Kinabukasan ay maagang nagising si Mitch kahit napuyat siya dahil may pasok siya kahit Sabado at may dadaanan pa siya bago pumasok sa paaralan. Mabilis siyang naligo at nagbihis pagkatapos ay bumaba na.
“Good morning princess.” Bati sa kanya ng ina pagbaba niya sa kusina. Naabutan niya rin doon si Chris na nakaupo at nagkakape at bahagya pa itong nagulat pagkakita sa kanya. Di naman iyon napansin ng Mommy niya dahil sa kanya nakatutok ang buong atensiyon.
“good morning po. Si kuya?” Tanong niya rito.
“Naku hija masakit ang ulo kaya ayon at natutulog pa ulit.”
“Eh Mom may pasok ako mamaya tz may dadaanan pa ako bago pumunta sa school.”
“Ako nalang ang maghahatid sayo hija.” Nakangiting saad ng Mommy niya.
“Thanks Mom. Sana kasi pumayag na si Kuya na matuto akong magdrive para di ko na kayo naaabala. Ayaw naman niyang kumuha ng driver.” Iiling iling na sabi niya habang tuluyang umupo sa upuan malapit sa Mommy niya. Halos katapat naman niya si Chris na nakaupo sa kabila.
“Kumain ka na anak at kami ni Chris ay kakatapos lang kumain.”
Tumango lang siya at tahimik na sumandok ng pagkain kahit naiilang sa presensiya ni Chris.
“Madam may tumawag po hinahanap po kayo. Mrs. Aquiler daw po.” Anang isang katulong nila.
Biglang napasapo ang Mommy niya sa noo at biglang tumayo.
“Naku baby nakalimutan ko may lakad pala ako ngayon. Saglit lang ha.” Anito at mabilis nang naglakad para puntahan ang telepono.
Lalo siyang nailang nang makaalis na ang Mommy diya dahil feeling niya ay nakatitig sa kanya si Chris. Bigla niyang iniangat ang ulo at nahuli nga niya itong nakatingin sa kanya. Halatang nagulat ito sa mabilis na galaw niya kaya agad na iniwas nito ang tingin at bumaling sa ibang direksyon ngunit huli na dahil nahuli na niya itong nakatitig sa kanya.
“Bakit?” kinakabahan man ay nakuha niyang itanong dito. Aba ayaw na niyang mapahiya ulit dito.
“W-wala. Iniisip ko lang k-kung…kung masakit ba ang braso mo.” Parang nataranta pa nitong sabi kaya lihim siyang napangiti. Di rin ito makatingin ng diretso sa kanya.
“Ah yon ba. Hindi na. Tingnan mo oh hindi naman nagkapasa.” Itinaas pa niya ang isang braso para ipakita rito. Sinulyapan lang nito iyon at tumango tango.
“Mabuti naman.” Tila naman nakahinga ito nang maluwag pagkasabi niyon.
Tumayo na rin ito agad at nagpaalam sa kanya na mauuna na ito dahil uuwi na raw ito.
Di pa man ito nakakahakbang ay ang pagbalik naman ng tila hinahangos na Mommy niya.
“Baby I’m sorry, may lakad pala kami ng kaibigan ko ngayon at iba ang way niyon. Paano yan.” Bigla itong napatingin kay Chris na katatayo lang.
“Hijo may lakad ka ba ngayon?” baling nito sa nagulat na binata.
“Po? Wala naman po Tita..”
“Baka pwedeng idaan mo si Mitch sa—”
“Mom ano ka ba? Nakakahiya at malamang busy rin si Chris. Actually pauwi na siya—”
Ngunit di siya pinansin ng ina at muli itong nakiusap kay Chris.
“Hijo, baka pwedeng ihatid mo si Mitch. Baka kasi magalit si Raf pag pinacommute itong si Mitch. Please hijo?” pakikiusap ng mommy niya.
“Mom.” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito at napatayo na rin siya tapos ay binalingan ang binata.
“It’s ok Chris, bibili pa kasi ako ng gagamitin namin para sa gagawin namin sa school mamaya. Baka medyo matagalan. Sasabihin ko nalang sa classmate ko na daanan ako para sabay na rin kaming bumili-“
“No!” biglang sabi ni Chris na ikinagulat nilang mag-ina.
“I mean…baka magalit si Raf pag nalaman niyang walang maghahatid sa’yo..at b-baka magtampo pa sa akin..k-kaya ako nalang ang sasama at maghahatid sayo.”
“Really hijo? Thank you so much! Napakaswerte naman namin sayo.” Lumapit pa ito sa binata at niyakap ang isang braso nito.
“You’re welcome Tita..” napangiti ring sabi ni Chris.
Tila naman natulala si Mitch sa nakitang pagngiti ng binata. Napakabihira niya itong makita na nakangiti. Halatang-halata sa mukha nito ang saya nang sandaling iyon.
Siguro ay dahil wala na itong mga magulang kaya masaya ito sa tuwing nilalambing ng Mommy niya at naiibsan ang lungkot nito sa buhay. Tila hinaplos ang puso niya sa isiping iyon. Nakaramdam siya ng kaunting awa para rito ngunit lamang ang paghanga sa tibay nito na harapin mag-isa ang mga problema at patuloy na maging mabuting tao sa kabila ng mga pinagdaanan nito. Minsan nang naikwento sa kanya ng kuya niya na mag-isa na ito sa buhay. Subalit nananatili itong matatag at mabuting tao na labis na hinahangaan ng kuya niya rito. At pati narin niya.
Hindi niya namalayan na nakangiti na rin siya habang nakatingin dito at sakto namang napatingin ang binata sa kanya.
Tila nakaramdam siya ng hiya na mahuli nitong nakangiting nakatitig dito kaya umupo siya muli at mabilis na tinapos na ang kinakain.
Dumaan muna sila sa isang mall bago niya ihatid sa school nito si Mitch. Minsan ay napapailing nalang siya bigla pag naiisip ang sariling reaksyon kanina nang sabihin ng dalaga na sasama nalang ito sa kaklase nito para bumili ng mga kakailanganin nito.
Naisip agad kasi niya yong lalaking nakita niyang kasama nito noon sa labas ng gate nang sunduin niya ang dalaga.
Gusto niyang iwasan si Mitch hanggat maaari ngunit minsan ay parang bigla nalang nagdedesisyon ang katawan niya at hindi na niya makontrol iyon. Gusto niya itong alagaan at samahan lagi..pero sa isang banda ay ayaw rin niya dahil…masyado itong mataas para sa kanya. Isa itong prinsesa at siya’y isang simpleng tao lang.
Dumaan sila sa isang store. Nakasunod lamang siya sa dalaga dahil nahihiya siyang maglakad sa tabi nito.
Maya-maya ay may dumating na kaibigan at the same time ay classmate nito.
“Mitch! Andito ka na pala!” anang kaibigan nitong si Crystal pagkatapos at nginitian siya nito ng matamis. Ngumiti rin siya rito ng tipid bilang pagbati at saktong humarap naman sa kanila si Mitch.
“Oh Crystal…” hindi ngumingiting saad nito sa kaibigan.
“Kanina ka pa rito? Nakapili ka na ba ng dadalhin sa school?”
“Hindi pa nga.” Kumunot-noo pang sabi ng dalaga na sa paningin niya ay lalo nitong ikinaganda kaya bigla siyang napangiti. Nasulyapan naman ng dalaga ang pagngiti niya at bahagyang tumaas ang kanang kilay nito. Iniba nalang niya ang tingin dahil baka lalo siyang mapangiti na ikainis nito sa kanya.
“Tara doon…” hinila ito ng kaibigang si Crystal. Siya naman ay naghintay nalang at umupo sa isang tabi kung saan abot pa rin ng tingin niya ang dalaga.
“Girl! Siya yong bestfriend ng kuya mo, right? Pogi talaga. May girlfriend na ba siya?” tanong ng kaibigan niyang si Crystal nang hilahin siya nito lalo papasok sa store. Akala pa naman niya ay may mas maganda itong nakita na kakailanganin nila. Yun pala ay kalandian lang ang aatupagin. Malapit na talaga niyang mabatukan ang kaibigan.
“Yes, siya nga. Bakit?” Seryosong sagot niya rito.
“So ano, alam mo ba kung may girlfriend na siya?” tila kinikilig pang tanong nito sa kanya.
“Pwede ba Crystal, baka ma-late pa tayo sa kadaldalan mo. Tsaka di ko alam ok? Di naman kami close.” Mataray na saad niya rito at naglakad na para humanap ng mabibiling gamit.
“Ay ang taray ng friend ko. Meron ka ba ngayon girl? Tsaka bakit mo pala siya kasama kung di naman kayo close?” nagtataka nang tanong nito.
“Dun kasi siya sa bahay natulog kagabi…” bigla niyang narealize ang sinabi kaya agad niyang nilinaw iyon sa kaibigan.
“I mean, nalasing sila ni kuya kagabi kaya sa bahay na siya pinatulog ni Mom. Tapos may hangover parin si kuya at si Mom naman may lakad so siya nalang ang nag insist na sumama sakin.” Ewan ba niya pero binigyang diin niya ang word na insist.
Tumango-tango naman ang kaibigan niya.
“Baka may gusto siya sa’yo?” takang tanong nito na ikinahagalpak niya ng tawa.
“Are you crazy? Eh ni hindi nga ako kinakausap niyan eh.” Iiling-iling na sabi niya sa kaibigan. Tawang tawa parin siya sa sinabi nito.
“Malay mo…. Pero pag hindi ka niya type at dahil di mo rin naman siya type, ay baka ako ang matype-an niya.” Tumawa pa ang kaibigan na halatang kinikilig sa naisip.
Muli nanamang napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito. Bigla siyang napatingin sa gawi ni Chris na nakatingin pala sa kanila.
Nakita niya itong nakangiti kay Crystal kanina. At nakita niya itong muling ngumiti. Dahil ba sa kaibigan niya?
Sa naisip ay nainis nanaman siyang bigla at mabilis nalang na naghanap ng bibilhin.
Agad ring humabol sa kanya ang kaibigan at basta nalang dumampot ng gaya sa napili niya.
“Sige Crystal see you nalang sa school.” Pinilit niyang ngumiti sa kaibigan pagkasabi niyon na parang di naman nito napansin dahil kay Chris pala nakatingin.
“ok Mitch. Bye!” Malawak pa ang pagkakangiti nito ngunit hindi naman sa kanya nakatutok ang tingin.
Agad na kinuha ni Chris ang pinamili niya sa kamay niya at bahagyang nahawakan ang kamay niya. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka kinilig pa siya sa simpleng pagkakadikit ng mga kamay nilang iyon. But not now. Naiinis siya.
“Ako na ang magdadala para di ka mahirapan.”
“ok.” Sagot nalang niya at agad iniabot rito ang mga pinamili. Nauna na rin siyang pumasok sa kotse nito.
“May problema ba?” hindi nakatiis na tanong ni Chris sa kanya habang nagmamaneho ito. Hindi na kasi maipinta ang mukha niya. Gustuhin man niyang piliting irelax ang sarili ay kumukunot parin ang noo niya.
“Wala.” Maikling sagot niya.
“Come on. Tell me at baka makatulong ako.” Tila nag-aalalang sabi ng binata.
“May gusto ka ba kay Crystal?” diretsong tanong niya rito na ikinabigla nito at naipreno pa ang kotse ng wala sa oras. Buti nalang at walang nakasunod sa kanila kundi ay baka makaaksidente pa sila.
“What?! Yong kaibigan mo ba? Bakit mo naman naisip itanong yan?” gulat na tanong nito bago muling pinaandar ang sasakyan.
“So, gusto mo siya o hindi?” pangungulit pa niya na sa harap lang nakatingin.
“What kind of question is that? Ni hindi ko nga siya kilala. Di ako interesado sa kanya ok? You don’t have to worry..about her. Di ko siya type.”
Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag.
“Ok…” nasabi nalang niya.
“Siya ba yong sinabi mo kaninang classmate mo sa sasabayan mo sana?” biglang tanong nito sa kanya.
“Oo, siya nga. Bakit?” nagtatakang tanong niya.
“Wala naman….” Sagot nito.
Wala na silang imikan habang nasa biyahe at di rin nila napansin ang tila magaan nang itsura ng bawat isa.
Saglit pa ay nakarating na sila sa school na pinapasukan niya.
“Thank you Chris, sa pagsama at sa paghatid. At pasensya na rin sa abala.” Wika niya sa binata na nakangiti pagbaba niya bago isara ang pinto ng kotse.
“Walang anuman.” Anitong ngumiti rin ng tipid sa kanya. Akmang isasara na niya ang pinto nang bigla ito ulit magsalita.
“Pinakamaganda ka parin pag nakangiti ka Mitch.” Walang anumang sabi nito ngunit labis labis ang epekto sa kanya.
‘What does he mean?’
Napansin niya na lang na nakaalis na ito.
Habang naglalakad siya ay napapaisip siya sa sinabi nito. Ano ba ang trip ng lalaking yon at basta nalang siya pinuri ng ganon? Pinagtitripan ba siya nito?
Pero sa loob loob niya ay kinikilig siya. Ibig sabihin pala ay nagagandahan din ito sa kanya. Lalo pa siyang napangiti nang maalala ang sinabi nito na hindi nito type ang kaibigan niyang si Crystal.
Gumanda nanaman bigla ang mood niya.