bc

KINBEN II

book_age16+
3.1K
FOLLOW
35.3K
READ
adventure
drama
bxg
male lead
city
small town
basketball
friendship
slice of life
discipline
like
intro-logo
Blurb

(COMPLETED)

GENRE: Sports Fiction/Action/Romance

After Ricky's success in entering his school varsity team, on his vacation, he will be called for his barangay's basketball team. He will be picked to play for the Inter-Barangay League wherein their village was one of the 16 teams participants.

A new challenge for him will be written in this story because his oppponents and teamates will be the aged and matured guy. They were really strong and superior in terms of strength in the game. However, Ricky's willingness in improving his playing style will be a factor that will help him to reached success.

chap-preview
Free preview
Bola 1
"Basahin muna ang Book 1! Mas mabuting mabasa muna ninyo iyon, salamat!" ***** TUMILAOK na ang tandang na nakahapon sa bubong ng bahay ni Ricky, at kasabay noon ay ang mabilis na pagmulat ng kanyang mata. Humikab din siya at ipinikit-pikit ang mga mata. Sandali rin muna niyang iniunat ang kanyang mga braso sa hangin bago pa siya tuluyang tumayo.   Tumayo na siya at binuksan ang ilaw mula sa kanyang silid. Sinulyapan niya ang kalendaryo pagkatapos noon.   "Bakasyon na," wika ni Ricky sa sarili. Natapos na rin niya ang pagpapapirma ng clearance kahapon sa CISA at hihintayin na lang niya ang anunsyo na pwede na niyang kuhanin ang kanyang grades para mag-enroll uli.   "Third year na ako sa sunod," wika naman niya sa sarili matapos siyang maghilamos sa loob ng CR na nasa labas lang ng kanyang kwarto.   Siya pa lamang ang gising nang mga oras na iyon sa kanilang bahay. Kahit nga wala na siyang pasok ay nakasanayan na niya ang magising nang maaga.   Bumalik muli siya sa loob ng kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Sinuot niya ang isang jersey at isang pulang shorts. Pagkatapos nito ay kinuha naman niya ang kanyang sapatos.   Sandali pa nga siyang napasulyap sa itim na sapatos sa gilid ng kanyang lalagyanan. Napangiti na lang siya at kinuha nga niya iyon. Pinagpagan niya iyon gamit ang kanyang kamay dahil medyo may gabok na ito.   Matagal na rin nang huli niyang suotin ito. Ang sapatos na binili niya noon kasama ang isang kakilala.   Ibinalik niya muli iyon sa lalagyan at kinuha na ang pulang sapatos na binili niya sa ukayan noong isang linggo. Pagkasuot niya noon ay kinuha niya kaagad ang kanyang bolang nakalagay sa may gilid ng kanyang pinto.   Lumabas ng bahay si Ricky at pagtapak niya sa kalsada ay pinatalbog na niya ang bola habang tumatakbo.   Madalas na niya itong ginagawa magmula nang matapos ang CBL, noong matatapos na ang unang semestre. Kapag walang pasok ay inaabot pa nga siya hanggang sa kabilang barangay. Pagkatapos nito ay babalik siya sa court na malapit sa kanilang bahay upang ang shooting naman ang i-practice.   Hindi nga makakalimutan ni Ricky ang ilang beses na sinapit niya sa ginagawa niyang exercise na ito. May pagkakataon kasi na hinahabol siya ng aso at dahil doon, wala siyang choice kundi ang takbuhan iyon.   Alam naman ni Ricky na delikado, ngunit sa bawat oras na hahabulin siya ng aso ay naiisip niyang isa rin itong training. Makakatulong ito sa kanya para bumilis habang pinapatalbog ang bola. Pero ang mas madalas ay itinatakbo na nga niya ito para lang huwag siyang maabutan, at kagatin kung sakaling balak siyang kagatin nito.   Noong nga una ay napaakyat na lang siya sa isang puno habang ang bola ay iniwanan niya sa ibaba nito. Nang sumunod naman ay ganoon pa rin at nang may mga sandaling nararanasan niya madalas ito, doon na niya sinubukang takbuhan nang mabilis ang munting aso na humahabol sa kanya.   Hindi naman kalakihan ang asong iyon ngunit tila ba paborito siyang abangan nito sa umaga at habulin. Kahit na alam niyang posible siyang makagat noon, naging matigas pa rin ang kanyang ulo at paulit-ulit siyang nagpapahabol doon tuwing mae-encounter niya ito.   Habang si Ricky ay tumatakbo at nagdi-dribble ng bola ay natanaw na niya ang hindi kalakihan ngunit may kagandahang bahay na tinatambayan ng aso na madalas na humahabol sa kanya. Pabalik na siya sa court na malapit sa bahay nila. Narating na rin niya ang kabilang barangay at sa kabila namang kalsada siya tumakbo, kahilera ng bahay na madalas niyang pinaghahandaan dahil delikado.   Napansin nga niyang bukas ang maliit na gate noon. Dahil doon ay inihanda na kaagad niya ang kanyang sarili sa posibilidad na habulin siya ng aso roon.   Sa pagkakaalam nga niya ay bawal ang nakaalpas na aso, ngunit tila pabaya ang may-ari noon. Noong una ay parang gusto niyang sabihin iyon sa may-ari ng bahay ngunit sa huli, umiral pa rin ang kagustuhan niyang bumilis sa pagtakbo, at gumaling sa dribbling... hanggang siya na mismo ang nakinabang sa pagkakataong iyon.   Isang bagay na tila hindi gagawin ng mga normal na basketball player dahil... Sino ba namang manlalaro ang magpapahabol sa aso upang bumilis?   Paglampas ni Ricky sa harapan ng gate ay narinig niya ang pagtahol ng isang aso. Kulay puti at mabalahibo iyon. Hindi iyon isang askal at alam niyang may lahi ito.   Kumaripas si Ricky ng takbo habang pinatatalbog ang bola. Naririnig niya ang pagtahol ng asong humahabol sa kanya. Wala nga siyang pagkakataon na lingunin pa ito dahil baka bumagal siya.   Isang paraan na tanging baliw lang ang gagawa. Ito ang isang training na ginagawa ni Ricky Mendez at isang bagay na sinisekreto niya dahil alam niyang tatawanan siya ng mga makakaalam nito.   Pero wala namang pakialam si Ricky sapagkat, dahil sa ginawa niyang ito ay mas bumilis siya kasama na rin ang bilis niya sa pag-dribble. Ibig-sabihin, nagbunga ang kabaliwang ginawa niya.   Isa pa, noong una lang niya nararamdaman na kakagatin siya ng asong humahabol sa kanya. Nang tumagal nga ay naramdaman na lang niya na tila nakikipaglaro na lang ito sa kanya.   Hinihingal si Ricky nang makarating sa court. Medyo maliwanag na rin ang paligid dahil sumisikat na ang araw.   Pumunta nga kaagad si Ricky sa gripong malapit sa basketbolan at uminom siya ng tubig. Ramdam niya ang pagod na kinasanayan na ng kanyang katawan tuwing umaga. Medyo matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapaglaro dahil naging busy sila sa Finals Examination at sa Clearances. Bale, isang buwan na siyang hindi nakakapaglaro ng tunay na basketball sapagkat puro practice at exercise na lamang ang ginagawa niya.   Nang mawala nang bahagya ang kanyang pagod ay pumunta na kaagad siya sa court at nakita niya na may ilan na ang naglalaro rito.   Halos lahat ay naka-hubad ang mga ito at lahat ay mas matanda sa kanya. Naroon si Manong Eddie (6'3), ang pinakamatanda sa edad na kuwarenta. Kapit-bahay niya ito.   Naroon din ang magta-tricycle na si Kuya Kaloy (6'2) ni Ricky at madalas ay dito siya sumasakay kapag pauwi at papunta ng bayan.   Naroon din si Kuya Tristan (6'1), isang empleyado sa City Hall at mahilig maglaro ng basketball. Kasama rin nila si Kuya Alfredo (5'9) na isang construction worker, ang pinakamaitim at may malaking pangangatawan sa magkakalaro.   Kasama rin nga ng mga ito ang sa tingin ni Ricky ay ang pinakamagaling sa lima, si Kuya Martin (5'7), wala itong trabaho at palaging nasa court lamang para maglaro at makipagpustahan.   Kilala na ng mga ito si Ricky at ganoon din ang binata. Isa pa, nalaman nilang lahat na ang kapitbahay nilang si Mendez ay ang napanood nila sa TV na player ng CISA at magmula noon ay isinasali na nila ito sa mga paunti-unting laro-laro nila sa basketbolang ito.   "Ricky Boy! Tamang-tama! 3v3 tayo," ani Manong Eddie at napangiti si Ricky na pumasok sa loob ng court matapos ilapag sa gilid ang hawak niyang bola.   "Sige po!" mabilis namang sagot ni Ricky rito at seryoso naman siyang tiningnan ni Martin.   "O Tristan, akin si Ricky at Kaloy," ani Manong Eddie habang nakangisi sa kausap.   Kagaya ng palaging kakampi ni Ricky kapag naglalaro sila, kakampi niya ang dalawang pinaka-may-edad.   "Sige Manong," sagot naman ni Tristan na pumunta sa free-throw line. Dito ay itinira niya ang bola at pumasok iyon.   "Manong amin ang bola," sabi nito at kinuha nga ni Kaloy ang bola at ipinasa rito.   Half-court lang ang gagamitin nila. Si Martin, tinauhan agad si Ricky. Habang si Tristan ang kay Manong Eddie at si Alfredo naman ang kay Kaloy.   Ipinasa ni Tristan ang bola kay Martin.   Si Ricky, seryosong pinagmasdan si Martin at ang bola. Alam ng binata ang laro at galawan ng kaharap niya. Hindi siya pwedeng basta umasa sa depensang natutunan niya sa college basketball. Walang referee rito at posible siyang masaktan sa gagawin nito.   Laro-laro lang ito, pero para kay Ricky... Seryoso ito at pag-eensayo ito.   Pinatalbog ni Martin ang bola. Napasabay nga si Ricky rito. Tila malawak nga ang espasyo kapag tatlo laban sa tatlo ang laro. Napansin niyang lumayo ang mga kakampi ng kanyang binabantayan.   Ito ang palagi nilang play, ang isolation kay Martin.   Disadvantage ito para kay Ricky sapagkat hindi pa niya magawang mapigilan si Martin magmula nang makalaban niya ito.   Umatake si Martin sa basket at si Ricky ay halos mapatalsik sa lakas ng drive nito na may kasama pang simpleng hawi gamit ang braso.   Paglapit nga ni Martin sa basket ay tumalon ito na may kasamang lakas. Sinubukan itong sabayan ni Ricky, ngunit wala siyang nagawa nang bumangga siya rito.   Napaupo sa court si Ricky at nagawa ni Martin ang lay-up.   "2-0 na Manong," sambit naman ni Tristan kay Manong Eddie. Isa itong race to 21 na laro.   Pinagmasdan pa ni Martin si Ricky habang nakaupo sa sahig.   Napangisi naman si Ricky sapagkat sanay na siya rito. Hindi niya alam kung galit ba sa kanya si Martin o hindi, pero ni minsan ay hindi siya nito kinausap at madalas ay parang ayaw nito sa kanya.   "Ano Ricky Boy? Kaya pa?" tanong ni Manong Eddie sa kanya matapos makatayo.   "Kaya pa Manong," wika naman ni Ricky na pumwesto na sa malayo. Ipinasa nga rito ni Manong ang bola at pagkasambot pa lang niya roon ay mabilis na siyang binantayan ni Martin.   Napaatras si Ricky at umabante naman si Martin. Kahit alam ng binata na magaling ang bumabantay sa kanya, ay nanatili pa rin siyang kalmado.   Humakbang siya patungo sa kaliwa ni Martin at mabilis na nilampasan ito.   Ginamit ni Ricky ang kanyang bilis at binabaan niya ang dribbling gamit ang isang kamay. Dito nga ay napansin niyang babantayan siya ni Tristan sapagkat naiwanan niya ang kanyang bantay.   Napangisi si Ricky at doon ay pinagmasdan niya si Manong Eddie na kasalukuyang lumalayo mula kay Tristan na haharangan naman siya.   Nang malapit na si Ricky ay marahan nitong iginalaw ang kanyang mga kamay sa direksyon ni Manong.   Isang pasa papunta sa kaliwa niya. Si Tristan naman ay mabilis na humakbang para harangan iyon subalit ang bola ay nanatili pa rin sa mga kamay ni Mendez.   Walang kahirap-hirap niyang nilampasan si Tristan gamit ang fake pass na iyon.   Isang libreng lay-up din ang ginawa ni Ricky, dahilan para tumabla na ang score.   Napangisi na lang si Martin na nasa likuran nito matapos iyon. Si Tristan ay ganoon din, dahil hindi niya maiwasang humanga sa lalaking pinakamaliit sa loob ng court na ito.   Dati-rati'y wala itong magawa sa kanila pero nang mga oras na iyon ay hindi na. Dahil sa pagtuturo ni Romero kay Mendez ay nagkaroon ito ng galawan.   Hindi lang basta depensa ang kayang gawin ng Ricky Mendez na ito. Hindi lang din basta three-points shot o free-throw ang pwedeng ipuntos nito... Sapagkat bago matapos ang school year, itinuro lahat ni Romero ang mga galaw na alam niya sa binatang si Mendez.   Tinuruan niya si Ricky kung paano maging isang malakas na player. Ipinasa niya rito ang nalalaman niya para sa oras na maglaro muli ito sa CBL... Isang superstar na Ricky Mendez na ang masasaksihan ng marami.   *****   KINABUKASAN, madilim pa ang umagang iyon, bumangon na kaagad ito para puntahan ang alaga niyang aso. Pinalabas niya ito mula sa kulungan at hinaplos-haplos ang balahibo nito habang dinidilaan ang kanyang malambot na kamay.   Maya-maya pa'y narinig niya ang tunog ng tumatalbog na bola mula sa labas. Alam niyang paparating na ang binatang madalas na dumaraan sa tapat nila. Ang basketball player ng CISA na si Ricky Mendez.   Binuksan na niya ang gate ng bahay at pagkatapos ay pasimpleng hinipo-hipo ang ulo ng asong alaga nito. Tila may itinuro siya rito at kampante ang dalagang ito na hindi nito kakagatin si Mendez.   Sa paglampas ni Ricky Mendez sa harapan ng gate ay siya namang pagbitaw niya sa kanyang aso. Pinatakbo niya ito para kunwari ay habulin ang binata.   Nang makalayo na nga ang binata ay mabilis siyang lumabas ng gate at tinanaw ito. Isang simpleng ngiti ang sumilay sa labi niya habang tinatanaw ito at ang kanyang aso.   Nakilala niya si Ricky dahil sa CBL at hinangaan niya ang paglalaro nito kahit na hindi ang mga ito ang nag-kampeon noong nakaraan. Napapanood at nakikita lang niya ito dati, hanggang isang umaga, biglang nakawala ang kanyang aso nang inaayos niya ang tali nito. Naiwanan din niyang bukas ang gate noon.   Kabadong-kabado siya dahil baka makadisgrasya ang kanyang aso kaya hinabol niya ito palabas. Pagdating niya sa labas, nakita niyang tumatahol sa tapat ng isang puno ang kanyang alaga. Nang makita nga niya kung nasaan ang tinatahulan nito ay nagulat siya.   "Ri-ricky Mendez..." sambit niya habang pinagmamasdan ang lalaking hinangaan niya dahil sa basketball. Nakita niya ang natatakot na ekspresyon ng binata habang nakayakap sa puno at hindi na nga niya napigilan ang kanyang sarili nang mga oras na iyon.   Napatawa siya dahilan upang mapatingin sa kanya si Ricky.   "M-miss? Sa iyo ba itong aso na ito? P-pwede mo bang paamuin?" natatawa na may kasamang kaba na winika ni Ricky. Parang nahiya pa siya sa dalaga sapagkat pakiramdam niya ay tinatawanan siya nito.   Kinuha ng dalaga ang kanyang aso at binuhat iyon habang hinahalikan. Kakawag-kawag nga ang buntot noon habang nasa bisig ng amo nito.   "Salamat Miss," sabi ni Ricky at pagkatapos ay umalis na siya.   Napangiti naman ang dalaga matapos iyon.   "Magkalapit nga pala ang ating bahay. Sa kabilang barangay ka lang," natutuwang winika ng dalaga habang pinagmamasdan ang binata na habang tumatakbo palayo.   Magmula noon ay madalas na niyang inaabangan ang pagdaan ni Mendez sa tapat ng kanilang gate. Hanggang sa naisipan nga niyang muling pakawalan ang kanyang aso para makisabay rito at hindi upang kagatin.   Nahihiya siyang makipagkilala sa binata kaya iyon ang naisip niyang paraan upang magbaka-sakali. Kaso... Hindi nga niya naiwasang matawa dahil ang nangyari, parang ginawa na ng binata na training ang paghabol dito ng kanyang aso.   "Desidido na ako... Kailangang makilala mo ako Ricky Mendez," wika sa sarili ng dalagang nakasuot pa ng pantulog. Bumalik na rin kanya ang kanyang aso na kumakawag ang buntot.   Nakangiti nga niya itong binuhat at hinalik-halikan.   "Tama na ang paghabol sa kanya Witty... It's time na ang cute mong owner ang humabol sa kanya!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
177.0K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
53.5K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.0K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

A Trillionaire in Disguise

read
12.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook