Selena's POV Dominique pulled over outside our house. Kaagad kong tinanggal ang aking seatbelt atsaka kinuha ang aking bag sa likod. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita buong biyahe. Hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang kalimutan ang mga salitang sinabi niya sa akin kanina. The sudden burst of his emotions, the make out, and other incidents after it. "Salamat ulit sa paghatid," sabi ko sa kanya ng hindi man lang ito nililingon. I was about to open the car door when he took my wrist causing me to look at it before turning my gaze at him. "I'm sorry for bothering your thoughts," wika niya na ikinatigil ko. How did he know about that thing? "I'm sorry for telling some nonsense ideas." Napakurap ako sa sunod niyang sinabi. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang tignan niya ako ng