Selena's POV Pabalik-balik ang aking lakad dito sa labas ng greenhouse sa Wilksven. Dito ako dumiretso pagkatapos kong magpunta sa opisina ni Dominique dahil walang ibang estudyanteng pumupunta rito. Hindi ko na inabala pang puntahan ulit si Nami sa library dahil gusto kong mapag-isa muna ngayon. Kagat-kagat ko ang aking kuko habang inaalala ang naganap kanina sa loob ng opisina niya. Nakatulala lang ako sa kanya habang nakahalukipkip ito sa aking harapan. Ilang beses akong napakurap at hindi maiwasang mapanganga matapos niyang sabihin ang kanyang sinabi. "A-Anong sabi mo?" I asked with a hint of confusion in my voice. Tama ba ang narinig ko mula sa kanya? "I know you heard me, Selena," aniya atsaka ngumisi sa akin. "Wala na bang ibang paraan?" "I thought you're willing to do anyt