PABAGSAK na naupo sa sofa si Bernice nang makapasok siya sa bahay niya. Sa sahig na lang niya basta binaba ang dala niyang bag dahil sobrang antok at pagod na nararamdaman. Ngayon lang siya umuwi matapos ng tatlong linggo niyang pag-iwas kay Macoy. Sa isang dorm house malapit sa school siya pansamantalang nanirahan kasama ang ilan niyang kaklase. Iyong matandang katiwala nila sa bahay ang nagbabalita sa kanya tungkol sa mga ginagawa ni Macoy doon. Dito din niya nalaman na may babaeng pauli uli na dumadalaw sa asawa niya ngunit hindi kailanman hinarap ni Macoy.
Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siyang naramdaman na aura ni Macoy sa paligid. Naisip niya na baka sa wakas ay sumuko na ‘to at tuluyan na umuwi sa Pilipinas. Matapos nang sagutan nila, hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Hindi din mawaglit sa isipan niya ang mga nabasa niya sa message thread nito at ni Coleen.
Her asshole husband is going to be a father to Coleen’s baby. Paano nito nagawang sabihin sa kanya na nais nito na mag-simula sila ulit gayong may magiging anak na pala ito sa iba. Patuloy niya itong iniiwasan kahit pa panay ang punta nito sa school niya. Madami na nga nagtatanong kung sino ito sa buhay niya ngunit ni-isa ay wala siya sinagot. The world doesn’t need to know what they actually are and the relationship they had… past tense.
Inalis niya ang suot niyang coat saka na-higa sa sofa. Hindi na niya kaya pa umakyat sa kwarto niya. Pasado alas kwatro pa lang ng hapon pero sobra na ang antok niya. Hindi niya ma-sisi ang sarili dahil hindi naman niya nagawang makatulog ng maayos sa dorm na tinuluyan niya. Ipipikit na dapat niya ang mga mata niya nang may maamoy siyang hindi kaaya aya sa pang-amoy niya. Agad siya bumangon saka tumayo at tinungo ang pinanggalingan ng amoy.
Sa kusina siya dinala nang paghahanap niya. Doon nakita niya si Macoy na abalang nagluluto habang naka-earphone. Kaya siguro hindi nito napansin ang pagdating niya. Hindi niya sukat akalain na naroon pala ito ngayon. Marahas siya napabuntong hininga. Masyado siyang pagod para makipag-iwasan dito ngayon. Bahagya siya lumapit para masilip ang niluluto nito. Naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura niya nang lalong maamoy ito. Dali dali siyang magtungo sa lababo at doon sumuka ng sumuka.
“Cali, I’ll call you later.” Narinig niyang sabi ni Macoy. Naramdaman niya ang marahan na paghagod nito sa likuran niya. “Okay ka lang? What did you eat a while ago?” Napatingin siya dito. Wala naman siyang kinain mula pa kanina. Panay yogurt drink lang nalaman niya sa tiyan dahil iyon lang ang kaya niya i-take. Binuksan niya ang faucet saka hinugasan ang bibig niya.
“I didn’t eat any since morning,” pag-amin niya dito.
She heard Macoy tsked. “Ang lakas pa ng loob na di umuwi dito ng tatlong linggo eh ginugutom mo naman pala sarili mo,”
“I’m busy studying, mister. Saka wala din ako gana.” Depensa niya sa sarili niya. Hindi siya makatingin diretso sa mga mata nito. Ayaw niya dahil natatakot siyang bumigay ulit. “M-magpapahinga muna ako. And can you stop cooking that?”
“Bakit? It's your favorite,” anito sa kanya.
“Ayoko ng amoy.” Tinalikuran niya ito saka tumungo pabalik sa living room para kuhain ang mga gamit niya. Sa kwarto na lang siya magpapahinga para hindi na maamoy pa ang niluluto nito. Kahit siya na-we-weirdo-han sa sarili niya. She’s been sensitive the past few days. Naiirita siya sa kapag nakaka-amoy na hindi kaaya aya sa ilong niya.
“May iba ka ba’ng gusto kainin? Tell me, so I can buy it outside,” tanong sa kanya ni Macoy na nagpatigil sa kanya sa pag-akyat.
Pumihit siya dito paharap. “Wala. I want to sleep,” aniya dito.
“Fine. Sleepwell, wife. I’ll wake you up later.” Muli niya itong tinalikuran saka nagpatuloy na sa paglalakad papuntang kwarto niya.
HINDI maiwasang magtaka ni Macoy nang maabutan niya sa kusina si Bernice nang makabalik siya galing sa sauna. Nagbabalat ito ng mangga na hilaw at nakita niyang nakahanda na ang bagoong na nakalagay sa maliit na bowl. Napatingin siya sa orasan at nakita niyang pasado alas otso na ng gabi. Wala pa itong kain na matino mula nang umuwi ito ng alas kwatro ng hapon. Hindi niya ito ginising dahil halata sa itsura nito ang pagod at antok nang makita niya ito.
“Wala ka pa kinakain na kahit ano mula kanina. Sasakit lang tiyan mo pag iyan ang una mong kinain,” sita niya dito.
“Ayoko nung niluto mo kanina,” anito sa kanya. Umupo na ito at akmang kakain na nang makita niyang napansin nito ang dala niya. “Sweet potato ba ‘yan?” Tumango lang siya dito saka inabot iyon sa asawa. Inokupa niya ang bakanteng upuan sa tabi nito saka matamang pinagmasdan ito kumain. “Stop staring,” angil nito sa kanya.
“Can we talk about us?” tanong niya dito. Hindi siya nito tiningnan dahil abala ito paglalagay ng bagoong sa hawak nitong sweet potato. Weird, sa isip isip niya. “Now is the best time to talk. Pareho tayo nandito sa bahay, Bernice,”
Patuloy lang ito kumain saka tumingin sa kanya. “Then, talk,” anito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagka-satisfy sa kinakain. Naiiling siyang napayuko. Sobrang dami talaga ng karakter ng asawa niya. “You know what, okay lang sa akin kung siya piliin mo. They need you there saka annulment ang hinihingi ko sa ‘yo noon pa. Baka pwede mo na ibigay since magkakaanak ka na sa ex mo,”
“What?” Gulat niyang bulalas dito.
“Don’t pull that kind of reaction, Mr. Dominguez. Hindi na ‘yan uubra sa akin,” giit nito sa kanya saka nagpatuloy sa pagkain. He brought ten pieces of sweet potato and Bernice already ate half of it. Dagdag pa na nangangalahati na nga ito sa bowl ng manggang hilaw na nilalantakan din nito. “Coleen is pregnant that’s why she keep on coming here, right? Ikaw ang ama noon ‘di ba?”
“The hell! I’m not the father of her child. Colleagues ko ang ama ‘non,” sambit niya dito. Nabitin sa ere ang pagkain nito saka maang na tumingin sa kanya. “Sabi ko na nga ba iyon ang dahilan ng pagtatampo mo kuno sa akin,”
Nakita niyang binaba nito ang kinakain saka pumihit paharap sa kanya. “Hoy, for your information, hindi pekeng tampo ang naramdaman ko. It triggers my anxiety. Actually, your existence here triggers my anxiety. Hindi ko alam kung bakit ka pa nandito at pilit sinasalba ang relasyon na ‘to,”
“Kasi alam ko na may pag-asa pa. Gusto mo lang na suyuin kita kaya ka nagkaganyan. I felt that hope the night it happened to us again after two long years, Bernice. You love me and you still do.”
“Ha! Dream on, okay? Sa una pa lang, wala nang love sa sa relasyon na ‘to. This is just a f*****g marriage for convenience, Marco Jose.” Akma itong tatayo ngunit napigil niya. “Ano ba? Bitiwan mo nga ako,”
“Ayan ka na naman, magwo-walk out ka tapos hindi mo na naman ako papansinin. Believe me when I say that I want to fix our marriage. I want to build a family with you. I gave up my life in the Philippines just to be with you. I started to have a new life here because you want to stay here. If marrying you again is necessary, I’m willing to do it again kahit saang simbahan mo pa gusto,”
Napaupo ito ulit saka yumuko. Ginagap niya ang kamay nito saka dinala iyon sa dibdib niya. “Kung tatanungin mo kung kailan nagsimula itong urge na ibalik ka sa buhay ko, I will answer it the time when we both confirmed that you’re carrying my child. This urge grows when we lost our child. You’re just eager to get out of my life that’s why you keep on filling an annulment case,”
“But I asked you two years ago if you love me, Macoy. You didn’t answer.” Tears starts to fall down her cheeks. He reached for it and wiped it off. Hinawi nito ang kamay niya pero hindi siya nagpatinag. “Naawa ka lang sa akin at iba iyon sa pagmamahal,”
“Nagka-second thought lang ako noon, Bernice. Ngayon sigurado na ako na mahal kita at gusto ko na magsimula tayo ulit.”
“What if hindi mag-work out ulit? What if hindi na tayo magka-anak? What if –“ He cut her off.
“I understand those what if’s of yours, Bernice. We will make this work out. It doesn’t matter if God won’t give us a child. There are a lot of institutions here where we can adopt. Everyday there is one child waiting to be part of our family.” Hindi na ito nagsalita bagkus ay yumakap na lamang ito sa kanya nang mahigpit. Tinugon niya ang yakap nito saka kinantalan ng halik ang gilid ng ulo nito.