Chapter Seven

1530 Words
INIS na nilapag ni Bernice ang mga damit na kanina pa niya pinagpipilian. Hindi sa wala siyang magustuhan kung ‘di wala magkasya sa kanya sa pants. Tapos sa dress naman dahil mga fitted iyon, nahahalata ang bloated niyang tiyan. Marahan siyang umupo saka nahiga sa kama niya. She gave up. Hindi na lang siya aalis ngayon. Marahan siya tumayo saka isa isa niligpit ang mga damit na kinalat niya. Matama niyang sinipat ang sarili sa salamin. Nakapansin pansin ang laki ng pagbabago sa mukha niya at katawan. She had no idea what was happening to her body. Palagi pa din siya inaantok, sensitive pa din panlasa at pang-amoy niya. Hindi na din niya na-eenjoy ang mga pagkain dati naman paborito niya. Madalas na din ang pagkain niya ng manggang hilaw, bagoong at sweet potato. Dinampot niya ang kanyang phone saka binuksan ang app na ginagamit niya pang-monitor ng menstruation niya. Muntik na siyang napasigaw nang makitang three weeks na siyang delayed. Am I pregnant? Tanong niya sa isipan niya. “Hey, bakit hindi ka pa nagbibihis?” Nabaling ang tingin niya kay Macoy na kapapasok lang sa kwarto nila. “Bakit ang kalat dito? Can’t find clothes to wear?” Napalunok siya. Sasabihin ba niya na delayed siya? Hindi, Bernice, confirm it first before telling him. Pareho lang kayo masasaktan. Saka ang alam niya may birth control implant ka pa! Why do you have to lie about that naman kasi? Aniya sa isipan niya. “Uhmm, ikaw na lang magpunta. Tinatamad na ako umalis,” wika niya sa asawa. Two days ago when they decided to start again. Smooth naman ang lahat at kahit paiba iba ang mood niya, hindi ito nagagalit sa kanya. Right, she have a severe moods swings lately. Pati mga kaklase niya nasusungitan na sa kanya. Madalas na din siya lumiban sa klase dahil sa halos araw araw pagsama ng pakiramdam niya. Pinagtagpi tagpi niya iyon at lalong pinatindi noon ang hinala niyang buntis nga siya. Nilapitan siya ni Macoy bitbit ang itim na dress na naalala niyang binili niya last week lang. “Wear this. Hindi pwedeng ako lang pupunta doon. Lahat ng mga colleagues ko kasama asawa nila.” “Then, huwag ka na din mag-punta. Ayoko isuot ‘yan. Ang taba ko tingnan sa ganyang damit.” She heard him chuckled. “Anong nakakatawa?” “Ang sungit mo lately most especially sa akin. May dapat ba ako malaman?” Iniwas niya ang mata niya dito. “Time of the month. Kaya tamad na tamad ako kumilos at bloated din ako,” “Hindi naman halata dito. Saka sa mata ko naman ikaw ang pinaka-maganda at sexy sa lahat.” Hinampas niya ito. Nakuha pa siyang bolahin para lang mapa-payag siya. Bakit kinikilig siya kahit korni ang banat nito? Inabot na sa kanya nito ang black dress saka muli siyang pinilit na sumama dito sa reunion na dadaluhan nito. “I’ll be waiting downstairs. Don’t wear to much makeup. Ayokong pagtinginan ka ng ibang lalaki,” “Possessive,” aniya dito. “I love you.” Kinindatan siya nito saka lumabas na. Kahit tinatamad at panay ang pag-iisip ay nagbihis pa din siya saka inayos ang sarili. One of her duty as a wife is to be with her husband wherever he is. Matapos niya makapag-ayos, agad siyang bumaba at sinalubong naman siya ng asawa niya. “You look beautiful,” “Bolero. Tara na nga.” Kinabig siya nito saka hinalikan labi. Hindi ito huminto hanggang sa pigilin na niya ito. “Aalis pa ba tayo o ganito na lang tayo?” “Aalis but later you’ll be my late dinner,” anito sa kanya hinalikan siya ulit. KANINA pa panay ang pagsipat ni Bernice sa orasan niya. Tingin niya napapansin na din iyon ni Macoy kaya naman kinabig siya nito palapit. Abala pa din ito sa pakikipagkwentuhan sa mga kaklase nito. Kapag tinatanong siya, sumasagot din naman siya ngunit mas madalas lang na si Macoy ang kinakausap ng mga ito. She doesn’t feel like to bond with the wives of her husband’s friends Sa titig palang ng mga ‘to sa kanya pakiramdam niya sinusunog na ng mga ito ang kaloob-looban niya. “You want to go home na?” bulong sa kanya ni Macoy. “No. Sige lang, magbond muna kayo ng mga friends mo. Lalabas lang ako,” aniya sa asawa. She kissed him to his lips and cheek. Hindi na siya pinigilan pa nito. Paglabas niya sa kalapit na drug store siya tumungo. Kailangan niya bumili ng pregnancy test kit para makumpirma na niya ang hinala niya. She bought two kinds of pregnancy test kit. Gagamitin niya mamaya ang isa bukas yung isa para sigurado siya sa magiging resulta. Pagkabili ay agad siyang bumalik sa restaurant kung saan niya iniwan si Macoy. Isang hindi kaaya ayang eksena ang naabutan niya. There was Coleen seating on her seat beside Macoy. Para itong tuko na nakakapit sa asawa niya. Kung hindi lang buntis si Coleen baka kanina pa niya ito nahila palayo sa asawa niya. She wouldn’t stoop down to her level. She’s an attorney in the making, for Pete’s sake. “I believe that seat belongs to me and that arm also.” Sabay na lumingon sa kanya ang asawa niya at si Coleen. Everyone who’s currently seating at their front got shock. Akala siguro ng mga ito tahimik lang siya. Nakita niyang inalis ni Macoy ang kamay ni Coleen sa braso nito. “You two got back together?” Nagtataka na tanong ni Coleen sa kanila. “We never separated, right, wife?” tanong sa kanya ni Macoy. Nilapitan siya nito saka hinapit ang baywang. “We’ll go ahead guys. My wife doesn’t feel good.” Napatingin siya dito. Hinayaan na sila umalis ng mga kaibigan ng asawa niya. Sabay sila lumabas doon saka tumungo na sa sasakyan nila. “You can stay if you want. Ako na lang yung uuwi muna,” mahina niyang sabi. “Let’s go home. Namumutla ka na kaya kailangan mo na magpahinga,” anito sa kanya. “But we’ve just arrived thirty minutes ago. Matagal mo sila hindi nakita, Marco.” Hanggang sa mga araw na iyon ay hindi pa din siya sanay na concern ito sa kanya. Hindi pa din niya lubos maisip na totoo nga na nagsisimula na silang muli bilang mag-asawa. Natatakot kasi siya na baka kapag nasanay na siya, magbago ito bigla. Matama itong lumapit sa kanya saka kinabig siya payakap. “Mas importante ka kaysa sa kanila.” He cupped her face and caress it. Napangiti siya. The guy in front of her deserved all the love in this world. Bernice doesn’t think she could give that to Macoy. What if she wasn’t pregnant? Kahit na sinabi nitong ayos lang iyon at mag-aampon sila ay natatakot pa din siya dahil alam niya na may hangganan ang lahat. “Let’s go now,” “Bili muna tayo ng manggang hilaw, bagoong at sweet potato,” aniya dito. “That weird craving of yours gives me so many ideas.” “Ang assuming mo din talaga. Tara na nga,” aniya dito. Since they got back together, there is no cold nights for her. Lalo na kay Macoy sobra niya yatang na-deprived noon. Hindi pa din niya nasasabi na wala talaga siyang birth control implant dito. Na nagsinungaling lang siya noong magkasagutan sila. Kung sakaling makompirma nga niya, paano niya ngayon sasabihin kay Macoy na wala naman talaga siyang birth control implant. She just missed taking her pills and that she was actually fertile that fateful night when she gave herself again to him. Kahit nasa kotse na sila at nabili na ang mga pinaglilihian niyang pagkain ay iyon pa din nasa isipan niya. Nang makarating sila sa bahay, agad siyang umakyat sa kwarto nya at nagtest na siya agad. She waited a minute for the result. Namamawis na ang kamay at paa niya sa sobrang kaba habang panay panay ang pagsipat sa cellphone timer na na-set niya. Nang mag stop na iyon, agad niya dinampot ang pregnancy test kit at sinilip ang resulta. Her jaws almost dropped upon seeing the two clear red lines on the kit. Napahugot siya nang malalim na hininga. Pilit niya kinalma ang kanyang sarili. Pwedeng magkamali iyon since ang pinaka the best na results ay yung sa umaga. She’ll take a test again tomorrow morning.  “Babe, are you okay? Ready na yung binabalatan mo sa ‘baba.” Narinig niyang sabi ni Macoy sa labas ng banyo. Agad niya  iligpit ang pregnancy test kit saka nilagay sa bulsa at binuksan na ang pintuan. “Yes, I’m okay. Tara na sa baba, samahan mo ako kumain,” aniya dito. “Are you really okay? You seem hiding something from me, babe. Hindi mo naman siguro kinakausap mga abogado natin tungkol sa annulment na naman?” “Hindi no, let’s go na,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD