Napangiti ng matamis si Frank sa sinabi ni Valerie. 'Is she flirting with me?' tanong pa sa sarili ng masilayan ang pilyang ngiti sa labi nito. Kahit anu pa man iyon ay masaya na siyang tila lumalambot na ito. Noong una kasi itong nakita ay bukod sa magandang mukha nito ay umaagaw sa atensyon niya ang istriktang mukha nito. Gusto niyang paamuhin ang katulad nitong babae kaya nabigla talaga siya nang makita ang pilyang ngiti sa mukha nito. Panay ang iwas ni Valerie sa mga titig ng boss. Alam niyang nakikiramdam ito sa kaniya kaya pinilit na ipikit ang mga mga ngunit tila nais magsisi dahil naging dahilan iyon upang mas lalong magkaroon ito ng pagkakataong titigan siya. Damang-dama niya ang mainit nitong titig sa kaniya. Kaya hindi maiwasang idilat ang mga mata at doon nagtama ang mga pa