Selena's POV "Nakita mo ba yung panyo ko?" Tanong ko kay Nami nang makapasok na kami sa loob ng silid. Nang tignan ko ang kaibigan kong nakaharap sa akin, nahuli ko siyang nakatitig sa benda na nasa noo ko. I snapped my fingers in front of me to bring her back in reality. "P-Pasensya na, ano nga ulit yung tanong mo?" Napairap ako ng isang beses bago inulit sa kanya ang tanong ko. Umiling si Nami bilang pagtugon na ikinabagsak ng aking balikat. Hinalungkat ko muli ang loob ng aking bag dahil hindi ako papayag na mawala 'yon. Bigay sa'kin 'yon ng nanay ko nong huling kaarawan ko bago ako lumuwas ng Pilipinas para magtrabaho sa abroad. I have a surrogate mother and her name is Seniza. Bago ko pa malaman ang buong pagkatao ko ay siya lang ang tinuturi kong nag-iisan kong ina, kaya mahalag