Rechel POV
Matapos ang kasal ay agad akong sinamahan ni Daniel sa St. Dominic chapel kung saan nakaburol si mama. Nagpalit lang ako ng damit at agad na umalis kasama nito dahil hindi na ako mapakali.
Tahimik sa lugar at wala kaming kahit na sinong kilala na nakikipag lamay o bumisita sa lugar. Tanging ang mga tauhan ni Daniel ang siyang naririto at magbabantay. Mas lalo akong nalungkot dahil mas naramdaman ko ang pag-iisa.
Wala ni isa sa mga kapatid ko na nasa safehouse umano ni Daniel. Malaking banta raw sa seguridad ko kung lalabas sila dahil posibleng dukutin sila ni Laura at gawing pain para mapasunod ako sa gusto nito lalo na ngayon na kasal na ako.
Mas mahihirapan umano itong makuha ang yaman ng pamilya ko dahil may control na si Daniel sa mga ito. Natatakot at nagluluksa ako. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay inaasam ko na panaginip lang ang lahat ng ito. Na tulad ng dati masaya akong kasama ang pamilya na kinalakihan ko.
Natatakot ako sa yaman na iniwan ng mga totoo kong magulang. Hindi ko alam kung hanggang saan nga ba ang kakayahan ko para protektahan ang lahat.
"Let's go, hindi tayo pwedeng magtagal dito Rechel. Mapanganib na magtagal ka dito," sabi ni Daniel my makalapit sa akin.
Tama nga siya hindi pa kami makakalabas ng pintuan ng simbahan ng bumungad sa amin ang mga tauhan ni Daniel na kanya-kanyang tutok ng mga baril sa mga nakaitim na mga lalaking kasama ni Laura.
"Nice to meet you here, b***h!" naka-ngisi at mapang-uyam na sabi ni Laura ilang hakbang ang layo sa amin.
"You're not welcome here, leave!" matigas na sagot ni Daniel na humakbang sa harap ko para itago ako kay Laura.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang nakakainsultong tawa ni Laura sa harap namin.
"Hanggang kailan ka magtatago sa likod ng lalaking 'yan Rechel? Kahit anong tago ang gawin mo maghaharap at magkakaharap tayo, remember that my lovely niece."
Dahil sa narinig ko ay umalis ako sa likod ni Daniel at humakbang palapit kay Laura. Iwinaksi ko ang kamay ni Daniel na humawak sa braso ko at mabilis na nakalapit kay Laura at sinampal ito ng magkabilaan.
"Kulang pa 'yan! Kulang pa 'yan sa lahat ng kahayupan na ginawa mo sa pamilya ko!" gigil na sigaw ko.
Agad akong nilapitan ni Daniel at inilayo kay Laura na ngayon ay matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Gusto kong burahin ang mukha nito ng malalakas na sampal para matauhan ito.
"Wrong move Rechel! Hindi ko palalampasin ito at pagbabayaran mo ang paglapat ng mabahong palad mo sa balat ko!"
Puno ng kasamaan ang repleksyon ng mga mata ni Laura habang pinagbabantaan ako pero hindi ako takot. Tila ba apoy na sumindi ang galit sa puso ko at nagningas ito at gustong tupukin si Laura sa harap ko.
Sasagot Sana ako ng itaas ni Laura ang kamay.
"Let's go!" pasigaw na sabi nito sa mga tauhan na nakatutok pa rin sa amin ng mga kasama mo ang mataas na kalibre my baril.
Wala na sila sa harap ko pero nanginginig pa rin ako sa galit. Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Daniel sa akin at marahang paghagod ng kamay nito sa ulo at buhok ko na nagpakalma sa akin.
Para maiwasan na rin ang mas malaking gulo at maaaring trahedya pa ay napagpasyahan naming ilibing si mama ng mas maaga. Sa huling lamay nito nakasama ko ang mga kapatid ko. Panay ang iyak ni buknoy at nagluluksa din ang dalawa ko pang nakababatang kapatid.
Nangako ako na anuman ang mangyari ay aalagaan ko sila at poprotektahan. Naintindihan nila na kailangan nilang mamalagi sa rest house ni Daniel sa Laguna para sa siguridad nilang lahat.
Matapos ang libing ay agad silang inihatid ng mga tauhan ni Daniel habang ako ay naiwan dito sa mansyon na hindi malaman ang gagawin.
Ngayon kasing kasal na kami ni Daniel hindi ko alam kung may pagbabago ba sa pagitan namin. Hiwalay pa rin kami ng silid at wala naman itong sinabing kung ano kaya hindi rin ako nagtanong.
Mas mabuti na ang ganito dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin kung sakaling hingiin nitong paninindigan namin ang pagiging mag-asawa sa isa't-isa.
Nag-iisip din kasi ako kung bakit ginagawa ni Daniel ang lahat ng ito gayong wala naman akong nakikitang matibay na dahilan. Siguro sapat na ang kahilingan ng ama nito at tinupad nito ang pangako sa namayapang ama. Siguro nga sapat na 'yon.
Hatinggabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Maalinsangan ang paligid lalo na at hindi ko binuksan ang air-conditioned dito sa loob ko. Sanay kasi akong nakabukas lang ang bintana at fresh air ang nasasagap ko.
Nilalamig din kasi ako sa gabi kahit pa may malaki at makapal na kumot na nakabalot sa akin kapag nakabukas ang air-conditioned.
Tahimik at madilim ang kabahayan tanging ang nakabukas na ilaw sa dulong pasilyo ang tanging tanglaw ko ng maglakad ako para bumaba at uminom ng tubig. Nauuhaw kasi ako bigla at hindi ako nakapag dala ng tubig sa kwarto gaya ng lagi kong ginagawa.
Marahan ang hakbang ko na tila takot makagawa ng ingay na nakarating ako ng kusina at nakainom ng tubig. Paakyat na sana ako ng may narinig akong kalansing ng baso sa sala. Mukhang gising pa si Daniel at marahil tulad ko ay hindi rin ito makatulog dahil maalinsangan ang panahon.
Lalapitan ko sana ito ng may lalaking nagsalita na marahil ay bisita nito. Hindi ko na sana papansinin dahil nahihiya akong abalahin ito lalo pa at may bisita pala kaya tumalikod ako at nagsimulang humakbang para lang matigilan.
"How's Rechel?" narinig ko na tanong ng lalaki na tila ba magkakilala kami. Hindi ko narinig ang sagot ni Daniel pero malinaw na narinig ko ang sumunod na sinabi nito.
"Now that you have fully access in her inheritance, you can do everything you need to do. It's your chance man," Sabi nito.
Awang ang labi ko sa narinig. Tila may kung ano sa akin na bumulong para lumapit mas malapit pa sa kinauupuan ng mga ito ng hindi nila napapansin.
Sumiksik ako sa gilid ng pader at lihim na pinakinggan ang nagaganap na usapan.
"I know bro but it's not that easy. Rechel may look innocent but she's smart. Smarter than I expected," sagot ni Daniel.
Kung ganon plano pala nito ang lahat. Tulad din pala siya ni Laura na yaman ko lang din ang gusto.
His even weaked than Laura dahil nagbalat kayo siyang mabuti sa harap ko at nagkunwaring tumutulong sa akin para paikutin ako.
Kuyom ang kamao na mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko at naglakad palabas ng kusina hanggang sa narating ko ang garden.
Tama siya matalino ako at hindi ko hahayaan na magtagumpay siya. Kaya inakyat ko ang malaking puno at naabot ko ang pinaka dulong bahagi ng mataas na pader.
Mabuti na lamang at sanay ako umakyat sa puno sa probinsya. Mabilis akong nakataon sa kabilang bakod at patakbong hinanap ang daan.
Walang kahit na anong sasakyan ang dumaraan sa kalsadang binabagtas ko. Wala rin akong mahingian ng tulong na kahit sino. Nakakatakot magtiwala lalo na kapag nalaman nila kung sino ako.
Parang sumpa sa akin ang perang iniwan ng mga magulang ko. Dahil dito, nagulo ang dati ay tahimik na mundo at buhay ko.
Ngayon talo ko pa ang isang palaboy na walang mapuntahan at lulugo-lugo na naglalakad na hindi malaman kung saan pupunta.
Dahil sa lalim ng mga iniisip ko hindi ko napansin ang mabilis na takbo ng isang sasakyan at huminto sa harap ko. Hindi ako nakahuma ng naglabasan ang mga armadong lalaki at hinawan ako sa braso habang ang Isa at tinakpan ang ilong at bibig ko. Saglit pa ay nanghina ako at unti-unting nagdilim ang paningin ko.
I know it's Daniel, hindi n'ya ako hahayaang makatakas. I hate him, I hate Daniel so much.