BIGLA kong nahilot ang aking noo. Labis talaga akong na-stress sa sinabi ng Delgado na ‘yun sa akin. Na baliw na yata ng tuluyan. Ngunit bigla akong nagmulat ng mga mata nang marinig kong biglang tumugon ng mahina ang nakalagay na tracking device na nasa aking tainga. Agad ko itong binuksan upang kausap si boss Zach. Agad kong narinig ang boses ng boss ko. Bigla rin akong natuwa. Dahil namiss kong humawak ng kaso. “Agent Kricel, handa ka na ba para muling humawak ng misyon mo?” tanong ka agad ni boss Zach sa akin. “Handa na boss. Dahil nalaman ko na ang X – OBALONG SYNDICATE ang pumatay sa mga magulang ko. Pasensya ka na boss kung naging padalos-dalos ang desisyon ko sa aking pag-alis. Mabuti na lang at hindi ka pumayag sa akin,” nahihiyang sabi ako kay boss Zach. “Nauunawaan kita,