NAGISING si Macoy na nakayakap siya kay Bernice. Nakatalikod ito sa kanya at natatakpan ng buhok nito ang kalahati ng mukha. Marahan siyag umisod dito saka hinawi ang buhok nito. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Macoy. Ang buong akala niya, wala na ito sa tabi niya paggising niya pero nagkamali siya. She’s too tired to get up from their bed. Pumihit ito paharap sa kanya saka yumakap sa kanya nang mahigpit. Hinalikan niya ang gilid ng ulo nito, pisngi, ibaba ng mata saka sa labi.
They made love all night and it was an amazing night for him. Sinipat niya ang orasan, pasado alas diyes na ng umaga. Bernice should be preparing now for her morning class.
“Aren’t you going to school?” Mahina niyang tanong dito.
“Nope. Ang sakit ng katawan ko. Its your fault kapag bumagsak ako,” anito sa kanya.
Mas yumakap pa ito sa kanya. Hinaplos niya ang hubad nitong likod saka kinantalan nang magaan na halik balikat nito. He noticed a two red marks there. Sigurado siyang magagalit ito kapag nakita nito iyon mamaya. Bernice hates him for doing that. Ayaw nito na may naiiwang marka sa mga parte ng katawan nito na mahirap itago.
“I love you.” Bulong niya dito.
Hindi ito sunagot bagkus ay mas yumakap lang ito sa kanya. Mahimbing itong natulog sa mga bisig niya. Napagod ito nang nagdaang gabi kaya hindi niya magawang masisi kung ayaw pa nitong kumilos. Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang huli nilang gawin iyon. Niyakap niya ito saka natulog din. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon na nakakulong ito sa mga bisig niya.
Pasado ala una na ng hapon nang bumangon silang dalawa at gaya nga nang inasahan niya, nagalit nga sa kanya si Bernice nang makita ang dalawang pulang marka sa leeg nito. Binato siya nito nito ng unan dahil doon. He tried to hugged her but she keep on pushing him away. Matama nitong kinikiskis ng yelo ang marka para mawala iyon.
“No one can notice that kapag nagturtle neck ka na damit. Saka malamig naman dito at balot na balot kapag lumalabas,” aniya dito saka inagaw dito ang ice pack at siya na nagtuloy noon.
“Kahit na. Hindi mo na ako dapat nilagyan nito,” angil nito sa kanya.
“I love putting marks on what’s mine, wife.” He reached for her side lips and plant a quick kiss there. “You’re mine, Bernice Claire Del Mundo-Dominguez. Only mine.”
“I’m not a thing to own, mister. Amina nga –“
Hindi na niya pinatapos ito sa pagsasalita nang sakupin niya ang labi nito. He kissed more passionately this time. His hands remained from cupping her face and inclining it more to deepen the kiss. Kissing his own wife who’s been away for two long years is kinda addicting. Para ba na ayaw na niya iyon tigilan pa. Kahit pa mamanhid ang mga labi niya ay paulit ulit niya aangkinin ang mga labi nito. They continue kissing each other until they both loose a breath.
HINDI maintindihan ni Bernice ang sarili niya kung bakit at sa paanong paraan siya napapayag ni Macoy na may mangyari sa kanila nang nagdaang gabi. Hinayaan niya din itong halikan siya kanina sa kitchen habang ginagawan niya ng paraan na alisin ang hickeys na ito din ang may gawa. Where that urge came from? Why does she keeps on answering his kisses? Bakit magkaiba palagi ang gusto ng isip at puso niya?
Mariin siyang pumikit. She asked herself not to think about for now. Hinaan niya ang apoy at tinakpan ang pinakukulo niyang sabaw saka binalingan ang mga hinihiwang gulay na kasama doon sa kasalukuyan niyang niluluto. Iniisip niya kung dala lang ba iyon ng selos na naramdaman niya nang makita niya na madaming babae ang nahuhumaling dito sa school na pinapasukan niya. Habang naghihiwa, sinariwa niya sa isipan niya ang mga nangyari nang nagdaang gabi. The way he kissed all the parts of her body. Yung mga haplos nito sa kanya. Lahat ng iyon ay sariwa pa sa isipan niya.
Kanina nang pumasok siya sa kwarto niya, hindi niya maiwasang amuyin ang mga unan doon. Naroroon pa din kasi ang preskong amoy nito na para ba’ng dinala siya sa pinaka-magandang lugar doon sa South Korea. Lihim siya napailing nang makaramdam nang kakaiba init na naman. Totoo nga ang sinasabi ng lahat na nakakarupok ang pakikipag-s*x lalo na kung hindi naman ibang tao ang nakaniig mo. Its her husband, for Pete’s sake! Asawa pa din niya ito kahit balik baliktarin niya ang mundo.
“Claire, mama and papa will have a dinner with us tonight.” Napatingin siya kay Macoy na nakatayo pasandal sa pintuan ng kusinang kinaroroonan niya.
“Bakit sila nandito? Nasa ospital si Cali, right? Their only princess needed them,” aniya sa asawa niya.
“Unfortunately, nasa Japan sila nang may mangyari kay Cali. Dito sila dumiretso matapos nila makipagmeeting sa mga japanese clients nila.”
Napaikot ang mga mata niya. Mas importante pa din sa mga ito ang negosyo kaysa damayan ang kaisa isang babae sa pamilya ng mga ito.
“Hindi ko ma-gets ever parents mo. Bakit gano’n kayo kay Cali? Kaya, walang sinusunod ang isang iyon sa inyo,” mahaba niyang sabi dito. “Now that they’re coming, do we need to act like a lovely couple?”
“Answer your question, wife. Do we still need to act? Last night was amazing and I bet by now you’re carrying my future child,”
“Leche! Akala ko ba aalis ka ngayon?”
Tinago niya ang namumula niyang mukha dito. Hindi niya naisip ang bagay na ‘yon. He didn’t used protection last night and load all his seed inside her. Ilang beses na din siyang nagskip sa pag-inom ng pills dahil sa sobrang pagka-abala niya sa pag-aaral.
“Kung aalis ka, make sure na bumalik ka bago dumating ang parents mo. Ayokong magisa nang mag-isa dito.”
“Yes, wife. May bibilhin lang ako sa labas.” Paalam nito saka mabilis siya hinalikan sa labi.
“Is that necessary?”
Paasik niyang tanong dito. Lumingon lang ito saka kumindat sa kanya. Mariin niyang nakuyom ang kanyang kamao at nasuntok iyon sa hangin. Talaga nga na nagpunta lang doon si Macoy para asarin at akitin siya. Alam kasi nitong hindi siya tutol at masyado siya nitong kilala.