Daniel POV.
It's almost ten in the morning pero hindi pa bumababa ang asawa ko kaya inutusan ko ang isa sa mga kasambahay na katukin ito at tanghali na ay hindi pa nag-almusal.
Nag-aalala ako dito dahil alam ko na emotional ito lalo na at kalilibing lamang ng kinikilala niyang ina at nagulo ang dati ay tahimik niyang mundo.
Ayaw ko sana siyang dalhin sa magulong mundo na kinaroroonan ko pero para sa seguridad niya ay ginawa ko.
Sa ilang taon na lihim akong nakasunod sa kan'ya at nasa tabi o paligid ako nito kahit 'di n'ya ako kilala at napapansin ay nakita ko kung paano siya lumaki na mabuting anak at mapagmahal sa pamilya.
Humanga ako sa tibay ng loob nito at determinasyon kaya hindi ko napigilan ang sarili ko ng tuluyang mahulog dito at mahalin ito.
Noong una ang misyon ko lang at tuparin ang gusto ni daddy na protektahan at ibigay ang nararapat para kay Rechel pero habang nagtatagal ay natutunan ko na siyang mahalin ng palihim.
Nangako ako sa sarili ko na pangangalagaan siya kahit na anong mangyari kaya sinamantala ko ang pagkakataon na mapalapit dito at kausapin na pumayag na magpakasal kami.
Laking tuwa ko ng pumayag ito, without asking any further questions. Alam ko na pagkakataon ko na ito para tuluyan siyang mapasa-akin kaya hindi ko na pinatagal at inayos ang kasal namin.
I know it's a selfish motive dahil sinamantala ko ang pagkakataon pero para din ito sa kabutihan niya dahil alam ko na nanganganib ang buhay niya kay Laura at sa sindikato na kinabibilangan nito.
Alam ko na hindi si Laura titigil hangga't hindi nakukuha nito kay Rechel ang yaman ng mga Hernandez. That wicked b***h killed my dad for unknown reason at hindi ko hahayaan na magtagumpay ito. Alam ko na siya ang puno't dulo ng nangyari sa mga Hernandez pero hindi ko inaasahan na idadamay niya si daddy.
Marahil ay dahil sa kasunduan nilang dalawa ng daddy ni Rechel. Nasa London ako at doon pinadala ni daddy para pumasok ng senior high ng maganap ang trahedya sa pamilya ni Rechel.
Akala ni daddy noon ay namatay ito pero ng hindi makita ang katawan nito ay ginawa ni daddy ang lahat hanggang sa mahanap niya ang kasambahay ng mga Hernandez na si Martha.
Noon pa gustong makuha ni Laura ang yaman ng pamilya pero dah si daddy ang tumayong guardian ni Rechel at may testamento na nagsasabi na hindi pwedeng ilipat o kunin kay Rechel ang yaman at ari-arian nito hanggang hindi ito sumasapit ng ika dalawampu't-isa nitong kaarawan.
Pero dahil tuso si Laura ay pinatay niya si daddy at pinalabas na aksidente ang lahat. Mabuti na lamang at kausap ko ito ng maganap ang insidente at alam ko na may nakasunod dito at sinadyang bangain ang sasakyan nito hanggang sa mahulog sa hangin at sumabog.
Iyon ang pinka madilim na parte ng buhay ko dahil narinig ko ang lahat ng nangyari sa daddy ko at malinaw na sinabi nito na si Laura ang may utak sa aksidente na kinasangkutan nito.
Kahit naghihingalo hindi nito binitawan ang cellphone at narinig mo pa ang huling hininga nito hanggang sa tuluyang bawian ito ng buhay.
Nag-sisigaw ako noon pero walang tulong na dumating masyado malayo ang London para i-rescue ko si daddy kaya wala akong magawa kun'di ang naghina sa sulok at maglupasay ng iyak.
Hindi ko hahayaan na matulad si Rechel kay daddy kaya gagawin ko ang lahat para masiguro ang kaligtasan niya.
Nakakuyom ang kamao habang pinagmamasdan ang pababang katulong na inutusan ko na sunduin so Rechel. Mag-isa kang ito at tila balisa na naging dahilan ng biglaan na pagkabog ng dibdib ko.
"Sir, ilang ulit ko na pong kinatok si Ma'am Rechel pero hindi po sumagot. Napaka tahimik din po sa loob at wala akong marinig na kahit ano," sabi nito.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala na maging ako ay nagsimula na rin na kabahan. Malungkot at maraming hindi magandang nangyari kay Rechel recently kaya natatakot ako na baka hindi nito kayanin o kaya ay may gawin itong hindi maganda.
Agad na tinakbo ko ang hagdan paakyat sa silid nito habang inutusan ang katulong na kausap ko para kunin ang master key sa mayordoma ng mansyon ko.
Ilang malalakas na katok ang ginawa ko pero wala talagang sumagot. Impossible na hindi nito narinig ang mga katok na ginawa ko dahil halos balyahin ko na ang pintuan ng silid nito sa lakas ng katok na ginawa ko.
Humahangos na dumating ang inutusan ko at agad na binuksan ang pintuan matapos makuha ang Susi dito.
Napakunot noo ako ng walang Rechel akong nakita pagpasok ko at maging ng hanapin ko ito mula sa buong silid, banyo at maging sa veranda.
Walang bakas na indikasyon na narito sa loob ng silid si Rechel dahil walang kahit anong bakas nito ang nasa loob ng silid.
"All of you hanapin n'yo si Rechel sa buong kabahayan," utos ko sa mayordoma at sa dalawa pang kasambahay na kasama nitong dumating.
"Did any of you saw Rechel around this early morning?" tanong ko sa mga kasama ko. Lahat ito umiling kasabay ng sagot na "hindi po sir,"
Agad na kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang tracker na nakakabit sa necklace na ibinigay ko kay Rechel sa araw ng kasal namin.
Tama nga ang kutob ko, wala si Rechel sa loob ng mansyon ko dahil napakalayo ng lugar kung nasaan ang location ng tracker nito.
Agad na tinawagan ko ang bestfriend ko na si Ariel. Kausap ko lamang ito kagabi at alam nito ang tungkol kay Rechel lalo pa at kasama ito sa pinag-usapan naming plano kagabi.
Ilang ring din at sumagot ito.
"Hello bro, what's up?" tanong nito.
"My wife is missing, she's not her at home and I know may kinalaman si Laura dito. Send me you're army while I'm preparing my men. Magkita tayo sa lugar na i-send mo sa'yo at doon tayo magkita," derecho na sabi ko.
Hindi ako maaaring magtagal dahil alam ko na kung totoong dinukot ni Laura si Rechel kagabi ay nanganganib ang buhay nito.
Frustrated akong napahilamos. Paano nakapasok ang mga tauhan ni Laura dito? Paano nila nakuha ang asawa ko gayong alam ko na tight ang security ng buong kabahayan ko.
Agad akong pumasok sa opisina ko matapos na kausapin ang head security at sabihin na maghanda ito at siguraduhing na loaded ang lahat dahil aalis kami in thirty minutes. Kailangan ko lang malaman kung paano nawala at nakuha ni Laura ang asawa ko.
Mabilis ang kilos na binuksan ang laptop na nasa harap ko at ibabaw ng table sa opisina ko. Dito kita ko ang pagbaba ni Rechel ng madaling araw at pagpunta sa kusina. Normal ang kilos nito at tila walang kakaiba na naglakad ito papuntang sala hanggang sa tumigil ito at tila may hinihintay.
Nakakunot noo ako ng i-view ko ang receiving area kung saan ay nasa likod ng pader na pinagkukublihan ni Rechel.
Posible kayang narinig nito ang usapan namin ni Ariel at nagalit ito dahil nakita ko na mabilis na tumalilis ito at tinunton ang malaking puno katabi ng bakod at inakyat hanggang sa makatalon ito.
Kung ganon hindi ito kinuha ni Laura kusa itong umalis. Pero bakit?
Kung talagang narinig nito ang buong usapan namin ni Ariel kagabi hindi ito magagalit at aalis. Not unless….
Napabuga ako ng hangin. Posible na narinig nito ay ang ilang bahagi lang ng usapan namin ni Ariel at hindi maganda ang naging dating dito kaya umalis ito at tumakas.
God, why I'm so careless? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may hindi magandang nangyari sa asawa ko.
Kailangan na mapuntahan ko agad siya. Mapanganib para sa kan'ya ang manatili sa labas kung saan ay may mas malaking pagkakataon si Laura na makuha ito. Kailangan na makuha ko si Rechel bago pa mahuli ang lahat..