Chapter 3:

1134 Words
Pagbalik ni Frank sa kaniyang opisina ay hindi mapigilang isipin ang babae kanina. Pilit pang inalala sa isipan ang binanggit na pangalan ng mga kaibigan. "Valerie Villareal," usal niya sa kawalan. "Valerie Villareal," muling ulit. "At sino na naman ang babaeng naglalaro sa malikot kong kapatid?" tinig buhat sa kaniyang harapan. "Ate?!" gulat na wika niya nang makitang nakatayo na pala ito sa kaniyang harapan. "Tell me, sino si Valerie Villareal?" usisa pa nito saka umupo sa harap ng kaniyang desk. "Anong ginagawa mo rito, Ate?" tanong dito imbes na sagutin ang tanong nito. "Sagutin mo muna ang tanong ko bago kita sagutin? Sino ang babaeng naglalaro sa isip mo?" anito. "Ate, hindi ko siya babae," anita rito nang bigla itong humagalpak. "May sinabi ba akong babae mo?" bara nito na kinatigil niya. "So, anong ginagawa mo rito?" balik naman niya rito. "You hasn't answer me yet. Who is Miss VV, ha? Mr. FF?" anito saka humalakhak. Napapailing siya. Doon niya rin napagtantong pareho pala sila ng initials. "I knew that smile," gagad pa ng kapatid na nagpapalis sa ngiti sa labi. "Ano nga kasing ginagawa mo rito, Ate?" muling tanong rito. Doon ay ngumiti na ang kapatid. "Sa condo mo ako titira," anito. "What?!" gilalas sa narinig buhat dito. "Why?" maang pa. "Nag-away na naman kami ni Daddy," anito. "So? May bago pa ba doon? My God, Ate! Kailan mo ba kasi kakalasan ang boyfriend mong walang kuwenta," gilalas dito. "Hey, watch your mouth. Wala lang siyang work pero may kuwenta siya. Ikaw nga babaero ka!" saad pa sa kaniya. "Wow! Thank you, ha," sarkastikong sagot rito. "Please, sa condo mo na ako pa samantalang titira. Promise kapag may work ako ay lilipat agad ako ng ibang place," anito na kinatirik ng mata niya. Pinutol kasi ng Daddy nila lahat ng ATM at credit cards ng kapatid mula nang malamang sinusustentuhan nito ang batugang boyfriend. "Sige na, wala akong mapuntahan eh," anito. "Eh, 'di pumunta ka sa batugan mong boyfriend. Baka naman sa pagkakataong ito ay matulungan ka naman," parinig dito. "Oh, no. Ayaw ko sa kanila. Sa tingin mo magtatagal ako sa ganoong lugar? No way?" gilalas nito. "Exactly! So, bakit mo gugustuhin ang ganoong pamumuhay 'di ba? Hindi mo ba nakikitang hindi kayo bagay ng Hudas na iyon!" giit sa kapatid. Kung gaano siya kaloko sa babae ay ganoon naman ka-stick ang kapatid sa boyfriend nitong batugan na huthutiro pa. "Jude, hindi Hudas?" pagtatama pa ng kapatid. "Anong hindi bagay? Dahil ba mahirap siya, ganoon?" "Alam mong hindi tayo pinalaki ng mga magulang nating mapangmata, Ate. Hindi minamata ni Daddy ang boyfriend mo. He just don't like you to be used by someone else. Ate, hindi kayo bagay ng lalaking iyon dahil hindi mo deserve ang isang lalaking walang ginawa kundi ang humingi ng pera sa'yo!" madiing wika rito. Tumayo ang kapatid sa sinabi. "Kung hindi mo ako matutulungan ay kay Kath na lang ako pupunta," anito. Marahil ayaw nitong marinig ang mga sasabihin pa niya. "We have the same perspective. Tiyak, gaya rin ng advice ko sa'yo ang sasabihin ni Ate Kath," hirit pa sa kapatid. "Hindi ba't nakakahiya sa asawa niya na doon ka pa pipisan?" hirit pa. Nakitang natigilan ang kapatid sa sinabi niya. Muling bumalik sa pagkakaupo nito. Bumuntong-hininga siya sabay tingin dito. "Okay, sige na. Pwede ka na sa condo ko," aniya rito. Doon ay nakitang nagliwanag ang mukha nito. "Hep! Two rules. Una, wala kang pakialam kahit sinong babae ang dalhin ko sa kuwarto ko-" "Cool," agad na sabad nito kahit hindi pa natatapos ang sasabihin niya. "Pangalawa, ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha ng Hudas na iyon sa condo ko," anang pa niya. Sa pangalawang kondisyunes at tila aangal pa ang kapatid. "Take it or leave it!" "Okay, fine!" anito na tila napipilitan lamang. Agad na nilabas ang isang spare key ng condo niya at inabot iyon dito. Naiiling pa nabg makita ang may kalakihan nitong maleta. Kararating lang ni Val sa maliit niyang apartment. Kaya naman niyang umupa ng mas malaking bahay pero naisip na lagi rin siyang wala ay mas mainam na iyon para makakatipid siya. Lalo pa at parehong nasa kolehiyo ang dalawang nakababatang kapatid habang ang bunso ay nasa sekondarya. Magbibihis pa lamang siya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napangiti nang makitang ang ina ang natawag. "Hello, Inay? Musta na po kayo diyan?" masiglang bati rito. "Maayos naman kami anak. Tumawag ako upang ipaalam na natanggap na namin ang pinadala mo. Buti at nakakuha si Valeen ng scholarship sa municipyo kaya kahit papaano ay nakakatipid tayo. Oo nga pala. Inayos na ng Papa mo ang bubong ng kusina. Pauunti-unti at mabubuo na rin natin ang bahay," imporma ng kaniyang ina. Masaya siya dahil nakikita ang pinaghihirapan niya. "Bakit po kasi ayaw ni Itay na kumuha ng makakasama," saad sa ina. "Sus! Itong Itay mo walang ibang sinabi kundi sayang ang pang-upa sa tao. Meron naman daw sila Vincent at Victor na aalalay sa kaniya," ani ng ina. Tiyak na walang tatalo sa katigasan ng ulo ng ama. "Kilala mo na ang Itay mo," dagdag pa ng ina. "Okay po, Inay. Basta po mag-iingat kayo lagi diyan," aniya. "Ikaw ang mag-ingat diyan anak dahil mag-isa ka lamang diyan. Wala ka pa bang balak umuwi? Nami-miss ka na namin," ani ng ina na ramdam ang pangungulila sa tinig nito. Sa bagay, halos dalawang taon na rin kasi mula nang huli siyang umuwi. Bigla tuloy niyang na-miss ang kaniyang pamilya ngunit kailangan niyang magtiis dahil naroroon ang kaniyang trabaho niya. Matapos kausapin ang ina ay nagpaalam na siya. Papasok na sana siya sa banyo upang makaligo na nang may kumatok sa kaniyang pintuhan. Tinatamad na tinungo iyon upang pagbuksan ang kumakatok nang makita kung sino ay gusto niyang magsisi. Isasara sana iyon nang biglang iharang ng lalaki ang kamay nito sa kaniyang pintuhan. "Ano ba Henry? Ilang beses ko bang sabihin sa'yong hindi ko gusto ang mayabang at aroganteng lalaking katulad mo!" buwisit na wika sa lalaki. Halatang kagagaling pa ito sa trabaho dahil suot pa nito ang tie nito. Sa 'di kalayuan ay kita ni Frank ang pagparada ng isang magarang sasakyan sa harap ng maliit na apartment ng babaeng sinundan. At mas lalong nagilalas ng mapagsino ang lalaking lumabas doon at may dala pang bulaklak. Walang iba kundi ang mahigpit niyang karibal sa grades man o sa babae mula high school hanggang kolehiyo na si Henry Henarez. "Tignan ko nga naman," hindi mapigilang turan sa kawalan. Hanggang sa nakitang bumukas ang pintuhan at niluwa noon si Valerie. Hindi nga niya alam kung ano ang ginagawa doon. Namalayan na lamang ang sariling pinuntahan ito sa fast food chain na pinagtatrabahuan nito at sinundan pa hanggang sa pag-uwi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD