Hindi pa man tuluyang nakalapit ang sinasakyan naming golf buggy ni Trey sa isang modernong tatlong palapag na bahay na halos gawa sa salamin ang buong dingding ay nagsusumigaw na ang karangyaan nito. Naka-landscape design ang buong front yard ng bahay at agaw pansin ang artificial waterfall sa isang bahagi ng bakuran. The place is simply magnificent, with a combination of old and modern architecture. So, this is how a villa in the famous Isla Buencamino looks like. May nabasa akong article tungkol dito pero walang kalakip na larawan. Pili lang ang na-publish na mga larawang kuha rito sa loob ng isla. Kahit ang twin tower Guest House hotel nila ay iisang larawan lang ang kasalukuyang masi-search sa internet. Mula sa bahay ni Trey ay ilang metro pa bago ang susunod na villa at tulad ni