Chapter 2 - Leen

1560 Words
"Sorry, Beng!" Napakagat-labi si Ellen nang panlisikan ko siya ng mata. Pagkatapos kong ipabantay si Yen-yen sa kapatid ni Ellen ay dumiretso kaagad ako sa bahay para kumuha ng ilang mga damit. At para na rin kausapin siya sa mga ginawa niya. Wala akong masabi. Gusto kong magbitiw ng salita dahil sa galit pero narito na 'to. Ano pa bang magagawa ko? Napabuntong-hininga ako. "Ayoko. Hindi ko 'yun tatanggapin, Beng," pinal na sabi ko sabay iling. "Beng! Naka-oo na ang tao. Hindi na tayo pwedeng umatras, okay? Ayaw mo bang kumita, ha? Para naman 'to kay Yen-yen." Lumapit sa akin si Ellen at nagkandahaba ang nguso. "Sige na, Beng, please? Hindi ka naman magtatagal doon. Kapag nakuha mo na ang sapat na sweldo na kailangan mo para sa pagsasalin ng dugo ni Yen-yen, pwede ka nang maghanap ulit ng panibago. Pero sa ngayon, 'wag mo itong sayangin, okay? Hindi basta-basta ang magiging amo mo! Ang alam ko ay kasama siya sa mga alta-sociadad sa Victoria. Kaya please gawin mo na, ha?" "Bakit ba kasi pinangungunahan mo ako, Ellen? Ilang beses ko nang sinabi sayo, 'di ba? Ayoko nang bumalik sa Victoria! Sa tuwing mababanggit lang ang pangalan ng lugar na 'yun ay kinikilabutan na ako. Kaya hindi na bale. Hindi ako papayag sa ganito," mariin kong sabi. "Ahh..." Si Ellen naman ngayon ang hindi mapakali. Parang sinilihan ang puwit kung siya ay magparoo't parito habang kagat-kagat ang kanyang hinlalaki. "Aha!" Biglang lumiwanag ang kanyang mukha at walang sabi-sabing hinila ako at dinala sa tapat ng salamin. "Anong ginagawa natin sa harap ng salamin?" "Beng, alam ko ang nasa isip mo, e. Kahit anong deny mo sa akin, hindi mo maikakaila na may mas malalim ka pang rason kung bakit ayaw mong bumalik ng Victoria. At alam ko na ang paraan para makapagtrabaho ka roon nang walang problema," nangingiting sabi niya. Napakunot naman ang aking noo sa kanya. "At ano naman ang naiisip mo, aber? Kung ano man 'yan, hindi ako interesado. Tigilan na natin 'to!" Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang bigla niya akong hilahin at pinaupong muli. "Pwede bang pumirmi ka na lang d'yan at hayaan ako?" mabini niyang tanong na may halong pagbabanta. Alam kong ako ang dapat na galit ngayon, pero sa tuwing makikita ko ang seryosong mukha ni Ellen ay talagang tumitiklop ako. Hinayaan ko na lang ang kaibigan ko na gawin ang gusto niya. Inayusan niya ako. Wala akong masyadong pakialam sa ginagawa niya kaya hindi ako masyadong nagtaka kung anong magiging resulta. Pero nagkamali ako para hayaan pa siya sa kanyang binabalak. Napasinghap ako nang mabungaran ang hitsura ko sa salamin. "B-Beng! Anong ginawa mo sa hitsura ko?!" nahihintakutan na tanong ko. Napahawak ako sa aking pisngi at napasinghap. "Beng naman!" "'Yan lang ang naiisip kong tanging paraan, Beng. Tingnan mo naman ang hitsura mo, oh! May anak ka nga pero nuknukan ka ng ganda! Kung 'di lang makikita ng ibang lalaki na dala-dala mo si Yen-yen ay siguradong pinuputakte ka pa rin hanggang ngayon ng mga manliligaw! At isa pa, kailan ka pa nawalan ng manliligaw ha? Kahit nga sabihin kong may asawa ka na ay hindi pa rin sumusuko ang iba sa'yo! Gusto mo pa bang banggitin ko pa isa-isa sino-sino sila, ha?!" mahaba niyang litanya. "Ah, tumigil ka na nga!" pagputol ko sa kanya at napabuntong-hininga. Napasimangot ako sa aking repleksyon sa salamin. Ginawa lang naman akong katawa-tawa ng best friend ko! Pinakapal ni Ellen ang kilay ko na halos magdugtong na sa gitna. At ang ilong at pisngi ko ay nilagyan niya ng maraming freckles. At ang pinaka masaklap sa lahat ay nilagyan niya ang ilong ko ng prosthetics para magmukhang malaki at pango! Hindi ko naman maikakaila na sadyang matangos ang ilong ko. May pagkasingkit ako at matangos ang ilong na parang koreana. Pero dahil sa ginawa ni Ellen ay nagmukha akong si Bakekang! Isang babaeng porselana ang kutis pero kamukha ni Bakekang! "Bakit? Perfect naman ang naisip ko, 'di ba? Wala nang makakakilala sa'yo. Gamitin mo ang palayaw mo kung gusto mo. Walang makakamukha sa'yo sa hitsura mong 'yan!" sabay tawa niya pagkasabi niyon. "Bakit ba kasi ganito pa naisip mo?!" "E, ano pala gusto mong gawin ko? Ito lang naman ang nakikita kong paraan para makapasok ka nang matiwasay sa Victoria. Dahil hanggang ngayon ay natatakot ka pa ring makita siya! "Ano ba kasing problema kung magtrabaho ka sa Victoria? Hindi naman ang buong city ang gumawa niyan sa buhay mo, 'di ba? At isa pa, sure ka pa bang maaalala ka niya? Malamang ay hindi na! At sure naman akong hindi niya alam ang tungkol sa anak ninyo, 'di ba? So, bakit ka matatakot?" "N'yo?" pag-uulit ko pa na may halong pagkainis. "Correction: ko ang tamang salita, Beng. Anak ko lang. Kaya pwede ba? 'Wag mo na siyang ipaalala sa akin! Mas lalo lang akong naiinis. Wala siyang naiambag sa akin kundi masasakit na alaala lang." "Kahit balik-baliktarin mo pa ang mundo, Beng. Ama pa rin siya ng anak mo. Hindi mo mabubuo si Yen-yen kung hindi dahil sa sperm cell niya!" Napatahimik na lang ako. Tama naman si Ellen. Hindi ko mabubuo si Yen-yen kung hindi dahil sa lalaking iyon. Pero asa naman siyang aaminin ko iyon! Akin lang ang anak ko. Wala siyang karapatan sa buhay namin. At ganoon pa rin ang nararamdaman ko hanggang ngayon! "So, ano? Okay ka na ba sa plano ko? Darating ang magiging amo mo bukas dito. Siya mismo ang susundo sa iyo. Iyon ang sabi ni Gellie. Huwag kang mag-alala. Makakagalaw ka nang maayos doon dahil iba ang hitsura mo. So, kahit magkita man kayo ng mga pamilyar na mga mukha roon ay hindi ka nila makikilala, okay?" pagpapaalala ni Ellen sa akin. "Anong pangalan ang gagamitin mo?" "Lena," sagot ko naman. "Lena ang gagamitin ko." Napangiti naman siya dahil doon. "Inaasahan ko nang 'yan ang gagamitin mo!" Napatawa siya. Noong gabi ring iyon ay nag-empake na ako ng mga gamit. Sumaglit ako sa ospital at binantayan si Yen-yen nang ilang oras. Gusto kong makasama ang anak ko dahil hindi ko alam kung magkakaroon ako ng panahon para lagi siyang makita oras na magtrabaho na ako sa Victoria. Hinaplos ko ang kanyang mukha habang siya ay natutulog. Napangiti ako at pinipigilan ang sarili na maiyak. "Anak... magiging abala si Mama pansamantalaha, ha? Tatandaan mong para sa iyo itong ginagawa ko. Kailangan mong gumaling. Dahil hindi kakayanin ni Mama kung pati ikaw ay mawawala. Kaya kumapit ka, anak ha? Mahal na mahal kita. Sobra. Higit pa sa buhay ko, anak..." Matapos niyon ay kaagad na akong nagpaalam at dumiretso sa bahay. Hindi na ako halos nakatulog dahil hindi na ako dalawin ng antok. Pagsapit ng umaga ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa upuan. Naalimpungatan ako nang makarinig ng kahol ng aso mula sa labas. Pahiwatig na may bagong dayo na dumating. "Are you sure this is the right place, Mom?" narinig kong boses mula sa labas. "Damn it! Why do I need to be the one to do this?" Katahimikan. Pagkatapos ay narinig ko itong bumuntong-hininga. "Alright. I get it. You're doing your nails and you can't cancel this. Alright." Maya-maya ay may kumatok sa aming pinto. Hindi na ako nakatiis at lumabas na ako at pinagbuksan ang taong kadarating lamang. "Tao po! Hello? Anyone here? Is this the house of Mrs. Lena Palerm—" Hindi na natapos ng bagong dating ang kanyang sinasabi nang bigla kong iharang ang pinto at kaagad kong itinago ang aking mukha. Nang maproseso ko ang lahat, saka ko lang napagtanto na nakasuot na nga pala ako ng prosthetics sa ilong at ang kilay ko ay handa nang makipagdigma. Pero hindi iyon ang mas nakakagulat sa lahat. Muli kong iniangat ang aking mukha upang kumpirmahin kung sino ang nasa labas. Shit! Mapapata.y ko talaga nang wala sa oras si Ellen! "Excuse me? Are you Lena? The maid? Hello?" bigla ay untag nito. Napakagat-labi ako. Bakit sa lahat pa ng magiging ako ko ay siya pa?! "Hello?" Unti-unti kong inilabas ang aking mukha at kiming ngumiti. "Hehe. A-ako nga po, S-sir." "Good. I'm here to fetch you. Take your things and let's go. I'm gonna be late." Walang lingon-lingon na lumayo ito patungo sa isang itim na sasakyan. Patungo na sana ito sa pagsakay nang biglang mapatigil at bumalik ng tingin sa akin. "Oh, how rude of me. By the way, I'm Earl Fortaleza. You're the maid my mom wants to fetch, 'di ba?" pagpapakilala niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang mapatango. Ngunit sa likuran ko ay mahigpit ko nang binilog ang aking kamao. Dahil hindi ko maintindihan ang tadhana. Anim na taon na ang nakalilipas noong huli kong masilayan ang mukhang ito. At hindi ko maintindihan kung bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin. He is still stricking and sexy. Hindi ko maikakaila. Mas lalo siyang gumwapo. Mas lalo siyang naging sopistikado. Mas lalong nakadagdag ng s*x appeal niya ang kanyang edad. At tulad noong unang araw na nakadaupang-palad ko siya, hindi ko pa rin maiwasang mawalan ng hininga sa sobrang pagkagulat sa kanyang presensya. The man that I wished I never met before. The man that I badly wanted to escape from... is the man that still holds my heart. The father of my daughter. Earl Raven Fortaleza, the beast of Victoria City.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD