Chapter 5 - Leen

1722 Words
"How dare you even show your face here?!" sigaw ng matanda kay Rave. Pamilyar sa akin ang mukha niya. Alam ko ay nakita ko na siya dati. Nang maalala ko ang nakaraan ay saka ko lang napagtanto kung sino ang matandang lalaking ito. Siya si Don Roberto Fortaleza. Ang utak ng ForTech Inc. Siya ang ama ni Rave. "I live here, Dad. Please, nag-aagahan tayo. Don't make the mood sour by picking up a fight. Please..." mahinang pakiusap ng lalaki sa ama. Akma itong babalik sa hapag nang pumuporma na naman si Don Roberto sa pagsuntok sa mukha ng anak nito. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nagblangko ang isipan ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harapan ng matanda habang ang mukha nito at ang iba pang kasama namin sa loob ay nagulantang sa nangyari. "Oh, my God!" "Dugo!" "You're bleeding, yaya! OMG!" Napahawak ako sa gilid ng ulo ko at may nakapang basa doon. Pagkatingin ko ay may dugo na sa aking kamay. Pero wala akong maramdamang sakit. Malamang ay dahil ito sa adrenaline ko. Wala na akong maintindihan sa paligid ko dahil nagkagulo na ang mga kasamahan kong katulong lalo na ang nag-aalalang mukha ni Manang Maribel. Ang matanda namang puno ng tahanan ay napatahimik na lang at minabuting bumalik sa hapag. Iginiya ako ni Manang Maribel palabas ng dining hall. Ngunit bago pa man ako makaalis ay hindi nakatakas sa akin ang matalas na tingin ni Rave sa aking direksyon. Siya ang mas naunang umalis sa lugar na iyon. Saka ko lang naramdaman ang sakit sa may uluhan ko. Napangiwi tuloy ako. Lubos akong naguluhan sa mga nangyari. Bakit ganoon na lamang ang tagpong nadatnan ko? Ang alam ko ay sa tatlong magkakapatid na Fortaleza na sila Earl Raven, Ernest Ruther, at Erwan Roswald ay si Rave ang pinakapaborito ng matandang Fortaleza mula pa noon. Bilang panganay sa magkakapatid ay siya rin ang hinirang na magmamana sa pinakamalaking porsyon ng ari-arian ni Don Roberto, at isa na roon ay ang ForTech Inc. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tila galit na galit na ang matanda sa kanya. Ano bang nangyari sa nakalipas na anim na taon na tila nagkaroon na ng malaking lamat ang relasyon ng mag-ama? "Ahh!" Napadaing ako nang ipahid ni Manang Maribel ang malambot na tela sa uluhan ko. "Ayan kasi! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan mo kanina, anak. Pero delikado iyong ginawa mo! Paano kung napuruhan ka pala ni Don Roberto? Anak naman, hindi kasali sa trabaho mo ang gawing pananggalang ang katawan mo sa silakbot ni Sir Roberto sa kanyang anak. Huwag na huwag mo nang gagawin iyon, ha?" nag-aalalang sermon sa akin ni Manang. "Manang, pasensya na kayo. Hindi ko alam kung paano ako napunta doon kanina. Siguro ay ayaw ko lang na nakakakita ng nasasaktan. Pasensya na po..." paghingi ko ng paumanhin. "Oh, siya! Maghanda ka na at dadalhin kita sa ospital. Iyon ang mahigpit na ipinagbilin sa akin ni Mrs. Reyna." "Manang, pwede po ba akong magtanong?" "Ano ba iyon?" "Manang, bakit po galit na galit si Sir Roberto sa anak niya? Curious lang po ako. Kasi mukhang masayang pamilya naman sila..." "Alam mo, anak. Totoong dating masayang pamilya sila ni Sir. Pero marami nang nangyari kaya nagkapatong-patong na ang sama ng loob nila sa isa't isa. Dahil na lang kay Mrs. Reyna kung bakit napipilit pang mapauwi si Sir Earl dito sa mansyon." "P-po? Hindi po pala rito umuuwi si Rave? A-ang ibig kong sabihin, si Sir Earl?" "Oo, anak," pagkumpirma niya. "Halika na muna, anak. Punta muna tayo sa ospital at baka mapaano ka pa!" Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Malapit lang ang ospital. Nasa 15 minutes lang ang hinintay namin bago kami nakarating sa Victorian Heights Hospital. Ito ang opisyal at prestihiyosong ospital sa loob ng Victoria City. Nalula ako sa laki kaya noong pumasok kami sa emergency room ay nakatingala lang ako. Pagkatapos akong lapatan ng paunang lunas ay nilapitan na ako ni Manang Maribel. "Manang, ang mahal po pala rito. Sana pala sa mansyon na lang ako nag-first aid," napalabi kong turan. "Ay, anak. Hindi papayag si Mrs. Reyna! Mahigpit niyang ipinagbilin sa lahat na kung may sasama ang pakiramdam o maaaksidente ay kaagad na dadalhin sa ospital. Iyon ang patakaran sa mansyon," sabi naman ni Manang. "Hmm... ang bait naman po niya, Manang." "Siyang tunay, anak. Likas na mabait si Mrs. Reyna. Kaya hindi matitiis ng tatlo iyon, lalo na ni Sir Roberto. Kaya, anak. Sana ay huwag nang mangyari ang nangyari kanina. Dahil naaawa na rin ako kay Sir Earl. Anim na taon din niyang tiniis ang galit ng kanyang ama. Ni isang beses ay hindi ko nakitang lumaban ang batang iyon sa kanyang ama. Sadyang mabait na bata iyon, ngunit may mga bagay silang hindi mapagkasunduan na dalawa," mahabang paliwanag ni Manang. "Ano po bang pinaka puno't dulo ng away nila, Manang?" "Hindi ko masyadong alam ang tungkol d'yan, anak, e. Basta isang araw ay sinugod na lang ni Sir Roberto si Sir Earl at pinagsusuntok noong araw na iyon. Lasing na lasing kasi si Sir Earl. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan, pero noong mga panahon na iyon ay nakita ko kung gaano nasaktan si Sir Earl. Doon ko lang nakita na umiyak ang batang iyon..." Napanganga ako sa sinabi ni Manang. Hindi ko akalain na ganoon ang naging history nina Rave at ni Don Roberto. Ano bang nangyari six years ago pagkatapos kong lisanin ang Victoria City? "Hay nako! Napadaldal na naman ako sa'yo, anak! Oh, siya. Tara na at tayo'y uuwi. Marami pa tayong lilinisin sa kusina." Hindi na lamang ako nagtanong muli at sumunod na lamang kay Manang. Nakauwi kami nang matiwasay. Ang mga kasamahan naming katulong ay tahimik lamang sa kanilang mga trabaho. May mga laman ang kanilang mga tinginan. Ako naman ay minabuti na lang na gawin ang mga natitira kong gawain bago tinulungan si Manang Maribel sa kusina. "Manang, get me some wine in the office, please..." Bigla kong napatalon nang bahagya nang marining ang tinig ni Rave mula sa aking likuran. Tila natuod ako sa aking kinatatayuan. Nakikita ko pa ang repleksyon niya mula sa tiles ng lababo. Hindi pa siya umaalis. Halata na nakatingin siya sa aking direksyon. "And you..." Napapihit ako paharap sa kanya. "P-po?" "Inside my office. Now!" maawtoridad niyang utos saka mabilis na nilisan ang kusina. Napakagat-labi ako. Makahulugan akong tiningnan ni Manang. Ibinigay na lang niya ang wine ni Rave sa akin at ako ang nagdala papunta sa opisina ng lalaki. Pagkarating sa opisina ay tahimik kong inilapag ang tray na may lamang bottle of wine at wineglass. Nakita ko na nakaupo siya sa harap ng kanyang office desk at may kaharap na laptop. "Umm... Sir, nandito na po ang wine ninyo," pagbibigay alam ko sa kanya. "May sasabihin po ba kayo sa akin?" "I see that you're taken to receive first aid. Alam mo na ang gagawin mo. Pack your things and ask for your p*****t kay Manang," matigas niyang deklara nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Doon pa lang ako tinakasan ng kulay ko. "P-po?" "I don't want to repeat myself, Miss Palermo. Masyado nang nakakapagod ang araw na ito. Huwag ka nang dumagdag pa. Umalis ka na lang," pantataboy pa nito. "S-Sir... Ano po bang nagawa kong mali? Ginawa ko naman po ang trabaho ko, 'di ba? Wala naman po yata akong nakaligtaan? Sinunod ko naman po lahat ng ipinagbilin sa akin na gagawin ko. So, ano pong dahilan kung bakit bigla n'yo na lang akong tatanggalin, Sir?" himutok ko. Napuno ang dibdib ko ng hangin. Galit ako na nadidismaya. Alam ko namang ganito ang kahihinatnan ko pero masakit pa rin na malaman na isang araw lang pala ang itatagal ko sa mansyon na ito. Napabuntong-hininga si Rave at saka ako tiningnan nang walang kagana-gana. "Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa'yo? I don't like you here. That's it. Hindi kailangan ng mabigat na dahilan para paalisin ka rito. Kaya makakaalis ka na..." Napatawa ako. "Ahh... Baka dahil 'to sa mukha ko, Sir? Gusto n'yo po ba ng magandang yaya? Akala ko po ba naghahanap kayo ng yaya na hindi magkakagusto sa'yo? Tamang tama, Sir! Ako ang perfect na yaya para sa'yo. Dahil kahit kailan ay hinding hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo!" puno ng hinanakit na sigaw ko sa kanya. Nangingilid na rin ang luha ko sa mga mata dahil sa galit. Hindi na talaga ako makapagtimpi. Sumusobra na ang lalaking ito. Una ay ang dami niyang arte sa library tapos pakikialaman pa ang ayos ng kilay ko. Tapos ngayon ay basta-basta na lang ako tatanggalin sa trabaho! "W-what did you say?!" Napatayo na siya at mabilis na tinawid ang aming pagitan at pinagkakatitigan ako nang masama. Napatingala tuloy ako sa sobrang tangkad niya. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang pabango. Shut up, Leen! Mag-focus ka! "Bakit, sir? 'Di mo ba matanggap na 'di kita gusto? Sir, pangit lang ako. Pero 'di ako marupok! Kaya pwede ka nang mag-relax dahil kahit lait-laitin mo pa ako o tingnan nang may pandidiri, hindi ako manliliit. At kahit pa maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding hindi ako magkakagusto sa'yo!" Napatiim-bagang si Rave. Naging mansanas ang kulay ng puno ng kanyang dalawang tenga. Halata ang kanyang galit. "Nakakalalaki ka na, ah!" "Oh, bakit, sir? Napipikon ka na ba agad? Akala ko ba ang hanap mo ay 'yung hindi pwedeng magkagusto sa'yo? Tapos ngayon tatanggalin mo ako?" "Hindi kita pinapatanggal para sa ganoong dahilan. That's not what I meant!" "E, kung hindi pala, e ano, sir? Bakit kailangan mo akong tanggalin? Bigyan mo ako ng magandang dahilan!" tanong ko sa kanya. "Ahh... baka kaya gusto mo akong tanggalin ay dahil sa nangyari kanina. Bakit, sir? Kapag po ba napatay kayo, may magsusweldo pa ba sa akin? Kapag po ba na-injure ka at nabaldado, masuswelduhan mo pa ba ako? E, sa'yo ako nakatoka! Natural lang na ikaw ang priority ko, Sir. E, bakit ipapatanggal mo ako?" "Because you're too nosy! Ayaw ko ng pakialamera. You get it? So, get the f**k out of my face! Now!" malakas niyang sigaw. Napaawang ang labi ko dahil sa huli niyang sinabi. "I don't want to see you inside this place. Ever."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD