Tahimik na hallway ang bumungad sa'kin pagkalabas ko ng elevator kaya rinig na rinig ang ingay ng dalawa kong kasamang mabilis na nagsisunod sa'kin habang hindi pa rin natapos-tapos ang argumento nila. "Bakit ba ikaw iyong may happy ending!"reklamo ni Fhel Ashley. "Kasi mas matanda ako sa'yo ng tatalong buwan!" buwelta naman ni Kylie. "Akin lang si Lawrence!" puno hg conviction nitong pahayag. "Hindi pwede iyon!" tutol ng kapatid ko. "Mas bagay kami! Kasi mas astang lalaki ka pa kumpara sa kanya at—" "Masyado kang OA para sa kanya!" putol ni Kylie sa pagsasalita ni Fhel. Tumigil ako sa paglalakad at pasimpleng inilibot ang paningin sa paligid. Nilingon ko ang dalawang patuloy na nagtatalo bago itinaas ang kanang palad upang patigilin na sila. Agad namang nakuha ng mga ito ang gusto k