Pagkalabas ko ng interrogation room ay agad kong namataan si Trey na papalapit sa'kin. Lihim kong inihanda ang sarili sa panibagong pakikipag-argumento. Seryoso ang ekspresyong nakalarawan sa mukha niya pero hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip niya. Batay sa direksiyong pinanggalingan niya ay sigurado akong kakarating lang niya at hindi siya iyong taong nasa viewing room ngayon. At least nagtagumpay ako sa balak na unahan siya rito. "Are you okay?" bungad niya sa'kin. Medyo nagulat ako at napakurap-kurap dahil hindi ko inaasahan na iyon ang una niyang sasabihin. Tama bang may nababanaag akong pag-alala sa mukha niya? Unang tingin ay hindi agad iyon mapapansin pero ngayong nasa malapit na siya ay malinaw ko iyong nakikita. "Hindi ako iyong nasangkot sa gulo," hindi sigurado kon