Selena's POV "Ayos ka lang ba, Selena?" Rinig kong tanong sa akin ni Nami dahilan upang mapalingon ako sa kanyang direksyon. "O-Oo naman." Tipid kong sagot sa kanya. Nasa loob kami ng isang salon ngayon dahil bigla akong isinama ni Nami sa lakad niya. Gusto niyang magpaganda dahil dadalhin daw siya ni Wyette sa kanila kinabukasan para sa isang family dinner. Pormal na ipapakilala ni Wyette si Nami sa buong angkan niya kaya puspusan sa paghahanda at pagpapaganda ang kaibigan ko ngayon dito. "Aray!" Daing ko nang may masagi si ateng nagpepedicure sa akin. "P-Pasensya na po ma'am, kailan ho ba kayo huling nagpapedicure? Ang kapal na po kasi ng patay na balat ninyo sa kuko." Mahina niyang wika sa akin na ikinanganga ko. "Hindi ko na maalala," saad ko sabay iwas ng tingin. Tanging pagta