Chapter 2 – Over-Protective Kuya

1299 Words
“Mitch, nabanggit sa akin ni Chris na may kasama kang lalaki sa labas ng gate kahapon.” Seryosong saad ng kuya niya habang kumakain sila ng umagang iyon. Sabado iyon kaya hindi ito maagang umalis. Maging siya ay mamayang tanghali pa ang pasok. “Pati ba naman yon sinabi sayo..wala kuya, school mate ko lang yon.” “Talaga ba?” Tinitigan pa siya nito nang tanungin. Di naman siya nakatiis kaya nagsabi na rin siya rito. “Eh gusto raw manligaw kuya.” Patuloy lang siyang kumain habang sinasabi iyon. “And…?” naghihintay pa ito sa sunod na sasabihin niya na nakatitig parin sa kanya. “And what kuya?” nagtatakang tanong niya. “What did you say?” muli na itong sumubo ng pagkain. “Eh hindi ko naman na siya nasagot kasi bigla nang dumating si Chris.” Kibit-balikat na sabi niya rito. “And what did you plan to tell him? Let me just remind you Mitch na college ka pa lang. Hanggat maaari iwasan mo muna iyang mga lalaking iyan.” “Siyempre naman kuya…tatapusin ko muna ang pag-aaral bago ako mag-boyfriend.” Ngumiti siya ng matamis rito at kumindat pa. “Hindi rin porket tapos ka nang mag-aral ay pwede ka na agad magboyfriend—” “Opo na po. Mom si kuya oh gusto yata akong tumandang dalaga.” Kunway nagtatampong sumbong niya sa Mommy nila at ngumuso pa siya habang ito’y nangingiti lang sa pag-uusap nila ng kuya niya. “Baka kasi magtampo ang kuya mo pag maunahan mo pa siyang magkaron ng sariling pamilya.” Pagbibiro pa ng mommy nila. “Mom-“ “Ok, nagbibiro lang ako.” Putol nito sa sasabihin ng kuya niya. “Masyado ka kasing seryoso Rafael. Aba’y di mo maiiwasan na maraming magkagusto dito sa kapatid mong maganda.” Muling sabi ng Mommy nila kaya muli siyang napangiti. Kahit maagang nabiyuda ang mommy nila ay naging masayahin parin ito. “Basta Mitch ayaw kong mababalitaan na may mga umaaligid na kung sinu-sinong lalaki sayo.” “Oo na kuya wag kang mag-alala.” This time ay ngumiti siya rito nang may assurance. “Ok.” Ngumiti na rin ito sa kanya. “Thanks for coming brad.” Tinapik ni Chris sa balikat ang kaibigang si Rafael nang madatnan ito ng una na umiinom sa bar na iyon. “What happened?” Tanong niya kay Rafael nang maupo siya at sumimsim ng alak. “Alexa and I broke up.” Mapait na saad ng kaibigan na muling uminom. “Again? Why?” nagtatakang tanong niya. Nagkibit-balikat muna si Rafael bago tumugon. “Maybe it’s for real this time. Wala na raw akong time sa kanya. Masyado raw akong busy sa ibang bagay. She wanted to meet my family….and get married soon.” “But I’m not yet ready pare. Alam mo namang sina Mitch parin ang priority ko at ang kumpanya…walang ibang mag-aasikaso non kundi ako.” Patuloy nito at muling uminom ng alak. “Don’t you think it’s about time to think of yourself? Don’t get me wrong pare pero diba nasa kompanya naman ang tito mo? Why don’t you let him handle the company? Si Tita ok naman…and Mitch…dalaga na rin siya pare for sure mayroon na rin siyang sariling kagustuhan.” Aniya sa malumanay na tono. “I don’t know pare but I can’t trust Tito Jhun. I know matagal na siya sa kompanya at naging katuwang siya ni dad na lalong palaguin ang kompanya. But..I don’t know…” Tinapik-tapik niya lang ito para sabihing nauunawaan niya ang nararamdaman nito. “Dalaga na nga si Mitch pare. Matagal ko na yong alam dahil dati pa marami nang gustong manligaw sa kanya. Especially now. That’s why I should protect her more. That guy na sinabi mong kasama niya nung sinundo mo siya, that was an engineering student and wanted to court her. Tsssskkk.” “So..gusto rin daw ba siya ni Mitch?” uminom siya ng alak pagkatanong niyon. “I don’t know. But she told me na magtatapos muna siya ng pag-aaral bago mag boyfriend.” “I see.” Aniya at muling uminom. “Sa tingin mo ba pare masyado akong mahigpit sa kanya?” Seryosong tanong nito. Napaisip naman siya bago sumagot. “I think natural lang na protektahan mo siya dahil…bata pa siya at…maganda. Di maiiwasan na may mga luko-luko.” Aniya pagkatapos ay muling uminom ng alak. “Thanks bro. For understanding me.” Wika nito na tinanguan lang niya. “So, what’s your plan now? Makikipagbalikan ka pa ba kay Alexa?” “I don’t know. I’m hesitant. Kasi kung pipilitin niya ako na magpakasal na kami ay hindi ko rin siya mapagbibigyan. It’s too soon para magpakasal. I guess it’s better to go on separate ways.” “Are you sure pare?” tanong niya rito. “I should be. Marami pa naman akong makikilalang ibang babae. Maybe I’ll just need some time to move on. I loved her sa loob ng lampas isang taon naming relasyon. But I guess we’re not meant for each other if she can’t wait until I’m ready.” Malungkot na saad ni Rafael. Muli niyang tinapik tapik ang balikat nito. “Oh my! What happened hijo, bakit naglasing si Raf?” tanong ni Doña Lorena nang pagbaba sa sala ng gabing iyon ay makitang inaalalayan ni Chris ang susuray-suray na anak sa paglakad. “Nagkayayaan lang po kaming uminom tita.” Alam niyang hindi nagkukwento ang kaibigang si Rafael sa pamilya nito tungkol sa relasyon nito kaya hindi na niya sinabi ang totoong dahilan. “Ganoon ba? Naku namang bata ka. Baka inubos mo na ang alak doon, takot ka bang maubusan?” Baling nito sa anak kaya napangiti nalang siya. “Sige po Tita ihatid ko nalang po siya sa kwarto niya sa taas.” “Sige hijo. Salamat at nandiyan ka. Ikaw lang ang malapit na kaibigan nitong si Rafael.” “Walang anuman po tita.” Nang maihiga na niya si Rafael sa higaan nito ay agad na rin siyang nagpaalam at bumaba. Hinabol naman siya ng ginang. “Dito ka na lang matulog hijo at malalim na rin ang gabi at nakainom ka rin.” “Ok lang po ako tita kaya ko naman pong magdrive. Tsaka hindi naman po ganun kalayo ang tinutuluyan ko.“ “Wag ka nang magpumilit pa hijo at hindi rin ako mapapanatag na hayaan kang magdrive ng nakainom.” “Nakakahiya po—” “Aba at ikaw pa ang mahihiya eh ikaw nga ang madalas maabala ng mga anak ko. Hala ipapaayos ko lang saglit ang kwarto, umupo ka muna riyan saglit at tatawagin nalang kita. Yon na ang kwarto mo pag matutulog ka dito ha. Teka, nagugutom ka ba hijo, gusto mo bang kumain muna o kaya ay magkape? Kung gusto mo ay sa kusina ka na maghintay. Magtimpla ka nalang ng kape o kung anuman ang gusto mo.” mahabang sabi nito pagkatapos ay tinawag ang dalawang katulong para papalitan ng bedsheet at punda ng tutulugan niya. “S-sige po…kung yon po ang gusto niyo eh dito nalang muna ako makikitulog. Punta lang po ako sa kusina saglit.” Nahihiya man ay ayaw na niyang magpumilit pa sa ginang dahil alam niyang hindi rin ito papayag na umuwi siyang nakainom gaya nung isang beses na nag inuman rin sila ni Rafael nung unang beses na maghiwalay ito at ang kasintahan nito. “Sige hijo feel at home ha. Aakyat lang ako saglit. Wag kang aalis. Ipapatawag nalang kita.” “opo Tita..salamat po.” Umakyat na nga ito sa taas at siya naman ay pumunta na sa kusina. Sa dinami-raming beses na niyang pumunta doon ay kabisado na niya ang pasikut-sikot sa bahay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD