Chapter 7:

1930 Words
Pagdating sa CR ay mabilis na pumasok si Valerie sa cubicle at mas lalong napagilalas nang makitang medyo may kalakihan ang matsa sa kaniyang puwetan. "Ahhh! Bakit ngayon pa!" bad trip na turan sa sarili dahil bakit kung kailan unang araw pa niya sa bagong trabaho at kamalas-malasan ay ang boss pa ang nakapansin. "Ahhhh!" gigil na tili. Nang mayamaya ay kumatok sa kaniyang pintuhan. Natigilan tuloy siya, baka kung ano pa ang isipin ng nasa labas. "Yes, sorry," aniya bilang paghihingi niya ng despensa sa gambalang ginawa. Ngunit muling narinig ang pagkatok. "Ayos lang ako, thank you," turan sa kung sinumang nasa labas ngunit sa pangatlong pagkakataon ay kumatok ang sinumang nasa labas. "I said, I'm go—" putol na turan nang makita ang nagmamay-ari ng bulto na nasa labas. Agad na napakunot-noo kung ano ang ginagawa ng boss sa labas ng cubicle. Agad siyang napatingin sa main door ng banyo at nakitang naka-lock iyon dahilan para kabahan siya. "Anong ginagawa mo rito?!" sitang tanong sa boss. Kinakabahan siya dahil mukhang siya lamang ang naroroon. Kitang nakatingin lamang ito sa kaniya at mas lalong napalunok nang makita kung paano siya nito suyurin ng tingin mula ulo hanggang paa. "I'm asking you, anong ginagawa mo rito?" inis na tanong sa boss. Napahalukipkip pa lalo si Frank sa nakikitang reaksyon ni Valerie. Mas lalo kasi itong gumaganda kapag namumula ito sa inis sa kaniya. Nang makita kanina na may tagos ito ay mas lalo siyang napangiti rito dahil alam na niya kung bakit masungit ito. "What?!" bulalas na diga ni Valerie dahil mukhang pinagtatawanan pa siya ng lalaki dahil sa nakikitang ngiti sa mukha nito. "I came here to help you, pero mukhang hindi mo na kailangan," anito at akmang aalis na. Napakunot-noo si Valerie nang makitang sa may lababo ay kinuha nito ang isang paper bag na nakapatong saka akmang lalabas na. "Wait!" mabilis na tawag sa pansin nito na agad naman nitong kinatigil saka nakangiting bumaling sa kaniya. "Yes, Miss Villareal, may kailangan ka ba?" nakangiting tanong ni Frank sa babaeng kanina ay tila tigre kung tanungin ang kaniyang ginagawa roon. Parang gustong bawiin ni Valerie ang ginawang pagtawag kanyang boss dahil mas nagkaroon yata ito ng rason upang mas lalo siyang asarin nito. "A—nong laman iyang paper bag na dala mo?" mahinang tanong dito. Hindi maiwasang matawa si Frank nang marinig ang halumpihit na tanong ng babae. "Akala ko ba ay hindi mo kailangan ang tulong ko?" maang pa ring tanong dito. Napataas ang kilay ni Valerie sa pagtawa ng boss. Kung hindi lang talaga nakakahiyang lumabas siyang may tagos ay nunca na hihingi ng tulong dito. 'Antipatiko! Kailangan ko lang ng tulong pero kung may mahihingan akong iba, ikaw na siguro ang pinakahuling hihingian ko ng tulong!' inis na turan sa isipan. "May sinasabi ka ba, Miss Villareal?" untag ni Frank sa bagong sekretarya nang makita ang pagngiwi ng mga labi nito na tila may binubulong. Agad itong natahimik at tinikom ang bibig sa kaniyang pagtatanong. "Wala, Sir, I'm asking kung ano ang laman ng paper bag?" anito pero mukhang may iba itong iniisip. "Are you sure?" "Y—yes, Sir!" nauutal na sabad ni Valerie dahil mukhang hindi ito naniniwala sa kaniya. Gusto sanang matawa ulit si Frank pero pinigil na ang sarili dahil mukhang naiinis na ang babae sa kaniya. "We'll, I guess you need this," anito sabay labas ng pads. Nakitang matiim itong nakatingin sa kaniya. Tila wala itong balak kunin ang inaabot dito kaya binalik iyon sa hawak na paper bag. Nang makita ni Valerie ang pagbalik ng lalaki sa hawak na mga sanitary pads ay mabilis na inawat ang lalaki. "Thank you, I need them," aniya rito at doon ay muli nitong binigay sa kaniya. "I guess you need this too," anito sabay hugot sa loob ng paper bag at kita ang isang miniskirt. Mas lalong napakunot-noo siya. Hindi naman ito si Superman para makapunta at makabalik agad sa opisina nila upang bumili ng mga ganoon. "Don't worry, bago ito kung iyon ang iniisip mo," untag ni Frank sa babaeng halos magsalubong ang noo. "I'm just wondering kung bakit ka meron nito?" gagad na turan dahil mukhang iba na naman ang iniisip nito. Napangiti si Frank. "Hey, don't tell me, iniisip mong sa akin ang mga ito?" natatawang turan sa babae na bakas sa tingin ang mapanghinala. Napatawa rin si Valerie sa narinig na sinabi ng lalaki. "No worries, hindi ko iniisip na bakla ka! Sa mga nasaksihan ko kanina, iyon ang huli kong iisipin. Naisip ko lang kung kanino sa mga babae mo ang mga ito," aniyang bara sa lalaki. Napangiti na lamang si Frank sa pambabara ng babae sa kaniya. "Don't worry dahil para iyan talaga sa mga employee's ng FCDI. See?" anito sa naka-print sa paper bag na hawak. "And don't worry dahil kinumpleto namin ang stain period kit namin," anito sabay lahad ng panty sa kaniya. Halos mamula ang mukha nang makitang iabot iyon ng lalaki sa kaniya. Nang mapansin ni Frank na hindi gustong abutin ng babae ang binibigay na panty rito. "Okay, fine. Kung ayaw mo ay ikaw ang bahala," aniya saka binalik na lamang iyon sa paper bag. "Why don't you just leave the paper bag?" mabilis na awat ni Valerie sa boss. Nakitang natigilan ito saka bumaling aa kaniya. Nagsimula itong humakbang papalapit sa kaniya dahilan upang maalerto. Kinabahan dahil hindi alam ang tumatakbo sa isipan nito nang makarinig sila ng katok buhat sa labas. Doon ay napatigil ito saka tumitig sa kaniya. Muling katok ang gumambala sa kanila. Mabilis nitong inabot sa kaniya ang paper bag saka ito mabilis na tinungo ang pintuhan at lumabas doon an tila walang nangyari. Kita ang pagtataka sa mukha ng dalawang babaeng papasok sa banyo at nang makita siya ay mas lalong nabakas sa mukha ang pagdududa sa mukha ng mga ito ngunit nang makita ang hawak na paper bag ay tila napagtanto na nila ang nangyayari sa kaniya. Marahil ay nagtataka lamang kung bakit ang mismong boss pa ng FCDI ang nagbigay sa kaniya ng stain period kit nila. Bago pa siya pagpistahan ng mga mapanghinalang titig ng mga ito ay sinara na ang pintuhan ng cubicle na kinaroroonan upang makapagpalit na. Wala siyang nagawa kundi gamitin ang panty na hinawakan ng lalaki kanina. Naiinis man pero nang maalala ang mukha nito kanina nang barahin ito ay napangiti siya. Mukhang kahit papaano ay tinamaan ang ego nito kanina. Paglabas ni Frank sa banyo ay hindi maiwasang mapangiti. Mukhang mahirap paamuhin ang kaniyang bagong sekretarya pero kapag naaalala ang mahigpit na karibal na si Henry ay mas lalo siyang nagiging pursigido. "Alam kong mahuhulog at mahuhulog ka rin sa aking karisma," turan niya bago bumalik sa kaniyang opisina. Ngunit bago pumasok ay tinawag si Gemma upang bilinan. "Kindly asks, Miss Villareal to make me a cup of coffee when she returns," bilin niya rito. "Okay, Sir," mabilis naman nitong tugon saka siya pumasok sa opisina. Hindi talaga niya maiwasang hindi mapangiti sa tuwing naaalala ang magandang mukha ni Valerie. Paglabas ni Valerie sa cubicle ay nakitang naroroon pa rin ang dalawang babae na tila hinihintay talaga siyang lumabas. Masinop na nilagay sa paper bag ang pinalitang skirt. Sa gilid ng mga mata ay kita ang mapanuring mata ng dalawang babae. Hanggang sa tila hindi nakatiis ang isa sa mga ito at kinausap na siya. "Excuse me, are you working here?" maarteng tanong ng isa sa babae. Mukha naman silang sosyal. "Yes," simpleng tugon sa mga ito. Kitang nagtinginan ang dalawang babae. "Oh, wow! We're just wondering kung bakit nasa toilet ng mga babae si Sir Frank?" ani ng isa na tila nagniningning ang mga mata nang banggitin ang pangalan ng boss. "I see, ako man din ay nagtaka noong una pero dinalhan niya lang ako nito. Isn't he thoughtful?" aniya sa mga ito saka ngumiti ng maluwag. Alam niya naman kung paano laruin ang pagdududa at pang-uuyam ng mga ito sa kaniya. Akala yata ng mga ito ay may ginawa silang quicky o hindi kaaya-aya sa loob ng banyo. Nakitang napangiwi ang mga ito nang ipakita ang kanilang company stain period kit. Well, noong una ay nabigla rin siya dahil sa dami ng kompaniyang napuntahan ay bukod tanging ang FCDI lang yata ang mayroon noon. Sabagay sa laki ng kompaniya ay batid na kayang-kaya nitong mag-provide ng ganoon sa mga empleyado nito lalo na at usually ay babae ang staff sa buong building. "Which department are you working?" maang na usisa ng isa. Tila diskumpiyado pa rin kung doon nga talaga siya nagtatrabaho. "Oh, I'm his newest secretary," mabilis na sagot ng mga ito. "What?!" sabayang turan ng mga ito. Well, tingin pa lamang sa titig nila sa boss kanina ay nagpapa-cute ang mga ito kaya tiyak na magugulat ang mga ito na ang lalaking pinaglalawayan nila ay makakasama niya maghapon. Mas lalong umilap ang mga mata ng mga ito. Ngunit bago pa man siya mamatay sa irap ng mga ito ay mabilis siyang nagpaalam. "Sorry ladies, as much I want to talk with you. But I guess I have to go back to work, baka kasi hinahanap na ako ni Mr. Fernandez," saad sa mga ito saka ngumisi sa mga ito habang ang mga ito ay bakas ang disbelief sa mga mukha nila. Pagbalik nga ay agad siyang nilapitan ni Gemma. "Where have you been, sabi ni Sir ay gawan mo siya ng kape. Quickly!" mabilis nitong utos sa kaniya. Nataranta tuloy siya. "Wait? Ano bang kape niya?" hirit na tanong dito. "Black, no sugar," mabilis namang imporma nito bago tinungo ang pantry. Matapos niyang timplahan ito ng kape ay mabilis na tinungo ang opisina ng boss. Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago tuluyang pumasok nang muli ay natulos siya sa kinatatayuan. Mabuti na lamang at mahigpit ang pagkakahawak sa hawak niyang tray. Kung hindi ay natapon na sana ang kapeng dinala para sa boss. Paano ba naman kasi ay nakita ang isang seksi at sopistikadang babae na nakayukod sa harapan ng mesa ng boss na halos makitaan na ng singit sa pagkakadukwang. "Ahemm!" tikhim niya upang ipabatid ang presensiya sa mga ito. Agad na umayos ng tayo ang babae. Para itong modelo sa suot at kilos. Idagdag pang maganda ang babae, hanggang sa ngumiti ito sa kaniya. "Hi," nakangiting bati sa kaniya. "Hi, Ma'am," bati naman dito dahil napakawalang hiya naman siya kung hindi tutugon dito. "Oh, don't call me, Ma'am dahil hindi naman ako boss dito. Itong kapatid ko lang," natatawang tugon nito. "Po?! Magkapatid kayo?" hindi napigilang gilalas. Buong akala ay babae ng boss ito. Natawa ang babaeng nasa harapan. "Yes, dear. Akala mo siguro ay babae ng kapatid ko noh!" untag nito na kinatungo niya. Mas lalo itong natawa sa kaniyang ginawa. "Ate!" mabilis na saway ni Frank sa panglalaglag ng kaniyang ate. "What? Well, pinapangunahan ko lang itong magandang binibini rito. Ayaw kong isipin niyang babae mo ako, ang sagwa!" gilalas ng kapatid na kinailing na lamang niya. Saka binalingan ang sekretarya na noon ay nagugulumihanan sa kaniyang kapatid. "Do you have my coffee?" untag dito at doon lamang ito lumapit at nilapag sa kaniyang mesa ang kape. Mabilis na kinuha iyon nang bigla ay mapaso ang bibig. "Ouch! Bakit ang init nito?!" gilalas na tanong sa kaniya na tipong galit. "Sir, natural, kape po iyan kaya mainit," sabad rito. "Is Gemma didn't inform you that I don't—" putol ni Frank sa pagsermon sa bagong sekretarya nang agawin ng pansin ang matinis na tawa ng kapatid na tila tuwang-tuwa sa sagutan nila ni Valerie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD