Walang nagawa si Valerie kundi ang sumunod na lamang sa boss. Iyon nga lang ay kinailangan nilang magkatabi sa back seat ng sasakyang inupahan nito habang mag-isa naman sa harapan ang driver. Gusto sanang sabihang sa harap na ito pero nahihiya naman siya. "Papasok ka ba o bubuhatin kita?" untag ng boss sa kaniya. Awtomatikong napatingin siya rito ngunit hindi naman inaasahan na napakalapit pala ang mukha nito sa kaniyang mukha dahilan upang mabilis na pumasok. Natatawa na lamang si Frank sa reaksyon ng sekretarya. Nang biglang magtapat ang mukha nila kung hindi lang pinigil ang sarili ay agad itong sinunggaban ng halik. Mabuti na lamang at agad itong pumasok kaya mabilis na rin siyang pumasok. Halos hindi makahinga si Valerie habang nasa loob ng sasakyan at nasa tabi ang boss. Amoy na