Rechel POV
Maghapon akong nanatiling tulala habang hinihintay ko ang balita mula ka Daniel. Umalis kasi ito para personal na makita at mailabas sa morgue ang bangkay ni mama.
Nagluluksa ako sa biglaang pagkawala nito pero hindi rin mawala sa isip ko ang lahat ng nalaman ko. Kung paano nasira ang buhay ng pamilya ko dahil sa kasakiman ni Laura. Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya hindi ko siya mapapatawad.
Mabuti na lang at nariyan si mama at pati na rin si Daniel na gumabay sa akin. Siguro kung hindi ako itinakas ni mama ng mga panahong 'yon ay siguradong wala na rin ako dito sa mundo.
Malupit si Laura at nagawa niyang patayin ang mga magulang ko pati na rin ng taong umaruga sa akin kaya hindi ko siya kayang patawarin.
Alam ko na masama ang mag-kimkim at magtanim ng sama ng loob sa kapwa pero sa bigat ng kasalanan ni Laura ay sigurado akong tadhana mismo ang maniningil sa kan'ya.
Kailangan niyang magbayad, hindi lang sa batas ng diyos kun'di sa batas ng tao. Hindi niya pwedeng paglaruan at habang buhay na takasan ang batas.
Siguro nga bata pa ako pero puno ako ng determinasyon. Determinado akong singilin siya anuman ang mangyari at yan ang pangako ko.
Madilim na ng makauwi si Daniel. Seryoso ito at matigas pa rin ang aura ng pumasok ito sa loob ng silid kung saan ako nagkulong maghapon.
"Kumusta ang lakad mo? Anong balita kay mama?" magkasunod na tanong ko.
"Inayos ko na ang arrangements ng lamay at libing n'ya sa St. Dominic chapel. Bukas 9 ock in the morning ay dadalhin doon ang katawan ng mama mo at ilalagak ng ilang araw. Hindi pa final 'yon dahil nasa iyo pa rin ang final na decision. Ikaw na mag-desisyon kung hanggang ilang araw itatagal niya doon," paliwanag nito.
Tumango lang ako sa kawalan ng masabi. Mabigat kasi sa dibdib na pag-usapan ang tungkol dito kahit kailangan.
"Bago ka pumunta doon kailangan muna nating magpakasal bukas. Inayos ko na rin ang lahat ng kailangan maging ang birth certificate mo mula sa NSO kaya maghanda ka na. Bukas sa muling paglabas mo Mrs. Monteverde ka na," sabi pa nito.
Napamaang ako, agad-agad gusto nitong makasal kami kahit pa oras at panahon ito ng pagluluksa ko.
"Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang kapag nailibing na si mama?" lakas loob na tanong ko.
"Rechel it's risky outside. Oo at may mga tauhan akong nagbabantay sa'yo pero hindi ko pwedeng ipag-sapalaran ang buhay mo. Akala mo ba madali lang na nakapasok ako sa mansyon n'yo kahapon? kinailangan kung i-blackmail ang pinuno ng sindikato nina Laura at magdala ng group of arm people para masiguro na ligtas tayong makakalabas at makakaalis. Sampung sniper ang naka posisyon at nakita nina Laura ang red dot ng lazer na nakatutok sa kanila kaya hindi sila nakaporma."
Napaawang ang labi ko matapos marinig ang sinabi nito. Kaya pala may nakita akong kulay pula na nakatutok sa noo at dibdib ni Laura kahapon. Akala ko kung ano lang 'yon palibhasa wala akong alam sa mga bagay na ganyan.
Wala sa hinagap ko na darating ang sandaling kagaya nito na nanganganib ang buhay ko at walang kalayaang lumabas para gawin ang gusto ko.
"It's time to rest, matulog ka ng maaga dahil kailangan maayos ang itsura mo oras na lumabas ka sa public bukas. Maiwan na kita," sabi nito at saka mabilis na naglakad papuntang pintuan.
Ilang minuto na itong nakalabas pero nakatanga pa rin ako at nakatutok ang mga mata sa pintuang nilabasan ni Daniel.
Natatakot ako sa mga pagbabagong naganap sa buhay ko. Alam ko na hindi pa ito ang lahat ng pagsubok na pagdadaanan ko dahil nariyan pa rin si Laura at ang sindikato nito na patuloy na banta sa buhay at siguridad ko.
Frustrated akong napa buntong-hininga. Tama si Daniel kailangan kong matulog para may lakas ako bukas. Hindi ko alam kung ano ang resulta ng pagpapakasal namin bukas pero kung para ito sa ikabubuti ko ay gagawin ko.
Natatakot man ako ay lalakasan ko ang loob ko. Kailangan kong magtiwala kay Daniel dahil siya lang ang tumutulong sa akin.
Kinabukasan maaga pa lang ay gising na ako. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para mag-almusal ng pinasundo ako ni Daniel sa isa sa kasambahay niya.
Naabutan ko itong nakaupo na habang humihigop ng kape. Agad itong tumayo ng makita ako at ipinaghila ng upuan.
Kahit nahihiya ay binati ko ito. Kailangan kong masanay sa presensya niya dahil magiging asawa ko ito ilang oras mula ngayon.
"How are you Rechel?" tanong nito ng nakaupo na ako.
Hindi agad ako nakasagot dahil napatingin ako dito ng abutin nito ang kanin at lagyan ng sinangag ang pinggan ko kasunod ng itlog at iba pang ulam.
"Kailangan mong kumain ng marami, masyadong manipis ang katawan mo para sa edad mo. Mukha kang teen ager," sabi nito habang pinasadahan ng mga mata ang mukha at katawan ko.
Napalunok ako sa sinabi nito at lalong nahiya kaya sobrang nag-init ang mukha ko na alam kong namumula na ngayon kaya napayuko ako habang kagat labi.
Sa tingin ba nito sa akin bata? Siguro nga dahil mukhang mas may edad ito kumpara sa akin. Mukhang lagpas thirty na ito at mas naging matured pa lalong tingnan dahil lagi itong seryoso at bilang lang sa daliri kung ngumiti.
Mag-tatanghalian ng may dumating na tatlong babae. Pinag-bihis ako ng mga ito at ipinasuot sa akin ang isang puting bestida at saka inayosan ng buhok habang ang isa naman ay panay ang apply ng kung ano sa mukha ko.
Hinayaan ko lang ang mga ito dahil utos umano ito ni Daniel kaya sinunod ko. Alam ko na kasama ito sa paghahanda ng kasal namin mamaya kaya naman hindi na ako tumangi pa.
Ilang papuri ang natanggap ko matapos makita ang final looks ko na ikinangiti ko. Maging ako man ay hindi makapaniwala na ganito ang itsura ko matapos ang ginawang makeover sa akin.
Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin habang nakaupo sa gilid ng kama ng bumukas ang pintuan. Sa pag-aakala na isa 'yon sa mga nag-ayos sa akin ay hindi na ako nag-abala na lumingon. Marami kasing tumatakbo sa isip ko at talagang occupied ang utak ko sa mga sandaling ito.
"You looked so beautiful," narinig kong komento ni Daniel. Kilala ko ang boses nito kaya kahit na hindi ko ito lingunin ay alam ko na siya ito lalo pa at bumilis na naman ang t***k ng puso ko na tanging siya lamang ang nakakagawa.
Hindi ko alam kung anong meron sa kan'ya at iba ang epekto ng bawat paglapit nito sa akin at maging ng tinig nito.
"Ready?" tanong pa nito.
Marahang tango lamang ang ginawa ko dahil muling nagtama ang mga mata namin na tila humihigop sa lakas ko kaya nagsimula na namang mangatog ang tuhod ko.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Siguro masyado kang akong affected sa mga nangyayari. Kinapa ko sa puso ko kung takot ba ang nararamdaman ko na lalabas ako ng apat na sulok ng silid na ito o takot na may hindi magandang mangyari sa oras na lumabas ako rito.
Alam kong hindi susuko ng ganon ka bilis si Laura. Nagawa nga nitong patayin ang mga magulang ko kahit pa itinuturing siyang pamilya ng mga ito. Alam ko na hindi imposible dito na ipapatay din ako.
Napa-buntong hininga ako. Ang bigat sa dibdib at sobrang lungkot na nasa ganito akong sitwasyon. Gusto ko mang lumayo at takasan ito ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang hayaang magtagumpay si Laura.
Napamaang ako ng hawakan ni Daniel ang palad ko at marahang hinaplos bago isinuot ang isang singsing. Hindi ko na nagawang magtanong dahil bigla itong nagsalita.
"Please take care of it. It's my family heirloom at ipinasa sa akin para sa babaeng papakasalan ko. This is your engagement ring. Wala tayong maayos na preparation kahit gustuhin ko mang bigyan ka ng maayos na engagement party at kasal ay hindi ko magagawa sa ngayon. I promise ,once na matapos ang lahat ng ito magpapakasal ulit tayo. For now this one is enough," sabi nito matapos isuot sa daliri ko ang singsing na sinasabi nito.
Binuksan nito ang isa pang pulang kahon at nalantad sa mga mata ang isang diamond necklace na alam kong hindi biro ang halaga.
"No matter what, 'wag na 'wag mong huhubarin ang necklace na ito Rechel. Promise me," pakiusap nito habang matiim na nakatitig sa akin.
Tumango ako bilang pagsang-ayon kahit pa hindi ko alam kung ano ang dahilan nito. Kung ako lang kasi sa oras na makasal kami ay huhubarin ko ito at itatago. Hindi kasi safe na lumabas na may ganitong mamahaling bagay na suot kapag lumabas ng kalsada. Mainit sa mga Mata ng kawatan na nariyan lang at nag-aabang.