Chapter Two

1210 Words
HANGGANG sa makarating sila sa bahay na binigay niya kay Bernice ay wala silang kibuan na dalawa. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Tila nabahag ang buntot niya nang sabihin nitong hindi babalik kasama niya sa Pilipinas. Tatapusin pa daw nito ang pag-aaral nito ng law doon at tutuparin ang pangarap nitong na-set aside nang ikasal silang dalawa. Noon palang alam na niyang nais talaga nitong maging abogado. Nasa aura din naman nito ang aura ng isang abogado na hinding hindi matitiklop ninuman. Nang bumaba ito ng sasakyan, agad itong pumasok sa loob ng bahay. Sumunod siya agad dito at kitang kita niya ang gulat sa mukha ng katiwalang kasama nito doon ang gulat nang makita siya. Sabagay, dalawang taon siyang hindi nagpakita doon at malamang alam na nito ang balak na pakikipaghiwalay ni Bernice sa kanya. Tuloy tuloy na umakyat si Bernice sa second floor ng bahay kung nasaan ang kwarto nito. Siya, naiwan sa baba at matamang sinisipat ang paligid. “Sir, ngayon lang po ulit kayo napunta dito.” Napalingon siya sa matandang katiwala ni Bernice. “Gusto niyo po bang kumain muna? Nakaluto na po ako, sir,” dagdag na sabi nito sa kanya. Muli siyang napatingin sa itaas at inabangan ang paglabas ni Bernice sa kwarto nito. “Nako, sir, mamaya pa labas ni ma’am Bernice. Oras kasi ng pag-aaral niya at hindi natin siya maiistorbo.” “Gano’n ba?” But he really needs to talk to her. “Hihintayin ko na lang siyang matapos mag-aral,” “Sigurado ka, sir?” Tumango siya at hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. Hindi na ito nagsalita pa at iniwan na siya doon. Dala nito ang mga gamit niya para ilagay sa guest room. Naupo siya sa sofa at binukas ang laptop niya nang matanggap ng text mula kay Javi. He logs in straight to his skype account when he read the full message. Kabilang si Cali – twin sister niya – sa mga hostage ngayon ng dalawang armadong lalaki at humihingi ng permiso sa kanya si Javi na pangunahan na ng team nila ang rescue operations. A few moments, Javi answered his call. Sinabi nito ang lahat ng detalye ukol sa nagaganap na hostage crisis. Kabilang sa report nito ang pagkakabaril ng suspect kay Cali. He gritted his teeth. Agad siya tumawag via long distance call sa Major General nila para ipagbigay alam ang plano ni Javi. He got an approval immediately that’s he instructed his men to move and make sure that one will get hurt. “You still awake?” Dagli siyang napalingon sa nagsalita. It was Bernice wearing a loose shirt and short. Napatingin siya sa orasan. Sa sobrang focus niya sa pagmonitor ng rescue operation na ginagawa nina Javi sa Pilipinas ay hindi na niya napansin ang oras. Pasado alas diyes na pala nang gabi doon. Naramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. “I’m monitoring my team’s rescue operation,” tugon niya. “Why? May terorista ba na nakapasok sa Pilipinas?” tanong pa nitong muli. “Cali was abducted earlier today and now one of the hostage of two armed men.” He explained to her. Napaawang ang mga labi nito nang marinig ang sinabi niyang iyon. It was just like his reaction when he read Javi’s message. His only sister is in danger and he’s not there to save her. “Naligtas na ba siya?” Nababakas sa mukha nito ang pag-a-alala. Alam niyang hindi nito kasundo ang kapatid niya ay concern pa din ito dito. Queen of bitches, iyon si Cali at kapag dinikit ito kay Bernice na tinaguriang ice queen paniguradong magkakaroon ng panibagong gyera. Hindi siya agad nakasagot dahil sa sunod sunod na pag tunog ng skype niya. Mabilis niya sinagot iyo at bumungad sa kanya ang mukha ni Second Lieutenant James Morales. “Sir, mission complete. Ms. Cali and other victims were already accounted for and safe.” Pag-re-report nito sa kanya. “Where is First Lieutenant De Luna?” tanong niya. “Sir, he got shot when one of the suspects tried to kill Cali.” Nabagsak niya sa mesita ang magkabilang kamay at isang malakas na singhap ang narinig niya mula kay Bernice. May pagka-bayani din talaga si Javi at nagawa pa nitong saluhin ang bala na para sa kapatid niya. Sinabihan na lang niya si James na ito munang bahala at kapag maayos na si Javi saka patawagin sa kanya. Agad niya sinara ang laptop at pumaling kay Bernice. “Sorry about that. Cali’s fine now so, breath.” Sinununod naman siya nito. Natakot ba ito sa biglang pabagsak ng kamay niya sa mesita? “Good to know that.” Akma itong lalakad papunta sa kusina ngunit muli itong lumingon. “Kumain ka na ba?” “Hindi pa. I’m waiting for you to come out of your room,” “Mamatay ka sa gutom kung palagi mo ako hihintayin. Finals na namin at kailangan dobleng oras ang ilaan ko sa pag-aaral.” Kaya pala gano’n na lang ang gulat ng katiwala nito sa bahay nang sabihin niyang hihintayin niya si Bernice na lumabas sa kwarto nito. “I won’t mind dying if it’s because of you,” “Can I kill you?” “Try me.” Ngumisi siya at kitang kita niya ang pang-gigil nito sa kanya. Tumalikod ito nauna na sa kusina. PANIBAGONG karakter ni Bernice ang nabungaran ni Macoy isang umaga sa kusina ng bahay nila. Magiliw itong nakikipagkwentuhan sa batang bisita nito na nag-aayos naman ng lamesa. Sabay na lumingon sa kanya ang dalawa nang makita siya ng mga ito. Nadinig niyang tuloy tuloy sa pagsasalita ang bata. Bernice and kid talked in Korean language which he clearly understood. “Take your seat now, Yerin. Your school bus will arrive soon.” Nadinig niyang sabi ni Bernice sa bata. “Okay,” tugon naman ni Yerin. Diretso niya tinungo ang coffee maker para magsalin ng sarili niyang kape. “Who is she?” tanong niya kay Bernice. “Anak nang kapitbahay ko. Dito siya sa akin nakain at kung minsan natutulog,” wika nito sa kanya. Sinipat niyang muli ang bata. Sa tantya niya nasa edad sampu na ito. Cute ito dahil sa singkit na mga mata at matambok nitong mga pisngi. “Aalis ka ba ngayon?” “Yes. I’ll trained new soldiers later. What time ka lalabas ng school?” “Baka after lunch pero pupunta pa akong city library after class,” “Okay, I’ll be there later. Let’s have a late lunch together. Ihahatid na din kita sa city library,” “Bahala ka,” “I’ll take that as a yes, wife.” Inirapan lang siya nito saka sinabayan na sa pagkain si Yerin. Nang matapos sila lahat kumain, hinatid na ni Bernice sa labas si Yerin. Sinundan niya ang dalawa. Nakita kung gaano ka-affectionate sa isa’t isa sina Bernice at Yerin. Papasa nga na mag-ina ang dalawa sa isip isip niya. Nang makasakay na sa school si Yerin, dali daling pumasok na sa loob ng bahay si Bernice. Sinundan niya ito hanggang sa sala at nakita niyang sinusukbit nito sa likod ang bag nito. “Let me hold that for you,” “Hindi okay lang kaya ko na ‘to,” anito saka iniwas sa kanya ang dalawang libro na hawak nito. “Ihahatid ka na kita sa school mo,” aniya dito. “Akala ko may lakad? Dapat mauna ka na umalis sa akin.” Nauna iton lumakad sa kanya palabas. “I can commute naman, Macoy. Don’t worry okay?” Hindi na niya nagawang magsalita matapos nito halikan siya pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD