MABILIS na niligpit ni Bernice ang mga gamit niya at maayos na pinasok iyon sa bag saka sinara. Tumayo siya at sinukbit ang bag at binitbit ang dalawang libro na kanyang aaralin habang nasa byahe siya pauwi. Sobrang dami niyang aaralin dahil nalalapit na ang kanilang finals. Kung ano ‘man ang maging resulta noon ay siyang magiging gate pass niya papunta sa third year law student. Sabi nila, ang third year at fourth year sa law school ang pinaka-mahirap na taon. Pero para sa kanya, worth it naman lahat ng pagod at hirap niya kapag nakuha na niya ang titulong inaasam.
Two more years, Atty. Bernice Claire Del Mundo. Two more years, aniya sa isipan. Malalim siyang huminga saka ngumiti. Tuloy tuloy siyang lumabas ng classroom nila.
“Bernice, wanna join us?” tanong ni Yerin sa kanya sa wikang koreano. Kaklase niya si Yerin at kapwa nasa ikalawang taon sa law school. Mas bata ito sa kanya ng tatlong taon at unang naging ka-close niya sa lahat ng mga kaklase nila.
“Sorry I have to go home early,” tugon niya sa wikang koreano din. Naging matatas na siya ngayon sa wikang halos dalawang taon na niyang sinasalita. Pakiramdam niya magba-buckle na siya sa salitang tagalog kung sakali ‘man may kumausap sa kanya sa wikang iyon.
“Okay. Be safe.” Nagpaalam ito sa kanya at gano’n din naman siya. Tuloy tuloy siyang lumabas ng university. Binabati siya ng bawat masalubong niyang staffs, lawyers at administrators ng university. Free cut sila ngayon kaya malaya siyang maaga umuwi at sa bahay mag-aral. Dinukot niya mula sa bulsa ng suot niyang coat ang maliit niyang notepad kung saan nakalista ang mga dapat niyang i-review at gawan ng digest.
“Reading while walking can lead you to an accident.” Natigil siya sa paglalakad at pagbabasa. Agad siya napalingon at hindi inaasahang tao ang nabungaran niya. It was Macoy – her estrange husband. Nakatayo ito pasandal sa hood ng sasakyan nito. Kanina pa ba ito naroroon? Bakit hindi niya agad napansin ito? Was she that engross in reading her to-do-list?
“Bernice!” Napabaling ang tingin niya sa natawag. It was Yohan Wang – one of her classmate and four years younger than her. Sa kabila ng pagiging payat nito at maputlang complexion, hindi maitatanggi na gwapo ito. Nag-confess ito sa kanya nang nakaraang semester at kahit ni-reject niya ito, tuloy pa din ito sa panliligaw sa kanya. Nakita niyang may dala itong bulaklak at pagkain. Mariin siyang napapikit dahil doon. Wrong timing naman ang pagsulpot nito. Bakit kailangan pa pagharapin ito at ang estranged husband niya?
“Who’s he?” tanong ni Macoy sa kanya na hindi namalayang nakalapit na pala sa kanya.
“Bernice, these are for you,” ani Yohan sabay abot sa kanya ng bulaklak at pagkain.
Nag-alangan siya tanggapin iyon. “Uhmm, t-thank you but not now Yohan,” aniya sa binata.
“Why? Haven’t we talked already that I’ll continue pursuing you even if you rejected me?” Oo nga naman, pumayag siya doon pero naiinis siya dahil ang hina maka-pick up nito. How could someone like him be a lawyer in the future? “Who is he?” tanong nito saka hinayon ang tingin kay Macoy. Sa katawan palang wala na ‘to laban kay Macoy. For Pete’s sake, her estranged husband is a part of Arm Forces of the Philippines and a holding a captain rank.
“Captain Marco Jose Lee-Dominguez, her husband.” Si Macoy na ang sumagot sa tanong ni Yohan. “How about you? Who are you?”
“Classmate ko siya, tara na!” Siya na sumagot sa tanong ni Macoy saka hinila ito palayo kay Yohan. “Yohan, we’ll go ahead now. See you tomorrow.” Tinulak niya pang muli papunta sa sasakyan nito si Macoy at nagpati-anod naman ito sa kanya sa wakas. Nang pareho na sila makasakay sa sasakyan nito, agad siya pumihit paharap dito. “Bakit ka nandito? Dala mo na ba yung matagal ko nang hinihingi na annulment papers?”
“I’m here para sunduin ka at ibalik sa Pilipinas. I’m still a Korean citizen, babe, so, I can come here whenever I want,” anito sa kanya saka ngumisi ito sa kanya.
“I’m not going back. Mas gusto ko na dito saka tahimik ang buhay niyo sa Pilipinas kapag wala ako doon,” tugon niya.
“Ironic naman, dati ayaw mo sa South Korea, ngayon gusto mo na dito.” He scoffed. “Quit playing now, wife. Two years already passed and as far as I remember, I only gave you two years to do what you want.”
Napatingin siya dito saka malalim na bumuntong hininga. “I can’t come with you. I need two more years to finish my law school and a year for Korean Bar Examination.” Hindi niya kaya na i-give up na lang basta ang pangarap niyang titulo para lang bumalik sa Pilipinas. She once did nang ipakasal siya rito ng mga magulang niya. Hindi niya nagawang tapusin ang pre-law niya dahil doon.
Wala siyang tugon na narinig mula kay Macoy. Alam niyang alam nito kung gaano niya kagustong maging abogado. Pinaandar nito ang sasakyang paalis sa university at tinahak ang daan pauwi sa bahay niya sa Apgujeong. Mayayaman at kilalang tao ang kalimitan na nakatira doon kaya naman halos lahat ng kaklse niya nagpi-feeling close sa kanya. She’s really came from wealthy family. Politician ang kanyang ama at ina sa Pilipinas.
Dagdag pa na asawa siya ni Marco Jose Dominguez. Her husband’s family holds a significant spot in the society. Kapag bahagi ng pamilya nila, kilala ka at tinitingala. Kaya naman gano’n na lamang ang pagpipilit sa kanya na magpakasal noon kay Macoy. Their family needs a support coming from a prominent family like Dominguez’s.
If I could only turn back time, hindi ko nanaisin na maging collateral ng mga magulang ko, aniya sa isipan.