Muli ay mabagal na umakyat pataas ang mga labi ni Trey hanggang sa magtapat ulit ang mukha namin. Wala sa sarili akong napalunok nang sumalubong sa'kin ang mainit niyang mga titig. Hindi man lang niya ikinubli ang matinding pagnanasang sinisigaw ng mga ito. Hindi ko masabi kung advantage ba sa'kin na kaya kong iparamdam ang ganito kay Trey o dagdag lang ito sa panganib na kailangan kong kakaharapin. Hindi ako sigurado kung kaya kong i-handle ang isang Trey Buencamino kapag nasa ganitong state siya lalo na alam niya kung ano ang dapat gawin upang ipalimot sa'kin ang mga bagay na tama at hindi. "Do you feel it?" paanas niyang tanong sa'kin. "The pull of temptation... the chemistry..." dugtong niya habang nagsasalita sa mismong tapat ng mga labi ko. Hindi ko pwedeng itanggi ang mga sinabi