Nagising si Mitch bandang hatinggabi. Maaga siyang natulog ng gabing iyon. Ngayon ay parang gusto niyang uminom ng tubig ngunit wala na pala siyang tubig sa kwarto kaya naisipan nalang niyang bumaba sa kusina.
Dahan-dahan siyang bumaba at naglakad papuntang kusina at nagulat siya pagkakita kay Chris na nakaupo sa isang upuan doon at nakapikit, mukhang tulog. Namumula ang mga pisngi nito at mga labi.
Napakagwapo nito kahit tulog. Mayron itong isang maliit na peklat sa kaliwang pisngi ngunit hindi iyon nakabawas man lang sa taglay na kagwapuhan nito. Parang lalo pa nga iyong nagbigay ng appeal sa mukha nito at misteryosong aura nito.
Lalo itong gumagwapo habang nadadagdagan ang edad nito. Lalo ring naging matikas ang pangangatawan nito.
Hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya rito. Maya-maya ay may narinig siyang mga yabag papunta sa kusina. Ang katulong pala nilang si Sisang.
“Ma’am Mitch naayos na po namin ang kwartong tutulugan ni Sir Chris. Nandiyan po ba siya? Wala po kasi siya sa sala.”
“Ah…dito siya matutulog?” medyo nagulat pa siya.
“Opo..hindi po pinayagan ni Madam na magdrive pauwi kasi ay nakainom daw po, inihatid po kasi rito si Sir Raf na lasing na lasing.”
“Ganon ba…s-sige ako nalang ang gigising sa kanya. Nakatulog na kasi siya.”
“ay sige po maam. Salamat po.”
“ok.”
Pinagmasdan pa niya saglit si Chris habang nakaupong natutulog. Ang guwapo talaga nito sa paningin niya, pero ni minsan ay hindi niya iyon sinabi sa iba. Sa tantiya niya ay kaedad lang ito ng kuya niya dahil magkaklase ito nung college. Marahil ay 25 na rin ito kagaya ng kuya niya. Siya naman ay 19 years old palang.. Ipinilig niya ang ulo nang mapagtanto na pinagkukompara nanaman niya ang edad nila nito. Nilapitan nalang niya ito at marahang niyugyog ang mga balikat nito.
“Chris…..Chris…sa taas ka na matulog….Chris….” mahina ang boses na ginising niya ito.
“Uhhhmmmmm.” Ungol nito pero hindi pa tuluyang nagising kaya muli niya itong niyugyog.
“Chris. Nakatulog ka na dito sa kusina. Sa taas ka nalang matulog. Chris, wake up.” Muli niya itong niyuyugyog habang kinakausap ito.
Bigla nitong hinawakan ng mahigpit ang mga braso niya habang nakapikit parin at biglang dumilat kaya nagkasalubong ang mga mata nila. Di niya maintindihan ang sarili pero bigla siyang nakaramdam ng unti-unting pag-iinit ng katawan ng mga sandaling iyon. Init na nagmumula sa mga kamay nitong nakahawak sa braso niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya samantalang ito naman ay napakunot-noo nang mapatitig sa kanya.
“Mitch?” tila nagtatakang tanong nito. Pagkatapos ay dumapo ang mga mata nito sa mga braso niyang hawak nito. Nakita rin nito ang sumilip na cleavage niya dahil bahagya siyang nakadukwang dito at nakasuot lang siya ng spaghetti strap at maikling shorts na pantulog. Agad nitong binitiwan ang mga braso niya nang mapagtanto ang ginawa.
“I-Im sorry.” Anito na umiwas pa ng tingin at bahagyang ibinaba ang tingin.
Kahit na bigla siyang kinabahan ng mga sandaling iyon ay agad naman niyang naapuhap ang sasabihin.
“aahhmm Chris, naayos na raw ang kwartong tutulugan mo sa taas. Nakatulog ka na rito…k-kaya ginising na kita at baka matumba ka pa.” Sabi niya rito na iniiwas din ang tingin. Di niya maunawaan kung bakit ang lakas parin ng t***k ng puso niya ng mga oras na iyon.
“S-sige…salamat. Pasensya na ulit. Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong nito at sinulyapan ang mga braso niya na bahagya palang namula. Maputi siya kaya’t kita ang bahagyang pamumula niyon. Tila lalo itong nag-alala nang makita iyon at agad kinuha ang mga kamay niya upang lalong matitigan kung gaano iyon namula.
“O-ok lang ako. Mawawala din yan maya-maya.” Naiilang na saad niya habang tinititigan nito ang mga braso niya. Naasiwa siya sa sitwasyon na iyon nila dahil bihira na mangyaring magkalapit sila at magkadikit ng ganoon, idagdag pa ang kasuotan niya. Ngunit hindi niya naman magawang hilahin ang mga kamay at baka masamain nito iyon. Isa pa, parang gusto rin niya ang pagkakadikit nilang iyon bagama’t naninibago ang katawan niya sa nadaramang sensasyon.
“O-ok..” dahan-dahan na nitong ibinaba ang mga kamay niya.
Parang nanghihinayang naman siya na saglit lang nitong hinawakan ang mga braso niya.
“Sige..”
Tumayo na ito at siya naman ay naglakad na para kumuha ng maiinom.
Hindi naman siya masyadong uhaw kanina pero ngayon ay parang uhaw na uhaw siya kaya naubos niya agad ang isang basong tubig. Pag ikot niya ay nagulat pa siya nang makitang nakatayo pa pala sa likod niya si Chris at matamang nakatingin sa kanya.
“A-akala ko umakyat ka na?” nahiya siya dahil malamang ay nakita siya nito kung paano siya uminom.
Baka isipin nito na hindi man lang siya graceful kumilos at lalo itong maturn-off sa kanya.
‘Turn-off? Kelan ba siya na turn-on sayo?’
“Iinom din ako ng tubig bago umakyat.” Pag iimporma nito sa kanya at napatango-tango nalang siya.
“Kumuha ka nalang ng baso-“
“I’ll just use your glass.” Bigla nalang nitong kinuha sa kamay niya ang ginamit niyang baso na akmang ilalagay na niya sa sink.
Napapatulala nalang siya rito hanggang sa kumuha na rin ito ng tubig at mabilis ring ininom ang laman niyon. Nakita pa niya ang pagtaas-baba ng adams apple nito habang bahagyang nakatingala at umiinom.
‘Oh God, bakit ang sexy niyang uminom ng tubig?’ Sekretong bulong niya sa sarili habang biglang napalunok.
Hanggang sa matapos itong makainom ay nakatingin lang siya rito at nang lalapit na ito sa kinaroroonan niya ay parang biglang nataranta ang diwa niya.
Akala niya ay yayakapin siya nito yon pala ay ilalagay lang sa sink ang basong ginamit niya—NILA! Parang kinakabahan na kinikilig siya na ewan sa isiping isa lang ang basong ginamit nila. Paano kung sa mismong ininuman niya ay doon din pala ito uminom? Eh di para na rin silang nag---
“Goodnight Mitch.” Pakiramdam niya ay nagsitaasan ang mga balahibo niya sa batok nang bigla itong magsalita sa tabi niya pagkalagay nito ng baso sa sink. Naramdaman pa niya ang pagpaypay ng mainit na hininga nito sa kaliwang tenga niya. Sa sobrang lapit nito, pag humarap siya dito ay malamang mag pang abot ang mga mukha nila at magkahali—
Bago pa man matuloy ang kalokohang tumatakbo sa isip niya at bago pa siya makasagot ay nakatalikod na ito at unti-unti nang nawala sa paningin niya. Bigla ay bumalik siya sa huwisyo at sekretong pinagalitan ang sarili.
‘s**t! Mahiya ka nga sa sarili mo! Parang kang tanga Mitch alam mo ba yon? Eeeeeeeeii!! Nakakahiya talaga! Ano nalang ang iisipin non sayo? Para kang ewan! Ganda mo nga, lutang ka naman! Urrrggghh!’ kung anu-ano na ang iniisip niya habang paakyat sa taas. Hanggang makaakyat na siya sa kwarto at nakahiga na ay gising na gising pa rin ang diwa niya.
Hindi parin maalis sa isip niya ang nangyari sa kusina..ang pagkuha nito sa baso niya at pag inom doon, ang goodnight nito..at ang masuyong paghawak nito sa mga braso niya nang makita iyong namumula.
Ngunit bigla rin niyang naalala ang itsura nito nang mabungaran siyang nakahawak sa balikat nito. Pilit inaalala niya ang itsura nito ng mga oras na iyon. Takot ba yon, o galit? Hindi niya maalala kung ano ang emosyong nakita niya sa mukha nito dahil na rin sa pagkagulat. Maging siya sa sarili ay di niya alam ang nararamdaman ngayon. Kinikilig siya na natatawa na kinakabahan.
‘Ibig sabihin ba non ay may gusto pa rin ako kay Chris?’ Naisip niya bigla ngunit agad ding umusal ang bibig niya ng “no.” kasabay ng pag iling-iling.
It's been years nung nagkacrush siya rito. At teenager pa siya noon. Well, 19 pa lang din naman siya ngayon but siyempre ay nagmature na siya kahit papaano.
Bigla siyang napabalikwas ng bangon.
Paano nga kung may gusto pa rin siya kay Chris hanggang ngayon at deep inside ay umaasa parin siyang mapansin at magustuhan siya nito? Mapansin at magustuhan bilang isang babae, hindi bilang younger sister ng bestfriend nito. Napangiti siya ng mapait. Mukhang imposible iyong mangyari.
Sukat sa naisip ay pinilit na niyang wag mag isip ng kung anu ano tungkol kay Chris at sinikap makatulog.
Sa kalapit na kwarto naman ay naroon si Chris. Parang nawala na ng tuluyan ang antok niya. Dahil ba naidlip na siya sa kusina? Di niya masabi sa sarili na iyon nga talaga ang dahilan dahil pilit na bumabalik sa balintataw niya ang itsura ni Mitch kanina sa kusina. She really looked like a grown-up woman kahit 19 pa lang ito. Tama. 19 years old. Masyado pa itong bata para sa kanya.
Una niya itong nakilala nung college pa lang sila ng kaibigang si Raf. Agad siyang nabighani kay Mitch nang una niya itong makita. Subalit napakabata pa nito kaya nga ay laging nakabantay rito ang kaibigan niya bukod sa napakaganda rin nito. Maganda, mayaman. Lahi ng matatalino at may sinasabi sa lipunan. Samantalang siya? Isang hamak na ulila. May maliit ding ipon ang iniwan sa kanya ng mga namayapang magulang subalit nabawasan na rin iyon dahil sa tito niyang kumupkop sa kanya na panay inom at sugal. Madalas pa siya nitong saktan noong bata pa siya. Pinilit niyang pinag aral ang sarili at nang lumaki siya ay umalis siya sa poder ng tiyuhin bitbit ang perang naitago niya na galing din sa pamana ng mga magulang niya. Kahit bata pa siya noon ay namulat na siya sa katotohanang hindi siya mahal ng tiyuhin at tanging pera lang ang mahalaga rito. Siguro ay kaya rin siya nito kinupkop ay upang mapasakamay nito ang naiwang pera at ilang alahas ng mga magulang niya.
Napadpad siya sa Manila at sa pagsusumikap ay nakapag-aral siya sa isang pribadong unibersidad. Nagworking student siya at pag summer ay ginugugol niya halos ang lahat ng oras sa pagtatrabaho.
Nakilala niya si Rafael dahil parehas sila ng kursong kinuha. Business Management. Dahil gusto niya ring magkaroon ng sariling negosyo pagkatapos mag-aral. Naging malapit sila nitong magkaibigan kahit mayaman ito dahil mabait parin ito sa kabila ng katayuan sa buhay. Bilib din ito sa kanya dahil nagagawa niyang buhayin mag isa ang sarili at palagi pa siya nitong sinasabihan noon na matalino raw siya at malayo ang mararating.
Ngayon nga ay nagkatotoo na ang sinabi nito dahil paunti unti siyang nakapag ipon kahit nong nag aaral pa lang siya sa tulong na rin ng mga scholarships na nakuha niya kaya nakatipid siya sa tuition. Iniwasan niya rin ang mga bisyo at babae kahit kung minsan ay ito pa ang humahabol sa kanya. Ayaw niyang madistract. Ang focus niya lang ay ang umasenso at umangat dahil sa sariling pagsisikap. Ngayon ay may sarili na rin siyang negosyo. Nagsimula siya sa buy and sell ng mga sasakyan hanggang sa makapagpundar na siya ng sariling store ng mga piyesa at accessories nito. Dahil na rin sa tulong ni Raf sa kanya nang pinahiram siya nito ng pandagdag puhunan kaya mas mabilis siyang nakapagpundar ng sariling negosyo.
Nang unang beses na makita niya noon si Mitch ay kumakain pa ito ng ice cream at may ilang kumalat pa sa gilid ng mga labi nito. Kung iba siguro ang nakita niyang ganon ang itsura ay baka naisip niyang madungis tingnan, subalit lihim pa siyang napangiti pagkakita niya rito noon. She was so cute and innocent habang kumakain ng ice cream. Bubbly and beautiful. Umaabot sa mata ang mga ngiti nito lalo pag nagkukwento ito. Lihim niya lang itong sinusulyapan noon dahil ayaw naman niyang mag isip ng masama ang kaibigan tungkol sa kanya. Malaki ang respeto niya kay Raf at napakahalaga para sa kanya ng pagkakaibigan nila dahil ito ang naging sandalan niya sa mga panahong nahihirapan siya at kung minsan ay gusto na niyang sumuko sa pangarap. At alam niya rin kung gaano ito kaprotective sa kapatid dahil palagi itong Chapter 3 – She still likes him

Nang unang beses na makita niya noon si Mitch ay kumakain pa ito ng ice cream at may ilang kumalat pa sa gilid ng mga labi nito. Kung iba siguro ang nakita niyang ganon ang itsura ay baka naisip niyang madungis tingnan, subalit lihim pa siyang napangiti pagkakita niya rito noon. She was so cute and innocent habang kumakain ng ice cream. Bubbly and beautiful. Umaabot sa mata ang mga ngiti nito lalo pag nagkukwento ito. Lihim niya lang itong sinusulyapan noon dahil ayaw naman niyang mag isip ng masama ang kaibigan tungkol sa kanya. Malaki ang respeto niya kay Raf at napakahalaga para sa kanya ng pagkakaibigan nila dahil ito ang naging sandalan niya sa mga panahong nahihirapan siya at kung minsan ay gusto na niyang sumuko sa pangarap. At alam niya rin kung gaano ito kaprotective sa kapatid dahil palagi itong bukambibig ng kaibigan.
Ngayon ay lalong gumaganda si Mitch. At lihim nalang siyang nalulungkot at nagseselos sa tuwing nababalitaan niyang may mga gustong manligaw rito. Parang napakadali sa mga kabataan na gustuhin si Mitch samantalang siya….he has no guts and power. Wala siyang karapatang magkagusto sa kapatid ng kaibigan niya.