabas ng bahay na ito. Dito ligtas ka at kaya kitang protektahan. May mga tauhan ako sa labas na nagbabantay," sabi pa nito. Napatango ako kahit na magulo pa rin ang lahat. Nalaman kong pinatay ang mga magulang ko ng taong itinuturing nilang kapamilya tapos eto at namatay din si mama habang pinoprotektahan ako, tapos biglang kailangan ko palang magpakasal. Hindi ko alam kung tama na sundin ko ang suhestiyon ni Daniel pero alang-alang sa pamilya ko at sa hustisyang matagal na dapat makamit ng mga ito kung hindi lang napaglaruan ni Laura ang batas ay susugal ako. Kakayanin ko para sa kanila at gagawin ko ang lahat para managot sa batas si Laura. Kailangan niyang magbayad at ako ang maniningil sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD