Chapter 8
Rechel POV
Madilim at napakainit na lugar ang kinagisnan ko ng nagmulat ako ng mga mata. Pawisan ang buong katawan ko dahil na rin sa tila walang hangin na pumapasok sa loob ng silid.
Tatayo sana ako para lang matigilan. Hindi ko maigalaw ang paa at kamay ko dahil tila isa akong hayop na nakagapos sa bakal na upuan.
Pilit na ginalaw ko ang paa at kamay ko pero mas humihigpit pa ang pagkakatali nito at nagsisimula na rin sumakit at humapdi ang balat ko. Marahil ay dahil sa panay nagpupumiglas ko.
Napaiyak ako sa tindi ng frustration. Ito na ba ang katapusan ko? Anong mangyayari sa akin? Sino kaya ang dumukot at nagdala sa akin dito?
Puno ng katanungan ang isip ko pero nanlulumo ako dahil alam ko na wala akong aasahang tulong dahil walang Daniel na tutulong sa akin. Kaya pala kunwari ay mabait ito sa akin dahil may hidden agenda rin pala ito. Maaaring siya pa ang gumawa nito sa akin.
Kasal na kasi kami at gaya ng narinig ko sa usapan nila kagabi ay may equal rights na ito sa property ng mga magulang ko. Kaya pala may pa media pa siya para kapag namatay ako madali sa kan'ya ang lahat dahil kilala siyang asawa ko.
Ang tanga ko, bakit ba kasi ako nagpadala sa bait-baitan na pakitang tao ni Daniel.
Ang sama nila, ang sama niya. Wala silang pinagkaiba may pera at kapangyarihan na sila pero naghahangad pa sila ng higit pa. Makasarili at gahaman sila at hindi marunong makuntento sa ginhawa na tinatamasa nila.
Nasa ganon akong pag-iisip ng bumukas ang pintuan. Walang kibo akong nanatiling nakaupo habang pinapanood na makalapit sa akin ang mga ito. Ang taong nasa likod ng lahat ng paghihirap ko, si Laura.
"So, gising ka na pala? Oh, teka umiiyak ka ba? Aba marunong ka rin palang umiyak. Akala ko walang luhang lalabas d'yan sa mga mata mo na puno ng galit kahapon," nang-uuyam sa sabi no Laura ng makapasok.
So, siya pala ang may kagagawan ng pagdukot sa akin. Hindi na ako magtataka isa ring gahaman ang isang ito.
"Anong kailangan mo?" matigas na tanong ko. Ayaw mo kasing humaba Ang usapan namin nito at magtagal ito sa harap ko.
Hindi ito sumagot at malakas na sinampal ako ng magkabilaan.
"Didn't I told you na hindi ko palalampasin ang ginawa mo?" malakas na sigaw nito malapit sa mukha ko sabay sabunot sa buhok ko.
Magsasalita pa sana ito ng sumagot ako.
"Nakaganti ka na, wala na akong utang sa'yo. Patas na tayo, pero mas maghanda ka kapag naningil ako dahil masyadong malaki ang utang mo na sisingilin ko," seryosong mga matang nakatitig ako sa mata nito habang sinasabi 'yon.
Kita ko ang pagbalatay ng kung ano sa mukha at mga mats nito. Malinaw ko kasing nakikita ang mukha nito dahil binuksan ni Laura ang ilaw ng pumasok ito kasama ng tatlong mga lalaking may mga hawak na baril.
Hinigpitan pa nito ang pagkakadakot sa buhok ko at saka tatlong malalakas na sampal pa ang natanggap ko mula kay Laura.
"At sinong may sabi sa'yo na makakaalis ka rito? Hindi ka na makakalabas ng buhay dito. Matutulad ka sa mga magulang mo na namatay sa mga palad ko!" sigaw nito saka ako binitawan.
"Sisiguraduhin ko sa'yo na sa akin din mapupunta ang lahat. Akala mo si Daniel ang superhero mo, pero nagkakamali ka. Mas malaking pagkakamali na nagpakasal ka sa kan'ya dahil mas napabilis ang takbo ng plano ko," naka-ngisi na sabi nito.
Nasa mga mats nito ang pang-uuyam sa akin. Tila ba masaya itong makita na nasasaktan ako at puno ng katanungan na nakatingin dito habang nakakunot noo.
"Anong ibig mong sabihin Laura? Magsalita ka! Anong sinasabi mo!" hindi ko na napigilan at napasigaw na ako.
"Simple lang, para madali mong maintindihan," sabi nito saka huminto. Tila alam nito na lalo akong nagagalit sa mga pambitin nito sa akin. Gusto ko na kasing malaman ang lahat.
Akin pa ba ang hindi totoo? Alin pa ba ang kasinungalingan sa mga nalaman at nakita ko? Hanggang saan nila ako paglalaruan para lamang sa pera at yaman.
"Sige total mamatay ka rin naman kaya mas mabuting alam mo na. Baka sabihin naman ni kuya na selfish ako at pinagdamot ko ang katotohanan na anak ko si Daniel," tumatawa na sabi nito.
Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang labing napatitig ako dito. Nanlalaki ang ulo ko sa mga narinig kaya walang lumabas na kahit ano sa labi ko.
"Ano nalunok mo na ba ang dila mo at hindi ka na makapagsalita? Siguro naman alam mo na kung bakit. Lahat ng namagitan sa inyo ni Daniel ay kasama sa plano ko, kaya ng lumabas ka ng mansyon akala mo ba hindi ko malalaman? Alam ko, dahil si Daniel mismo ang tumawag sa akin para kunin at dalhin ka rito. Nasa cctv postage ang pagtakas mo kaya walang maghihinala kay Daniel oras na mamatay ka ora mismo!"
Nag-eecho sa pandinig ko ang lahat ng sinabi nito. Marami pang sinabi si Laura sa akin pero nanatiling tulala ako. Mas ginusto ko na takasan ang realidad dahil pagod na ako. Nakakapagod makipaglaro sa mga tusong tulad nila.
Hindi ko inakala na mangyayari sa akin ang lahat ng ito. Sagad hanggang sa buto ang kasakiman nilang dalawa at hindi ko sila mapapatawad.
Marahil nagsawa na si Laura ng kakasalita sa harap ko kaya iniwan ako nito kasama ng mga armadong lalaki. Narinig ko ang paglapat ng pintuan at muling pag-dilim ng paligid. Alam ko rin na nasa labas lamang ang mga lalaki kasama nito dahil sila pala ang bantay sa labas ng pintuan ng silid na ito.
Paano na ako? Paano ako makatakas gayong ni hindi ko magawang igalaw ang kamay at paa ko sa tindi ng pagkakatali ng mga ito sa akin.
Nanghihina akong napapikit habang kagat labing pinipigilan ang pag-iyak. Anong klase na parusa ba ito? Ano bang kasalanan ang nagawa ko para maranasan ko ang lahat ng ito.
Hindi ko naman ginusto ang yaman na iniwan sa akin ng mga magulang ko. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng kayamanan na magiging mitsa ng kamatayan ng mga magulang ko at ng taong itinuturing kong ina na nag-aruga sa akin.
Biglang lumitaw sa isip ko ang mga kapatid ko. Hawak sila ni Daniel, kailangan na makaalis ako dito at mailigtas sila at saka kami lalayo at aalis sa lugar na ito. Pero paano ko gagawin ito kung ako mismo ay hindi ko magawang palayain ang sarili ko sa pagkakatali sa akin.
Mahina ako, isa akong mahinang tao na ang tanging magagawa ko sa ngayon ay umiyak, manalangin at humiling ng himala.
Himala na may tumulong at magligtas sa akin. Hindi ko na pwedeng asahan si Daniel dahil katulad din ni Laura isa rin siyang banta sa buhay ko.
Natatakot ako, natatakot akong magtiwala pa sa kahit kanino. Masyadong maraming masasamang tao ang nakapaligid sa akin ngayon. Mga taong lalapit at kunwari ay tutulungan ako pero iba pala ang gusto.
Gustuhin ko man na lumaban hindi ko magawa. Wala akong kakayahan dahil wala rin akong kapangyarihan. Para lang akong maliit na langgam na kanilang tinatapak-tapan.
Marahil hanggang dito na lamang ako. Marahil ito talaga ang kapalaran ko…