Wala kaming imikan ni Trey habang pinagmaneho niya ako papunta sa Guest House kung saan kasalukuyang tumutuloy ang dalawa kong pinsan. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang tito niyang si Luis Buencamino. Pero hindi sapat na tinawag ako nito sa pet name na tawag sa'kin ni Tita Titz upang ibentang namin dito ang pagkawala ni Tita. Kailangan ko ng mas matibay na ebidensya. Mula sa mga iniisip ay natuon ang atensiyon ko sa tanawing nasa labas ng kinaroroonan kong sasakyan. Sa halip na golf buggy ang sinasakyan namin ay newest edition ng mamahaling sports car ang gamit niya ngayon. Hindi na iyon nakakagulat dahil Buencamino siya at nandito ako ngayon sa masasabi kong kaharian ng angkan niya. Habang nakatingin sa dinadaanan namin ay napagtanto kong mas nakakaengganyo pala ang tanawin dito