Habang nasa hapag kainan at masyadong papansin ang pagkukwento ni Letecia sa buhay nito abroad ay tahimik lang akong kumakain. Kailangan pala ikwento sa kaibigan mo kapag nagkikita na kayo kung gaano kaganda ang buhay mo abroad pero na-miss mo pa rin ang mainit at maalikabok na bansang pinagmulan. Kung sobrang gandang buhay nito roon ay sana 'di na lang ito umuwi, 'no? May taglay ring kabobohan ang babaeng ito, umaalingasaw! In fairness, masarap ang mga inihanda nitong pagkain. Hindi halata rito sa bida-bidang childhood friend ni Trey na magaling nga itong magluto. Akala ko kasi ay sa pagpapapansin lang ito magaling. Medyo nakakarindi sa pandinig ang sobrang lambing nitong boses na para bang ikinaganda nito lalo iyon. Konti na lang at iisipin kong papaungol na ito. Hindi ko alam kung