Prologue

645 Words
MATAMANG nilapag ni Bernice sa working table ni Macoy ang isang envelop. Nag-angat ito nang tingin sa kanya. She took the seat in front of his working table and seated there crossed leg. Nakita niyang binukas nito ang envelop at nilabas ang mga papel na nakapaloob doon. Muli itong tumingin sa kanya nang mabasa ang mga nakasulat roon. “This is the third annulment case that you filed, hindi ka pa ba tapos?” Malalim siyang napahinga nang marinig ang baritonong boses na iyon ni Macoy. “I let you do things on your own for two years, Bernice. You remained Del Mundo kasi iyon ang gusto mo. You’ve caused trouble in Joaq and Paola’s life. Ano pa ba’ng gusto mo?” “I want to be free. Free from you, your family and my family. I’ll take the house in South Korea na wedding gift ng Mama mo. Doon muna ako since Lola Divina wants me out for awhile.” Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito. “Do whatever you want but I won’t sign this,” anito sa kanya. Napatayo siya mula sa pagkaka-upo. Hindi pwedeng hindi nito pirmahan iyon. Kailangan niya iyon para makuha ang bahay na hinihingi niya bilang parte ng pre nuptial agreement nila. “You can have the house. Umalis ka ng bansa but you have to comeback after two years.” “What’s with the ultimatum, Marco Jose? Bakit kailangan ko bumalik pa dito? Don’t you think na pareho tayong makakalaya kung pipirmahan mo na ‘yan?” She can’t believe it. Pangatlo na iyong annulment case file pero gaya ng dalawang nauna, hindi pa din iyon pinirmahan ng asawa niya. “Why? Do you love me?” Tha’s a stupid question, Bernice. Of course he doesn’t love you since he’s still inlove with his ex-girlfriend, mahaba niyang sabi sa isipan. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito. Wala naman siyang aasahan pa. Pareho silang emotionally unstable nang ikasal sila. Macoy have to break up with Sera – his girlfriend for nine years. Habang siya, hindi maka-move on sa biglaang pagkamatay ni Yvo. Both of them were trapped in the past where they can’t move even a small step. They tried to work it out but it ended up hurting themselves. Sabi nila, kapag nagka-anak sila baka sakaling magbago ang damdamin nila pareho. And they tried having a child, they succeed but she bleeds out due to depression cause by stress. Matapos iyon ay hindi na sila sumubok ulit. Doon niya nag-umpisang maghain ng annulment papers na si Joaq pa mismo ang abogado. Sumunod na annulment ay abogado naman ng mga Del Mundo ang ginamit. Ngayon, kaibigan na niyang abogado ang naghain noon at wala na siyang balak na i-atras pa iyon. Para sa kanya wala na patutunguhan pa iyon. Sobra na ang sakit na dinulot sa kanila ng fixed marriage na iyon. Lalo na sa side ni Macoy na sa umpisa pa lang ay pulos pagpaparaya na ang ginawa. The annulment of their marriage will set him free from her. Wala din naman silang anak kaya wala itong obligasyon sa kanya. “I’ll wait until you signed those papers, Marco Jose,” aniya dito. “By the way, she came back already. Ito na yung time para sundin mo naman ang puso mo.” Iyon lang at iniwan na niya ito roon. Hindi niya alam kung paano at saan siya nakuha nang lakas nang loob na mag-file muli ng annulment case lalo’t may malaking papel na ito sa buhay niya. Yes, she falls for him accidentally. Iyon yung mga panahon na buntis siya at walang ginawa ito kung ‘di alagaan siya. Noong makunan siya, kahit alam niyang nasaktan din ito, hindi pa din siya nito iniwan. Doon nagsimula ang lahat na ngayon ay pinuputol na niya dahil kapag lumalim pa iyon ay natatakot siyang maulit iyong nangyari sa kanya nang mawala si Yvo. She was devastated that time and she could never let that happen again. Not again. Not to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD