Chapter 6:

1895 Words
Halos matulos sa kinatatayuan ni Valerie nang makita ang naabutang eksena sa loob ng opisina ng kaniyang magiging boss. Sa tanang buhay niya sa kaniyang trabaho sa fast food chain ay hindi siya naranasang mapahiya ng ganoon. Siya pa ang nahiya sa nakitang eksena. Hindi niya tuloy maiwasang mabitawan ang hawak niyang papeles na pinapabigay ni Gemma sa kaniya upang ibigay rito. Sa totoo ay ayaw niya sana pero mukhang sinusubukan siya nito sa bagong trabaho kaya wala siyang nagawa. Inakala rin kasing baka wala na ang mga babae sa loob ng opisina nito dahil nakitang tila umalis na ang ginang. Mabilis na tumikhim si Frank nang makita ang eksaheradang pagbuka ng bibig ng babaeng gumambala sa nag-iinit na sanang halikan nila ni Catherine. Sa reaksyon pa lamang nito ay batid na niyang inosente ito sa ganoong bagay. Tila naman nagbalik sa sariling mundo si Valerie nang marinig ang pagtikhim ng kaniyang magiging boss at kita pa ang palihim nitong pagngisi bagay na kinainis pero hindi niya nagawang ipahalata pa. "Ahemmm! Hmmm!" malakas din niyang tikhim upang ganap na iparating sa babae ang kaniyang presensiya dahil mukhang wala itong balak pakawalan ang lalaki at tila kapit-tuko pa rin dito. Nang matuon ang pansin nito sa kaniya ay saka lamang siya humakbang papalapit sa boss at nilapag sa harap nito ang pinulot na mga papeles. Mas lalong nainis sa lalaki nang makitang matiim siya nitong tinititigan habang papalapit. Samantalang ang babae naman sa tabi nito ay patalim nang patalim ang titig sa kaniya. "Sir, kailangan na po ng finance ang pirma ninyo para sa ilang deliveries at transactions natin sa mga kliyente," turan dito matapos ilapag ang ilang papeles sa harap nito at nakatulala pa ring nakatitig sa kaniya. Sa totoo lang ay ilang na ilang na siya at kung pwede lang siyang lumubog sa kinatatayuan ay gagawin na niya. "Ahemm!" malakas na tikhim na gumambala sa titigan nila ng boss. Kapwa sila napalingon sa babaeng kasama nito na noon ay napakasama na talaga ang timpla ng pagmumukha nito. "Well, ipapaalala ko lang na nandito pa ako! Frank, girlfriend mo ako pero kung titigan mo ang babaeng ito ay parang wala ako sa tabi mo!" bulalas nitong sambit habang tila nais magdabog sa harap ng lalaki dahilan upang umigkas ang kilay niya. Napatingin pa siya sa boss at nakitang tila tuwang-tuwa pa ang lalaki. 'Herodes na ito! Tawang-tawa pa! Buwisit!' aniya sa isipan sa inis sa boss. Muli siyang tumikhim. Kailangan niya ang pirma nito para makaalis na siya. Kung mag-aaway man sila ay labas na siya doon lalo pa at mukhang tuluyang nainis ang babae dahil imbes na tumigil ang lalaki ay napangiti pa ito dahilan upang manggigil sa inis ang babae. "Sir, sorry but I came here for your sign. Kindly signed the papers para makalabas na ako!" may halong inis sa boses na turan sa boss. Napaayos ng upo si Frank nang marinig ang maawtoridad na boses ni Valerie. Ngayon lang may nagsalita sa kaniya ng ganoong tono. Tinitigan pa ito pero mukhang ayaw nitong padaig at nakita niya ang pagtaas ng kilay nito dahilan upang mabilis na binuklat ang folder na dala nito. Mabilis na pinirmahan ang mga iyon matapos pasadahan ng basa sa mga ito. Nang matapos ang boss ay mabilis na yumukod si Valerie upang samsamin ang mga pinirmahang papeles ng boss. "Thank you, Sir," aniya saka tumango bilang paalam dito. Mabilis siyang tumalikod at deretsong lumabas sa opisina nito. Pagkabukas ng pintuhan at paghakbang papalabas ay nakahinga siya ng maluwag. "Napirmahan ba?" biglang salita ni Gemma sa kaniyang tabi na halos magpalundag sa kaniya. "Anak ng palaka!" bulalas sa kabiglaan. "Sorry, nagulat lang ako. Oo, napirmahan na niya," agad na bawing turan dito. "Good, kailangan ko na itong dahil sa kabila," anito sa opisina ng kanilang finance. Ngunit bago ito umalis ay matamis ang ngiting binigay nito sa kaniya. "Mukhang tipo ka ni boss," bulong na turan nito na kinakunot-noo niya. Mukhang pati ito ay pansin ang kakaibang titig ng boss sa kaniya. Paglabas ng kaniyang bagong sekretarya ay agad siyang kinumpronta ni Catherine bagay na kinainis niya. "So, tama nga ang hinala kong nagnanasa ka sa babaeng iyon!" gilalas nitong turan na tila ba susugod sa giyera at nakapamaywang pa sa kaniyang harapan. "Oh, come on, Catherine! Huwag mong sabihing mag-aaway na naman tayo?" gagad ring sabad sa kasintahan. Nakita niyang natigilan ito. "Ikaw kasi eh, kung makatingin ka sa kaniya ay parang pinagnanasahan mo siya at kilala kita!" mabilis nitong sambit. Naiiling-iling na lamang siya. Hindi naman na kasi magawang itanggi pa ang paratang nito dahil may katotohanan din naman. Naalala pa ang gulat sa mukha ng bagong sekretarya nang madatnan nito ang maalab na halikan nila ni Catherine. May pilyong ideya na pumapasok sa isipan kaya hindi maiwasang mapangiti. "See? Napapangiti ka mag-isa na wala namang nakakangiti sa mga sinabi ko!" singhal pa rin ng kasintahan sa kaniya. "Wait?! Akala ko ba na-miss mo ako? Tapos ngayon ay gusto mo na akong awayin ulit dahil lamang sa bago kong sekretarya," kunwari ay turan dito. Bahagyang napatigil ito. "I miss you, babe," lambing na turan na nito. Ngumiti rin siya rito saka lumapit at hinawakan ang baba nito sabay baba ng bibig sa punong-tainga nito. "Go home and wait for me," usal niya rito. Pagbibigyan niya ito, ramdam kasi niyang kailangan ng kasintahan ng isang mainit na romansa. Sa narinig nitong binulong ay agad nitong hinawakan ang kaniyang necktie. "Sure, hihintayin kita," anito sa kaniya. Mas lalong napangiti dahil nakaka-turn on naman talaga ang alindog ng kasintahan pero sumisingit pa rin sa isipan ang mukha ni Valerie. 'Hindi magtatagal ay mahuhulog ka rin sa karisma ko!' aniya sa isipan. 'Kailanman ay hinding-hindi ako magkakagusto sa tulad mong babaero! Baliw lang ang babaeng papatol sa'yo gaya ng kasintahan mo!' inis pa ring turan ni Valerie sa isipan kahit pala na si Gemma sa kaniyang harapan. Hindi kasi alam kung bakit kahit saang ibaling ang tingin ay nakikita ang nakangising mukha ng boss. "Buwisit! Akala mo naman ang guwapo!" inis na turan at hindi niya namalayan ang paglabas ng babae mula sa opisina ng amo. "Sinong guwapo?!" pasitang tinig buhat sa likuran. Napatigagal si Valerie nang marinig ang boses ng babae. Hindi man niya lingunin ay kilala na niya kung sino ito. "Tinatanong kita, sino ang sinasabi mong guwapo? Si Frank ba?" anito na matatalim ang titig sa kaniya. "Binabalaan kita, akin lang si Frank at ang lahat ng babaeng aagaw sa kaniya ay hindi magtatagumpay! Maliwanag ba?" matapang na turan ng babae sa harapan. Naningkit ang mga mata ni Valerie. Oo, galing siya sa mahirap na pamilya pero tinuruan siyang rumespeto ng mga taong karespe-respeto. "Sorry? Ako ba ang kinakausap mo? For your information, hindi ko gusto ang boyfriend mo kaya huwag mo na akong balaan dahil wala akong balak agawin siya. Besides kung ayaw mong maagawan ka, bakit hindi mo siya itali sa leeg mo para naman hindi makawala ang nagwawala mong boyfriend," matapang na sagot dito at nakita niya ang pagsalubong ng noo nito. Kung maldita ito ay marunong din naman siyang magmaldita. Sa dating trabaho niya ay puno ng respeto sa kaniya ang kaniyang mga tauhan kaya ngayon lamang siya mababastos at sa taong hindi pa niya katrabaho. "Huwag mo akong subukan!" giit nito. "Don't try me either!" segundang turan dito dahilan upang magsukatan sila ng titig. Akala siguro ng babaeng kaharap ay tulad siya ng ibang babae na basta na lamang titiklop. Sa dami ng pinagdaanan niya upang marating ang estado niya ay marami na siyang napagdaanang pagsubok na humubog sa kaniya upang maging matatag at matapang. Lumapit sa kaniya ang babae at mabilis nitong sinakmal ng hawak sa braso niya. "Don't dare!" anito. Mabilis niyang piniksi ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Don't dare touching me again!" banta rin dito. Kitang tila napapatid na ang inis sa mukha ng babaeng nasa harapan at mukhang sasampalin na siya nito ngunit maagap na hinawakan ang paigkas na palad nito. Muli silang nagkatitigan. Sa mundo ngayon, wala kang kalalagyan kung mahina ka at madaling magapi ng iba kaya dapat ay palaban ka. Sinalubong ang matatalim at nagbabagang titig nito. Hanggang sa marinig ang baritong boses buhat sa likod ng babaeng katitigan. "What is happening here?!" pukaw ni Frank ng pansin sa dalawang babaeng nasa labas ng kaniyang opisina. Hinintay lamang niya ng limang minuto mula nang lumabas si Catherine sa kaniyang opisina upang tunguhin sana kung nasaan ang bagong sekretarya nang mabungaran ang usapan ng dalawang babae na tila nagkakainitan. Bahagya siyang natuwa nang mapansing palaban din si Valerie at tila ayaw pasilong kay Catherine. Valerie is something a woman she likes. Mukhang strong ang personality and yet naivé. Kapwa sila napabaling sa pinanggalingan ng boses at doon ay nakita ang nakakunot-noo na mukha ng boss. "I'm asking you, what is happening here?" madiing turan ni Frank nang makitang tila ayaw pa ring magbitiw ang dalawang babae. Si Valerie ang unang nakabawi. "Nothing, Sir, nag-uusap lamang kami ni Ma'am—" aniyang putol dahil hindi alam kung ano ang pangalan ng babae. "Oh, yes, babe! Nag-uusap lamang kami nitong sekretarya mo, babe, hindi ba?" puno ng kaplastikang turan nito saka ngumiti sa kaniya. Tinugon din iyon ng ngiti saka mabilis na sinigundahan ngunit kita ang palihim na pagtalim ng titig nito sa kaniya. "Okay, babe, akala ko ay umuwi ka na?" tanong pa sa kasintahan. "Paalis na talaga ako babe para naman makapaghanda ako sa pagdating mo mamaya sa bahay pero may pakalat-kalat kasi sa daan," parinig pa nito sa kaniya na pagdidiin pa ang sinabi nitong pagpunta ng lalaki sa bahay nito. Naiiling na lamang si Valerie na nangingiti. 'The nerve! Kung sino man sa atin ang pakalat-kalat dito ay ikaw iyon! And who cares kung puntahan ka man niya sa bahay mo!' gigil na turan niya sa isipan at hindi na lamang sinatinig. Hindi niya namalayang nakaalis na pala ang babae at nang maramdaman ang paghawak sa kaniyang baywang ay kusang umigkas ang palad at sapol ang panga ng kung sinumang nangahas na hawakan siya sa baywang. Halos mag-lock ang panga ni Frank nang biglang sapukin siya ni Valerie. 'Sh*t! Hindi yata uubra ang karisma ko sa babae sa babaeng ito!' anita sa isipan ng maramdaman ang sakit sa panga niya. "Ouch!" bulalas niya. "Miss Villareal, what did you do!" bulalas na tanong habang hawak ang panga niya. "You deserve that! Mr. Fernandez, kung sa tingin mo ay makukuha mo lahat ang babaeng magugustuhan mo ay nagkakamali ka!" galit na turan dito. Napapamura talaga si Frank. Ngayon lang may babaeng sumapok sa guwapong mukha niya. Lalo pa at wala naman siyang ginawang masama. "Miss Villareal, wala akong ginawa—" "Anong wala?! Bigla ka na lang nanghahawak ng baywang!" madiing turan dito. "Hinawakan ko ba? I just want to tap you to say na may tagos ka tapos sasabihin—" putol na turan nito sa biglaang pagbulqlas niya. "What?!" aniya sabay lingon sa kaniyang likuran at ganoon na lamang ang gulat ng makita ang pulang mantsa sa bandang pwetan niya. Napapamura siya dahil kanina pa nararamdaman na mukha siyang dadatnan pero hindi inaasahang matatagusan siya. Mabilis na nilingon ang boss at kitang hawak pa nito ang panga. 'Next time, huwag assuming!' sermon niya sa isipan saka napangisi na lamang. "Makaganti man lang," bulong sa sarili saka mabilis na nagmartsa patungo sa CR.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD