Chapter 5:

1842 Words
Naiiling pa rin si Frank sa tuwing naaalala ang pagtanggi ni Valerie sa kaniya. Mas lalong naging determinadong mapalapit siya rito dahil sa nakitang determinasyon ni Henry na makuha ito. "Hey, mukhang malalim ang iniisip ng babe ko ah," malambing na tinig buhat sa may pintuhan at naroroon si Catherine, ang on and off girlfriend niya. Doon ay naalala ang kasintahan dahilan upang mas lalong mapailing siya. Nakitang lumapit ito sa kaniya at hindi maiwasang mapatingin sa pag-indayog ng balakan nito. Palagi itong nakikipagkalas sa kaniya sa tuwing nahuhuli siya nitong nakikipag-flirt sa ibang babae pero gusto niya ang ugali nito dahil kapag ayos na sila ay nakikipagbalikan ito na tila ba walang nangyari. "Hulaan ko kung sino ang iniisip mo?" anito na nakangiti. "Iniisip mo siguro kung papaano mo ako susuyuin," dagdag pa saka ngumiti ng matamis dahilan upang mapangiti na lamang. "See? Tama ako, noh?" Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti ng matamis dito. Isa sa nagustuhan sa babae ay masyado itong confident sa sarili at palaban. "I just missed you," aniya na lamang dito na mas lalong kinangiti ng babae. "I know," anito saka puno ng kumpiyansang lumapit sa kaniya at hinila nito ng bahagya ang kaniyang upuan upang makakandong ito sa kaniya. Tutal naman ay na-miss naman talaga ito lalo na pagdating sa kama ay mas lalo niyang binigay rito ang lahat ng papuri. "You look so hot today," aniya rito. "I know," bulong ng babae sa kaniyang tanga dahilan upang mas lalong mag-init ng katawan. Ganoon yata kapag isang linggo na walang babae, masyadong nasasabik siya. "I'm free tonight," dagdag pang turan nito na nagpainit lalo ng kaniyang puwetan nang biglang bumukas ang pintuhan ng opisina at niluwa mula roon ang kaniyang ina dahilan upang mabilis na mapatayo sa pagkakaupo niya. "Mama!" bulalas sa kabiglaan at sa gulat ay napaupo sa sahig si Catherine na kanina ay nasa kandungan. "Ouch! Frank?!" gilalas nito sa sakit at sa inis. "Ops! Sorry, babe!" aniya rito nang mapagtanto ang nangyari. "My God! Malalaglag ang matris ko sa ginawa mo. Ang sakit ng puwet ko, ha!" inis na baling nito kay Frank at hindi magawang ngumiti sa ginang na dahilan kung bakit siya na nalaglag. "Sorry, babe!" ulit ni Frank dito. "Frank, anong ginagawa ng babaeng ito rito?" tahasang turan ng ginang upang ipakita ang pagkadisgusto sa babaeng nasa harapan. "Ma, gilrfriend ko si Catherine kaya natural na nandito siya sa opisina ko," giit ni Frank sa ina. Isa iyon sa problema sa magulang, partikular ang ina. Bago pa man si Catherine ay may mga babaeng pinakilala na siya rito pero lahat sila ay may nasabi ito. Lahat sila ay wala itong gusto para sa kaniya. Ganoon din sa kaniyang kapatid. Sabagay ay ayaw niya rin sa boyfriend ng kaniyang Ate dahil mukhang piniperahan niya lamang ito. "I know na girlfriend mo siya pero gawain ba ng matinong babae ang umupo sa kandungan ng lalaki?" turan ng ina na nakataas ang kilay. Kita sa mukha ni Catherine na tila nagpipigil ito na hindi masagot ang ina. Galing rin sa prominenteng pamilya si Catherine ngunit gayun pa man ay hindi pa rin ito gusto ng ina para sa kaniya. "Ma, she's my girlfriend," muling giit sa ina. Eksaherada itong bumuntong-hininga. "My God! May babae bang basta-basta na lamang uupo sa kandungan ng lalaki lalo na sa oras ng trabaho?" giit ng ina. Alam niyang hindi niya ito matatalo. "I'm sorry, Tita because we usually did that," sabad ni Catherine sa ina. Nakita niya ang pag-iling ng ina sa sinabi ng kasintahan. "Well, kung wala kang dignidad sa sarili mo ay bigyan mo ako ng kahihiyan. Kung gagawin mo iyan, hija. Itaon mo iyong wala ako o walang makakakita sa inyo!" matalim na turan ng ina. "Ahemmm!" malakas na tikhim buhat sa may pintuhan ang gumambala sa kanila. "Sorry, Sir pero nandito na po iyong napili ng HR para po sa bago niyong sekretarya," turan ng isa sa kaniyang empleyado. Bigla kasing nag-resign ang kaniyang sekretarya dahil daw masilan ang pagbubuntis nito. Matagal din nilang hiniling ng asawa niyang mabuntis kaya nang mabuntis at may posibilidad na mawala ang bata ay nag-resign na ito para madutukan ang pagbubuntis. Napatingin siya sa ina at sa girlfriend na nagsisimulang magkainitan. Mainam na rin iyon bago pa kung ano ang masabi ng ina rito. "Okay, let her in," aniya rito nang mayamaya ay bumungad ang pamilyar na mukha. Kung nabigla siya ay maging ito ay nabigla rin ng makita siya. Sa mukha nito ay tila nais mag-back out nang malamang siya ang magiging boss nito. 'Tignan mo nga naman ng pagkakataon, mukhang pagkakataon na ang naglalapit sa atin, Valerie Villareal,' nakangising turan sa isipan. Halos panawan ng kulay ang mukha sa sobrang gulat nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan. Mas lalong nainis nang makita ang pagsungaw ng ngisi sa labi nito. Maging siya man ay nainis sa sarili dahil hindi niya nagawang silipin man lang ang background ng kompaniyang kaniyang in-apply-an. Nag-apply talaga siya doon dahil sa laki ng sahod at gustong magtrabaho ayon sa natapos pero naiba nang sabihing may nakahanap na sila sa mga bakante sa kanilang mga office staff. Tanging bukas na lamang ay ang magiging sekretarya ng kanilang big boss. Kung saan ay mas malaki pa ng konti ang sahod kaysa sa ina-apply-ang posisyon. Bagay na tripple sa sahod niya ngayon kaya naisip niyang tanggapin na iyon kaysa namang bumalik ulit siya sa very stressful na trabaho niya sa fast food na iyon. Ngunit nang makita kung sino ang magiging boss ay parang gusto niyang bumalik na lamang sa pagiging manager ng fast food chain dahil mas kaya pa yata niyang pakitunguhan ang mga nagrereklamong customer kaysa sa boss na kung makatingin ay hinuhubaran siya. "Siya ba ang magiging sekretarya ko?" turan niya upang basagin ang matiim na titig ng babae sa kaniya. "Yes, Sir! Miss Villareal, meet our big boss and the CEO of Fernandez Construction and Developing Incorporated, Mr. Franklin Fernandez," ang magiliw na pagpapakilala sa kanila ng babaeng sumama sa kaniya. Nakailang lunok si Valerie nang makitang nilahad ng lalaki ang kamay nito ngunit sa kabilang bisig nito ay kumapit ang babaeng kanina pa pala nakatingin sa kaniya. Sa gilid ng mga mata ay kita ang mapanuring mata nito at bakas ang pagbabanta sa mga titig nito. Nagtatalo ang isipan kung tatanggapin ba ang pakikipagkamay ng lalaking ito sa kaniya pero sa huli ay nanaig ang pagiging pormal niyang tao at kinuha ang palad nito. Muli ay nasilayan ang pagngiti ng lalaki. Iniisip yata nitong nagtagumpay dahil noong nakaraang araw ay in-offer-an siya nito ng trabaho pero tinanggihan tapos siya rin pala mismo ang magkukusang pumunta sa kompaniya nito. Mas lalong nainis sa lalaki nang maramdaman niya ang pagpisil nito sa kaniyang palad dahilan upang mabilis na mapabitaw rito kahit wala pa yata itong balak bitawan ang palad niya. "Ahemmm!" tikhim ng ginang na kanina pa naroroon. Doon lamang ito napagtuunan ng pansin at doon ay naalala ang ginang na nakasabay niya kanina. Ngumiti siya rito sabay tango rito bilang pagbibigay respeto kahit hindi alam kung ano ang trabaho nito doon. "Ikaw iyong nakasabay ko kanina sa may labasan, hindi ba?" tanong nito. "Yes, Ma'am. Sorry nga po pala sa nangyari. Hindi ko po talaga sinasadyang mabangga kayo," hingi ulit niya ng paumanhin dito. "No, worries but next time, be careful," anito sa kaniya bagay na kinangiti niya. "So, ikaw ang papalit sa sekretarya ng anak ko?" sunod na wika nito upang ikagulat. "Po?! Siya, anak niyo?" bulalas na tanong sa ginang na kinatawa nito. "Hindi ba obvious, hija?" magiliw na turan ng ginang. Gusto pa sanang ipahiya ang lalaki pero piniling itikom na lamang ang bibig dahil patalim na nang patalim ang titig ng babaeng kapit na kapit sa braso ng magiging boss habang ito naman ay nakangisi. 'Sarap sapakin!' inis na saad sa isipan. "Nice to meet you, Ma'am," magalang na lamang na sagot sa ginang upang hindi na makabitaw pa ng salita laban sa magiging boss. "Gemma, kindly orient, Miss Villareal to her duties and works," maawtoridad na utos nito sa kasamang babae. Mabilis namang tumalima ito at sinabing sumama siya rito. Mainam na rin siguro iyon dahil kanina pa siya naaalibadbaran sa klase ng tingin ng boss sa kaniya at lalo na nakakamatay na tingin ng babaeng kasama nito. "Hindi ba't suwerte mo dahil ang guwapo ni Sir Frank," tila pa ng babaeng kasama na tila crush na crush ang kanilang boss. "Kaya lang parang tuko iyang si Miss Catherine, kahit hindi gusto ni Ma'am Fatima ay kapit na kapit pa rin," sunod-sunod na turan nito nang bigla nitong tinapik ang bibig. "Naku! Pasensiya ka na ah, medyo matabil lang ang dila ko pero hidni ako tsismosa," anito dahilan upang mapatawa siya. "Okay lang, it was a nice headstart for me," aniya rito. Hindi alam kung matutuwa ba siya o hindi sa nalaman pero ang concern niya ngayon ay kung papaano niya pakikitunguhan o pakikiharapan ang kaniyang boss. "Ayos ka lang ba, Miss Villareal?" tanong nito nang mapansin nitong nakatulala siya habang sinasabi nito ang mga dapat niyang gawin. "Ha?! Oo naman," mabilis na sabad rito. "Narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong nito. "Oo naman, sabi mo ay black coffee lang ang gusto ni boss," ulit sa sinabi nito dahilan upang mapangiti ito. Marami siyang natutunan sa babae sa kung ano ang magiging daily routine niya. Bago ang lahat sa kaniya dahil ngayon ay siya naman ang uutasan ng boss. Kung siya ang taga-utos sa dating trabaho ngayon ay siya naman ang tagasunod sa mga utos. Napabuntong-hininga siya pero kailangan niyang gawin iyon para sa pamilya niya. Wala na ang ina at ngayon ay galit na naman si Catherine. "Tell me, may pagnanasa ka sa bago mong sekretarya?" tahasang akusa nito. Isa ito sa ayaw rito, naturingang nakapag-aral sa mga malalaki at sikat na eskuwelahan pero kung magsalita ay daig ang walang pinag-aralan sa sangsang ng salitang binibitawan. "Pag-aawayan pa ba natin ito? Maganda siya pero wala akong pagnanasa sa kaniya!" labas sa ilong dahil sa totoo lang ay natuwa siya nang makitang ito ang magiging bagong sekretarya. Ngayon ay palagi na itong makakasama. "Iyan ang sinasabi mo pero iba ang nakikita ko sa mukha mo!" sikmat ni Catherine sa kaniya. "Enough, Catherine! Kaaayos lang natin tapos inaaway mo na naman ako sa walang katapusan mong paghihinala!" saad rito. Tila natauhan naman ito at mabilis na yumakap sa kaniya. "Sorry, babe, hindi ko lang maiwasang magselos dahil maganda ang bago mong sekretarya. Paano kung akitin ka niya at alam kong katulad niya ang mga babaeng hindi mo kayang pahindian?" anito na tila naiiyak. Medyo tinamaan siya dahil tama ang sinabi nito. Mukha ngang kilalang-kilala na siya ni Catherine dahil maging iyon ay tumbok na tumbok nito. Walang kung anu-ano ay agad siyang siniil ng halik. Halik na hindi niya napahindian dahilan upang tugunin iyon ng maalab na halik nang bigla ay bumukas ang pintuhan. Napabitaw lang sila ni Catherine nang marinig ang matinis na tili sabay nang pagbagsak ng kung anong bagay sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD