Matapang kong sinalubong ang matalim na tingin ni Trey nang mapagsolo kami sa tagong bahagi ng pinagdausan ng salo-salo. Kanina pa natapos iyong dinner at ngayon ay kanya-kanyang nag-e-enjoy ang lahat. Iyong mga kalalakihan ay nasa makeshift bar habang iyong mga kababaihan ay nasa ibang bahagi naman. Kanina ko pa tinitiis ang nakakasakal na kapinuhan ng kilos ng mga nasa paligid ko kaya isang malaking break iyong pagpuslit sa'kin ni Trey palayo sa mga kamag-anak niya. "Hindi uubra sa'kin iyang kalamigan mo," mapakla niyang komento kapagkuwan. "Normal na sa'kin ang ganito," walang gana kong tugon. "You're intimidating everyone around you," salubong ang kilay niyang saad. "Hindi ko 'to sinadyang gawin upang mang- intimidate ng iba," tugon ko. "Yeah right," nang-uuyam niyang wika. "Ka