When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“Ang bilis talaga ni Kuya Baron. Hindi ako nito basta-basta papupuntusin,” wika ni Ricky sa sarili at sa paglapag nila sa sahig ay mabilis nilang nilingon ang bola. Dito ay nagbungguan ang kanilang mga katawan at nagpaunahan sila sa pagkuha sa bilog na bagay na iyon. “Akin ang bola!” bulalas ni Baron at napangiwi si Ricky nang mawalan ito ng balanse dahil sa lakas niya. Pagkakuha ni Baron sa bola ay napatingin siya kay Ricky na kasalukuyang nakaupo sa gilid niya. Nginisian niya ito at mabilis na pinatalbog ang bola. “Mahina talaga.” Si Ricky ay mabilis na bumangon upang habulin si Baron, ngunit huli na siya. Bumitaw ng isang malayong jumper ang kanyang kuya at sinulyapan pa siya nito bago tuluyang pumasok sa basket ang bola. “Ano? Kaya mo pa Mendez?” tanong ni Baron na ikin