CHAPTER 1

1403 Words
Rachel POV. "Happy birthday Rachel!" Malakas na bati sa akin ng mga tao sa paligid ko. Kumpleto ang mga mahal ko sa buhay at nakikisaya sa pagdiriwang ng ika dalawampu't-isa kong kaarawan. "Thank guys, nasurpresa talaga ako," masayang sagot ko sa mga ito. Maghapon kasi akong busy sa paghahanap ng trabaho. Ewan ko ba naman kung bakit walang kompanya na tumatanggap sa akin. Makapagtapos naman ako ng business management major in marketing pero tila ba ang ilap ng swerte sa akin at hindi ako natatanggap sa bawat kompanya na sinubukan kong applyan ng trabaho. Heto umuwi na naman akong sawi tulad ng dati pero laking gulat ko ng pumasok akong walang ilaw at tahimik ang buong paligid. Ni minsan hindi nangyari ang ganito, kaya mabilis ang hakbang na nilapitan ko ang switch ng ilaw para lang magulat sa biglang malakas na pagbati ng mga ito kasabay ng pagbaha ng liwanag ng ilaw. Sila talaga ang kaligayahan ko, ang aking pamilya. Nakakatuwa lang na kahit mahirap lang kami ay masaya kami at puno ng pagmamahalan. "Happy birthday anak," nakangiting bati sa akin ni mama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kahit hirap sa buhay ay naghanda pa rin sila ng ng ganitong salu-salo. "Ma, dapat hindi na po kayo nag-abala. Ang dami po ng inihanda ninyo at sigurado akong malaki na naman ang ginastos n'yo dito. Sana itinabi n'yo na lang po ang pera para sa panggastos natin bukas," sabi ko. Sa totoo lang hirap kami sa buhay, mag-isang itinataguyod ni nanay ang apat ko pang kapatid sa pagtitinda ng kakanin kaya mabigat sa akin na magsaya gayong alam ko na dugo at pawis ng aking ina ang perang ginamit dito. "Anak ano ka ba, minsan lang ang birthday mo kaya mabuti pa ihipan mo na ang kandila sa cake at malapit ng maupo," Sabi nito kasabay ng paghaplos sa buhok ko. Nakangiti man siya pero may lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata. Sa hindi ko mawaring dahilan ay kinabahan ako sa nakita ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko na tila ba nagpapahiwatig ng kung ano. Hawak kamay kaming lumapit sa mesa na puno ng masarap na pagkain. Masyadong magarbo at marami ang pagkain na ito para sa akin dahil halatang malaking halaga ang ginamit dito ng mama ko. Palakpakan ang narinig ko mula sa mga kapatid ko at mama mo ng matapos kong ihipan ang kandila. Lumapit ang mga kapatid ko at mahigpit na yumakap sa akin. "Ang sweet n'yo talaga guys," naluluha na sabi ko. Ang swerte ko talaga sa pamilya ko. Kahit mahirap kami, ramdam ko ang walang katumbas na pagmamahal ng mga ito sa akin. Kita sa mga mata ng mga kapatid ko ang excitement ng makaupo sa harap ng mesa na puno ng masarap na pagkain. "Grabe ma, ang bonga naman ng birthday ni ate. Sana sa birthday ko ganito din," sabi ni Boknoy habang panay ang subo ng lechong manok. "Hay naku Boknoy magtigil ka, si ate kasi naka-graduate na at tapos na ng pag-aaral kaya isahang celebration na lang tayo ngayong taon dahil hindi tayo naghanda noong graduation n'ya. Pinaghandaan talaga ito ni Mama." Paliwanag ng pangalawang kapatid ko na si Riane kay Boknoy. Napakaswerte ko talaga sa pamilya ko, mapagmahal na ina at maunawaing mga kapatid. "Hayaan n'yo guys at kapag may nahanap ng trabaho si ate hindi lang ito ang kakainin natin," nakangiting sabi ko. Marami kasi akong pangarap para sa aming pamilya. Kaya naman nagsumikap akong makapag tapos at malaking bagay na nakakuha ako ng scholarship sa program ni mayor. Laking pasalamat ko rin na buo ang tulong nito sa akin kaya hindi kami nahirapan ng mama ko habang nag-aaral ako. May mga panahong naghanap ako ng trabaho pero tila ba ang ilap ng swerte sa akin kaya mag-focus na lang ako sa pag-aaral. Nakakuha naman ako ng trabaho sa loob ng school na pinasukan ko. Natanggap akong bilang part time staff sa library ng school na 'yon. Masayang natapos ang kainan sa hapag. Tulad ng dati maingay at makwela ang bunso naming si Boknoy. Siya ang puso ng pamilya. Makita ko lang ang masayang mukha nito ay kontento na ako. Nagliligpit kami ng mga hugasing gamit namin sa mesa ng may marinig kaming humintong sasakyan sa harap ng bahay namin. Nagkatinginan kami ni mama at kita ko ang pagbalatay ng kung anong takot sa mukha nito. Saglit pa ay nakarinig akong may kumatok ng malakas. Lalapitan ko sana ang pintuan ng hawakan ni mama ang braso ko. "Ako na anak pumasok na kayo ng mga kapatid mo sa loob, iwan mo na ang mga y'an.'' Pagtaboy nito sa akin sabay bahagyang pagtulak sa likod ko. Kunot noo at nagtatakang napatingin ako dito. Hindi normal ang kilos ng mama ko mula pa kaninang dumating ako. Tila ba may inilihim ito sa akin na kung ano. Kasabay ng paglapit nito sa pinto ay ang pagpasok naman naming magkakapatid sa loob ng maliit na silid. Kita ng dalawang mata ko ang paglingon ni mama bago tuluyang buksan ang pinto. "Where is she?" Malakas na boses na tanong ng kung sinong lalaki sa labas. Nagkatinginan kami ng mga kapatid ko. Gustuhin ko man na lumabas ay hindi ko magawa at nagtatalo ang kalooban ko. Ayaw ni mama na makisali kami sa usapan ng mga bisita niya. Kahit noon kapag may dumarating na kahit sino ay pinapapasok kami nito sa kwarto gaya ngayon. Hindi ko narinig ang sagot ng mama ko dahil halos hindi ko marinig ang boses nito. Kasabay ng pagbukas ng pintuan ang pagpasok ng isang matandang lalaki habang nasa likod naman nito ang mama ko at nanginginig sa takot katabi ng ilang nakaitim na lalaki. "Sino kayo? Anong kailangan n'yo sa amin?" Matatag na tanong ko dahil alam ko na hindi maganda ang pakay ng mga ito base na rin sa takot na nakabalatay sa mukha ng mama ko. Ngumisi ang lalaki at nilingon ang mama ko. "Finally nahanap din kita at nag-tagpo rin tayo my dear niece," naka-ngising sabi nito ng humarap sa akin. Kunot noo akong tumingin dito. Inaarok ng mga mata ko sa mukha nito kung nagsasabi ba ito ng totoo. Sa ayos at tindig nito hindi maikakailang may kaya ito sa buhay lalo pa at magara ang pananamit nito. "Niece?" patanong sa sagot ko. "Masyadong masikip ang lugar na ito, bakit hindi tayo doon sa labas mag-usap?" Tanong nito sabay baling ng tingin sa tahimik at nanginginig kong ina. Binalingan ko ang mga kapatid ko at kinausap na kahit anong mangyari 'wag na 'wag silang lalabas ng silid. Agad akong sumunod sa mga ito at nadatnan kong nakaupo ang lalaking kausap ko sa maliit naming sofa habang nakatayo sa sulok ang mama ko na tila ba hindi pwedeng makatabi ng lalaking kaharap ko. Nagtataka ako dahil kung pamangkin ako nito sigurado akong kapatid ito ng aking ama o ina. Pero sa nakikita kong reaction ng mama ko malabong magkapatid ito dahil na rin sa takot na nasa mukha nito na ni hindi magawang magtaas ng mukha at nakayukong nakatayo sa sulok. "Tapos na ang pagtatago mo sa anak ni Maxine, Beatrice. Iuuwi na kita sa mansyon iha. Hindi nararapat ang isang katulad mo sa lugar na ito," seryosong pahayag nito. "Sir, parang awa n'yo na po wag n'yo pong kunin si Rechel. Huwag n'yo po siyang sasaktan nagmamakaawa po…" Hindi na naituloy ni mama ang sasabihin nito ng mabilis itong hawakan ng mga tauhan ng kausap ko. Lalapitan ko sana ito pero mabilis na hinawakan din nito ang braso ko at naka-ngising humarap kay mama. Wala kang karapatang mag-demand o magsalita mutchacha!" Dumadagundong na sigaw nito na halos maputol ang litid sa leeg sa lakas ng sigaw nito. Hindi ako makakilos sa kabiglaanan. Magulo ang isip ko sa rebelasyong narinig ko at bago sa akin ang mga ito. Hindi ko inakala na sa likod ng masayang pamilyang meron ako ay may sekretong nakatago sa pagkatao ko. "Let's go," sabi ng lalaking mahigpit na nakahawak sa akin. "No, hindi n'yo siya pwedeng kunin. Hindi ka magtatagumpay Conrado! Mamatay muna ako bago ka may gawing kung ano kay Rechel!" Nagpupumiglas na sigaw ni mama. Awang ang labi na lumingon ako sa kinaroroonan nito. Kasabay ng malakas na putok ng baril at pagbagsak nito sa sahig ang pagdilim ng paningin ko. Alam kong hindi ito panaginip at natatakot akong harapin ang realidad sa muling pagmulat ng aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD