Tawa ng kaniyang nakakatandang kapatid ang pumutol sa paninirmon sana sa bago niyang sekretarya. How could Gemma forget to inform her regarding about the temperature of his coffee. "Ate Faith!" sawata sa kaniyang kapatid na noon ay hindi maampat-ampat ang pagtawa. "What?! Masama bang tumawa? Anyways," anito sabay baling kay Valerie. "Pasensiya ka na sa kapatid ko, medyo maselan lang siya pero mabait naman siya," mayamaya ay turan ng kapatid dahilan upang mapakunot-noo siya. Mukhang dapat na siyang kabahan dahil tiyak na may resbak ang mga papuri ng kapatid sa kaniya. "But I'm warning you also, please stay away from him. Alam kong guwapo siya pero—" "Ate!" mabilis na saway rito. Sinasabi na nga ba niya, may sasabihin itong hindi maganda sa kaniya. Agad na binalingan si Valerie at kita an