Chapter Five

1521 Words
MATAMANG nilalagay ni Bernice ang prutas na nabalatan niya sa isang bowl. Her husband’s parents love to eat fresh fruits after eating dinner. Buti na lang naka-pamili siya noong isang araw kaya nabawasan ang problema niya. Nagustuhan ng mga ito ang niluto niyang ulam nung dinner nila at katakot takot papuri ang natanggap niya. Sinabi pa ng mga ito na nag-improve siya mula nang manatili sa South Korea. Binalikan niya ang reaksyon ng mga ito nang halikan siya ng damuho niyang asawa sa harapan ng mga ito kanina. Hindi niya nagawang pumalag dahil ayaw na niya idamay pa ang mga ito sa problema nila. “So, you’re studying law here, hija?” tanong sa kanya ng mama ni Macoy pagkalapag niya ng prutas sa harap ng mga ito. Tumango siya bilang sagot saka inabutan ng maiinom ang papa ni Macoy. “Why don’t you continue studying in Philippines?” “She wants here and we decided to live here.” Si Macoy na ang sumagot para sa kanya. “What about the army? Don’t tell me you’ll resign?” Binalingan ito ng biyenan niyang babae. “I will. Reinstated naman na si Javi sa position niya. He can handle our team for sure,” tugon nito sa ina. “Hayaan na natin kung gusto nila dito tumira. Baka dito magawa nila tayong bigyan ng apo dahil malayo sa stress si Bernice,” sabi naman ng biyenan niyang lalaki. Napayuko siya bigla. Ayaw niya talaga napag-usapan ang mga gano’n bagay. Ngunit ano ba magagawa niya? Wala naman siyang laban sa mga magulang nito kahit noon pa. “Mabuti nga at maayos sila ngayong dalawa. Nung huling dinner na kasama natin sila, nag-away silang dalawa,” Nakita naman niya ang pagtango tango ng biyenan niyang babae. Nauumid talaga ang dila niya kapag nasa paligid niya ang mga ito. Nanahimik lang naman siya doon pero dumating mga ito para guluhin ang mundo niya. Annulment lang naman ang gusto niya pero hindi iyon magawang ibigay sa kanya ni Macoy. Mas gusto pa nitong bumalik siya dito. Acting like a lovey dovey couple in front of his parents. “Well, Bernice doesn’t nag Macoy now.” Makahulugang sabi ng biyenan niyang babae. “Its natural. Matigas kasi ulo ng anak natin. Maigi na din mag-resign siya sa Army at dapat ganun din gawin ni Javi kung gusto ng Presidente na ipakasal ito kay Cali,” “You both fixed my sister to Javi? Why? Di ba sabi ko ako na yung huli?” Kitang kita niya kung paano bumakas sa mga mata nito ang galit. Ganun ito kapag si Cali ang napag-uusapan. Macoy piercing eyes went straight to his mom’s emotionless eyes. “Let Cali choose who will she love and marry.” “Then what? We will watch her ruined her life for a lowly guy she will choose,” asik ng biyenan niyang babae dito. “Weather she ruin her life or not, we don’t have the rights to fixed her to anyone in our circle. I already let you do that to me and I won’t let you do it again. Not to Cali.” Tumayo ang asawa niya saka iniwan silang lahat doon. Nakita niyang diretso itong tumungo sa taas at pumasok sa kwarto nito. Hindi naman niya alam kung susundan ba niya si Macoy o mananatili doon. Kasasabi lang niya dito na huwag siya iiwan kasama ang mga magulang nito. Tumayo ang biyenan niyang babae saka lumakad palabas sa bahay nila. Sinundan naman ito ng biyenan niyang lalaki matapos magpaalam sa kanya. Binilin nito sa kanya si Macoy at kausapin niya daw ito. Tango lang nasagot niya dito. Paghatid niya sa mga biyenan, agad siya pumasok sa loob at nag-ligpit. Hahayaan niya munang magpalamig si Macoy. Ayaw niyang mapag-buntunan ng galit nito. She was busy cleaning the center table they use a while ago when she heard a continuous ringing. Hinanap niya iyon hanggang sa makita niya at nanggagaling iyon sa cellphone ni Macoy. Dinampot niya iyon saka matamang tiningnan kung sino ang natawag. Napaawang ang mga labi niya nang mabasa pangalan ng natawag. It was Coleen Miranda – her husband’s ex-girlfriend. Pinagmasdan lang niya iyon hanggang sa kusang huminto iyon at bumungad naman sa kanya ang chat thread ng mga ito. A message thread she shouldn’t have read…  GINALA ni Macoy ang tingin niya sa paligid ng bahay nila. Matama niyang hinanap si Bernice na hindi niya sinasadyang iwanan kasama ang mga magulang niya. Masyado siyang nadala nang galit niya tungkol sa nalaman niyang pagset up ng mga ito sa kasal nina Javi at Cali. Alam naman niyang gusto ni Cali si Javi gayunpaman, ayaw pa din niyang ma-tali ito sa sapilitang pagmamahalan kagaya nang sa kanila ni Bernice. Sinilip niya ito sa kusina ngunit wala ito doon. Muli siya umakyat at sinilip ito sa kwarto nito ngunit wala din ito doon. Nagmamadali siyang bumaba at lumabas sa bahay nila. Sa veranda niya ito nakita at kasalukuyang naninigarilyo. Mabilis niya itong nilapitan at inagaw dito ang hinihithit nitong sigarilyo. “Kailan ka pa natutong manigarilyo?” tanong niya dito. He knows that Bernice hates the smell of it. She even promised in the past that she won’t smoke so she can’t experience what his father in law experienced. Namatay ito dahil sa lung cancer. Resulta iyon ng paninigarilyo ng father in law niya. “I thought you won’t try smoking, Bernice?” “It calms me down. Ako naman yung magkakasakit hindi ikaw kaya hayaan mo na lang ako dito.” Malamig nitong sabi sa kanya. Dumagdag sa lamig ng temperatura sa kinaroroonan nila ang lamig sa tinig nito. Akma itong dudukot ulit ng sigarilyo ngunit mabilis niyang nakuha iyon sa asawa. “You know that your father died because of this s**t, right? This will harm you and our future child, Bernice,” “I’m not pregnant. Huwag ka mag-assume,” “But sooner or later you’ll be carrying my child. Our child, Bernice,” Pumihit ito paharap sa kanya saka seryoso siyang tiningnan sa mga mata. Nakita niyang dinukot nito sa bulsa nito ang cellphone niya at inabot iyon sa kanya. “Coleen has been calling you since your parents leave. Baka importante yung sasabihin niya sa ‘yo,” anito sa kanya. Coleen was his ex-girlfriend or should he say ex-fiance. Ito dapat ang asawa niya kung hindi siya na-kasal kay Bernice. But he won’t regret marrying Bernice ever. Kaya nga siya nasa Korea ngayon para bumalik dito. “Hindi ako mabubuntis dahil lang may nangyari sa atin kagabi.” “Paano mo nasisiguro ‘yan?” tanong niya dito. “I didn’t use any protection last night and it's okay for us since you’re still my wife,” “I have birth control implant, Macoy.” Tila may bombang sumabog sa isipan niya matapos madinig ang sinabing iyon ni Bernice sa kanya. “I have it since we lost our child. I can’t be pregnant and you know the reason why,” Nagmamadali itong umalis sa harap niya saka pumasok sa loob ng bahay nila. Naiwan siya doon na hindi makagalaw. That revelations hit him hard. Tila may kutsilyo tumarak sa puso niya nang marinig iyon kay Bernice. She doesn’t really have a plan to get back to him. It's clear that all she wants is annulment. Binato niya ang hawak na sigarilyo diretso sa basurahan saka mabilis ba pumasok sa loob ng bahay nila. Napahinto lang siya ng tumunog ang kanyang cellphone. It was a call again from Coleen. Agad niya sinagot iyon. “Hello.” Seryoso niyang bati sa kabilang linya. “Marco, can we talk?” tanong ni Coleen sa kanya. “I have problems, too, Coleen. Stop calling me now, please? Para lang alam mo, I’m in South Korea to fix my marriage.” Naiinis niyang sabi dito sa kabilang linya. “I’m pregnant, Marco.” Nadinig niyang pasigaw na sabi ni Coleen sa kanya. “Its not mine, Coleen. Kunsumihin mo yung nakabuntis talaga sa ‘yo. Again, its not mine at kung mayroon ‘man akong anak, hindi ikaw ang magiging ina kung ‘di ang asawa ko.” Iyon lang saka tinapos na ang pakikipag-usap dito. Malalim ang paghugot ng hininga matapos ang tawag na iyon. Simula pa nang itungtong niya ang paa niya sa South Korea ay kinukunsumi na siya ni Coleen. Pinipilit nitong sa kanya ang dinadala nito ngayon. Alam niyang malalagot ito sa mga magulang nito kapag nalamang buntis ito. Nothing happened to them and he’s hundred percent sure of that. He’s been celibate for two years now. Nagkita sila nito at sa pagkakaalam niya, wala pa nabubuntis sa tingin. He reserved himself for Bernice. Only to his wife. Walang iba at ito lang ang gusto niya maging ina ng magiging anak niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD