Napaunat si Frank sa pagkakaupo habang pinagmamasdan ang dalawa. Mukhang hindi gusto ni Valerie ang lalaki kaya nang mapagbuksan ito ay akma rin sanang isasara iyon ngunit maagap na hinarang ng lalaki ang kamay sa pintuhan. Bahagya silang nagtulakan konti ngunit natalo ang babae.
Napahawak ng baba si Frank saka nilingon ang pintuhan na ngayon ay sarado na. Nainis siya sa naglalaro sa isipan sa sandaling iyon. Paano ba naman kasi ay alam na alam niya kung paano gumalaw ang Henry na iyon sa mga babae.
Napapamura siya sa isipan sa isiping baka sa sandaling iyon ay kung ano na ang ginagawa ng dalawang nasa loob ng bahay. Nang bigla ay bumukas ang pintuhang tinititigan kanina pa at niluwa noon ang galit na galit na mukha ni Valerie habang nakasunod naman si Henry na ngising-ngisi. Tila ba may ginawa itong kabulastugan kaya nagalit ng husto ang babae.
Kita ang pagtataboy ng babae rito. Kahit galit na si Valerie ay tila natutuwa pa ang lalaki dahilan upang mas lalong tumindi ang hinalang may ginawa nga itong hindi kanais-nais.
Tuluyang umakyat sa ulo ang dugo ni Valerie nang bigla na lamang siyang sunggaban ng halik ni Henry na halos ikapigtal ang paghinga niya. Ilang segundo siyang natulos sa kaniyang kinatatayuan at nang magawang itulak ito sabay igkas ng malakas na sampal para dito.
Galit na galit na pinagtabuyan ito. "Lumabas ka sa pamamahay ko bago pa ako tumawag ng pulis!" banta rito.
Lalong nainis nang makita ang pagngisi ng lalaki na tila hindi iniintindi kahit pa siya ay galit na galit na. "Get out of my place!" halos umusok ang ilong sa galit dito nang mapansing tila wala pa itong balak lumabas ng kaniyang bahay.
"Okay, fine, sorry kung na-offend kita—" putol niya rito nang mabilis itong binara.
"You didn't offended me, binastos mo ako!" bulalas dito. Kita pa ang pangiti nito na tila natutuwa pa sa nakikitang galit sa mukha niya.
"I'm sorry kung feeling mo ay binastos kita—"
"Hindi ko lang feeling iyon dahil binastos mo talaga ako!" sikmat dito dahil mukha pa yatang gusto siya nitong baliktarin.
Mas lalong natawa ang lalaking nasa harapan. "May nakakatawa ba?" muling sikmat dito.
Mabilis itong umayos. "Wala naman, sorry kung nabastos kita. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil napakaganda mo," anito sa kaniya. Matutuwa na sana siya sa papuri nito sa kaniya pero sa klase ng pagkakasabi nito ay hindi alam kung paniniwalaan. Kilala niya ang ugali nito pagdating sa babae at ayaw niyang isa siya sa mga babaeng papabilog rito.
"Bilog na bilog na ang ulo ko kaya huwag mo nang bilugin pa!" inis na turan dito.
Napabulalas ito ng tawa nang marinig ang sinabi niya. "Iyan ang gusto ko sa'yo, Valerie, kaya mas lalo akong nagiging determinado upang mapasagot ka," anito na nakangiti.
Napangiwi naman siya sa narinig na sinabi nito. "I'm sorry, Mr. Hernaez pero hindi kita gusto!" tahasang turan.
"Ouch! Ang sakit naman noon, Valerie, bakit hindi natin subukan. I know, pangit ang pagkakakilala mo sa akin pero iyon ang sinasabi ng pinsan ko sa'yo," anitong pagtatanggol sa sarili.
Paano ba naman kasi ay una pa lamang ay binalaan na siya ng kaibigan niyang si Haidee na siyang pinsan naman nito na matinik ito sa chicks bagay na napatunayan naman sa tuwing nagkukrus ang landas nilang dalawa.
"Hindi ba't ganoon ka naman talaga?" gilalas dito.
"No!" mabilis nitong sabad sa kaniya. "Val, gusto kita at hindi lang kita gusto kundi mahal na kita. Alam kong hindi ka naniniwala sa sinasabi ko pero hayaan mo sanang manligaw ako sa'yo upang mas makilala mo ako ng lubusan," sumamo nito na biglang naging seryoso.
Ilang segundong nagtama ang kanilang mga paningin. "Pag-iisipan ko, ngayon ay gusto ko munang mapag-isa," aniya rito saka tumalikod upang pumasok na sa kaniyang apartment.
"Val," tawag nito sa kaniya dahilan upang mapalingon siya.
"Hihintayin ko na maging handa ka. Papatunayan ko sa'yong hindi ako katulad ng inaakala mo," tila determinadong turan nito.
Naiiling na lamang siyang pumasok sa apartment niya.
Mabilis na bumaba sa kaniyang sasakyan si Frank matapos umalis ang panauhin ni Valerie. Tinugpa ang daan patungo sa harap ng pintuhan nito.
Dalawang sunod na katok ang ginawa nang marinig ang mga nagmamadaling yabag.
"Ano na naman ba?!" tila galit na wika nito saka natigilan nang makita siya nito. Inakala yata nito na bumalik ang lalaking nangungulit dito.
Buong akala ni Valerie na bumalik pa si Henry. Sakto pa namang nakapgpalit na siya ng kaniyang pambahay. Simpleng khaki short iyon saka tshirt na puti. Magluluto na sana siya para sa kaniyang gabihan at almusal bukas nang marinig ang pagkatok sa kaniyang pintuhan.
Natigilan siya nang makita ang guwapong lalaking nakatayo sa kaniyang pintuhan. Hanggang sa maalala ang eksena sa fast food kaninang umaga.
'Oo, siya iyong lalaking kung makatitig sa akin ay para akong hinuhubaran,' aniya sa isipan.
"Ahemmm!" tikhim nito na pumukaw sa kaniyang pansin.
Agad na napataas ng kilay si Valerie sa pagkapahiya. 'Inakala pa yata ng herodes na ito na napatulala siya sa kaguwapuhan nito,' inis na turan ng isipan. 'Bakit, hindi ba?' bawing wika naman ng kabilang isipan.
"Anong ginagawa mo rito, Mister—" putol na turan dahil hindi nga pala alam ang pangalan nito.
"Call me, Frank, Valerie," ani ng lalaking nasa harapan dahilan upang magsalubong ang kilay. Paanong nalaman ng lalaki ang kaniyang pangalan.
"I'm sorry, do I know you?!" gilalas na sabad sa lalaki. Masyadong misteryoso kung paano siya nakilala nito.
Nag-alala si Frank nang makita ang pagdududa sa mukha ni Valerie. Hindi naman kasi naisip na hindi pa nga pala siya kilala nito. Masyado siyang nadala sa isiping kilala nito si Henry.
"Sorry pero nakita ko ang pangalan mo sa name plate mo kanina," kaila rito bagay na kinatango-tango naman nito. Natuwa siya dahil napunan ng kasagutan ang pagdududa nito.
"So, why are you here, Mr. Frank," anito na masyadong seryoso.
"That's too formal. Frank na lamang Valerie," aniya sa babae.
Natigilan ito at muli siyang tinitigan mula ulo hanggang paa.
"I'm sorry, Frank but I guess, hindi ako dapat nakikipag-usap sa'yo. Una ay hindi kita kilala at hindi ko alam kung bakit ka nandito. Pangalawa, hindi ko alam kung paano mo natunton kung saan ako nakatira at pagatlo, dapat na ba akong kabahan dahil sa ginagawa mo?" aniya sa lalaki. Guwapo ito at mukhang disente tignan ngunit sa panahon ngayon ay mahirap na magtiwala sa taong hindi kilala.
"Kilala mo na ako, alam mo na ngang Frank ang pangalan ko," hirit ni Frank saka nagpakawala ng matamis na ngiti sa babae.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. I'm sorry pero kung wala kang sasabihin ay marami pa akong gagawin," aniya sa lalaki saka akmang isasara ang pintuhan.
Nabahala si Frank nang makitang tila hindi umepekto ang kaniyang karisma sa babaeng pakay kaya nang akmang isasara na nito ang kaniyang pintuhan ay mabilis na naisipang alukin ito ng trabaho.
Kita kasi sa mukha nito kaninang umaga ang pagod sa trabaho nito, idagdag pa ang mga customer na tila hindi makontento at nais pang isahan sila.
"I came to offer you a good paying job. Halos tripple sa sahod mo ngayon," aniya sa babae na kinatigil nito sa akmang pagsasara sa pintuhan.
Natigilan si Valerie sa narinig na tinuran ng lalaki. Kailangang-kailangan niya nga ng stable na trabaho na magbibigay sa kaniya ng mas mataas na sahod lalo na at dama niya ang bigat ng responsibilidad sa kaniyang balikat.
Muling tinitigang mabuti ang lalaki kung nagsasabi ba ito ng totoo o nanggu-good time lamang. Ngunit sa hitsura pa lamang ito ay natatakot siyang sumugal na makasama ito sa iisang opisina.
"No, thanks! Mahal ko ang trabaho ko," turan dito ngunit labas sa kaniyang ilong. Dahil sa totoo lang ay gustong-gusto na niyang umiba ng linya ng trabaho.
Mataas na ang posisyong inalagahan ng ilang taon pero darating din siya sa puntong maghahanap siya ng panibagong excitement sa kaniyang career.
"Have a good day," paalam dito saka isasara na ang pintuhan nang muling humirit ng lalaking nasa labas.
"Five times your salary, now!" anito sa kaniya. Napakunot siya ng noo at masyadong tempting ang offer nito pero kagaya kanina ay natatakot siyang makasama o makatrabaho ito.
Nakapagdududa ang offer ng lalaki sa kaniya. Bakit ganoon na lamang ito kapursigidong offer-an siya ng trabaho.
Napansin ni Frank na mas lalong nagduda sa kaniya ang babae. Napapamura siya sa isipan dahil tila napasama pa ang pagpupursige niyang mapalapit dito.
"No, thank you!" tahasang tanggi ni Valerie sa lalaki dahil iniisip niyang nag-apply na rin naman siya sa isang malaking kompaniya at kumpiyansa siya sa kaniyang kredibilidad ay makukuha ang nais na posisyon.
Mabilis na sinara ang pintuhan, ayaw man niyang maging bastos sa lalaki pero kailangan niyang putulin ang usapan nila. Hindi alam ang motibo nito sa pagsunod sa kaniya kaya may tumubong kaba sa dibdib. 'Mukhang hindi naman gagawa ng masama,' ang depensa ng isipan sa lalaki bagay na pinagtataka niya kung bakit pa binibigyang katwiran ang lalaki.
Napailing na lamang si Frank nang pagsarhan siya ng pintuhan ng babae. Mukhang natakot ito sa biglaan niyang pagsulpot. "Alam kong bibigay ka rin," kumpiyansang turan sa sarili saka tumalikod at bumalik sa sasakyan nito.
Mabilis na napasilip sa bintana si Valerie at nakitang sumakay ang lalaki sa isang magarang sasakyan. Batid niyang hindi lang ito ordinaryong tao dahil iilan lang nakaka-afford na magkaroon ng ganoong ka-luxurious na uri ng sasakyan.