Excuse Me????

1859 Words
Hindi ka agad ako nakapagsalita, nag-isip muna ako kung tama bang maging solusyon ang sabihin na malapit na akong matigok upang hindi matuloy ang pinaghahandaan na kasal ni Daddy para sa akin. Ngunit kung ‘yung lang ang tanging paraan upang matapos ang aking problema, why not coconut? “Kricel, hindi ka na nakapagsalita riyan. Mukhang naglakbay na yata ang utak ko papunta sa kabilang daigdig,” narinig kong puna sa akin ni Maxelyn. “Naisip ko lang ang sinabi mo sa akin, Maxelyn. Tama ka puwede akong magpanggap na malapit nang mamatay, puwede na ‘yun kaysa naman matuloy ang plano ng aking Daddy. Hindi ko masisikmura ang magkaroon ng asawa na kasing tanda ng daddy ko baka mauna pa akong mamatay sa kanya…” “Tama, saka ang hirap kayang makipag s*x sa matanda, paano kung lantutay na ‘yung bagyag niya, naku! Kawawa naman ang pokemon mo!” tuloy-tuloy na litanya ni Maxelyn. Gusto ko tuloy matawa dahil sa bibig nitong burara, wala man lang kapreno-preno, huwag ka at masyado pa itong banal. Nakakailang dasal sa buong maghapon pero ang bibig, aba! Daig pa ang pokpok sa kalye. Natatawa na lamang ako. “Maraming salamat sa magandang idea mo, Maxelyn. May silbi rin pala ang matabil mong bunganga--- Ops!” mabilis akong umilag dahil tinidor na ibinato sa akin ng babae. Lalo naman akong tumawa ng malakas. Ngunit si Maxelyn ayon, asar na asar sa akin. Heto ang nakakatawa sa babaeng ‘to. Masyadong madaldal pero pikon naman! Agad ko na lang pinigilan ang tawa na gusto pang kumawala sa aking bibig at baka lalong mapikon ang babae. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain lalo at masarap ang mga pagkain na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Nang matapos kaming kumain ay agad akong niyaya ni Maxelyn sa sala. Ayaw pa akong payagan nito na umuwi at naglabas pa ng alak ang babae. “Minsang lang ‘to. Saka bukas may misyon na ako. Kailangan ko munang lumaklak ng alak kaya samahan mo ako. Alam kong walang kang misyon ngayon dahil katatapos lang, kaya kahit mag-inom tayo magdamag ay ayos lang ” Sabay lagay nito ng bote ng alak sa aking harapan. Walang salita na binuksan ko ang bote at tuloy-tuloy ko itong ininom. Hanggang sa umabot ng kalahati. Napatingin naman ako sa tv nang buksan ‘yun ni Maxelyn. Balita ka agad ang bumungad sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa mga nangyayaring pagsabog sa dalawang lugar. “Tingin mo sinong may kagagawan nang sunod-sunod na pagsabog sa mga Probinsiya?” tanong sa akin ng Maxelyn. “Kung tama ang aking hula ay mga kaaway ng gobyerno na hindi nila matanggap ang mga patakaran ng mga namumuno ng bansa o puwede rin na isang malaking sindikato ang may kagagawan---” sagot ko kay Maxelyn. “Yeah, ngunit sino-sino kayang mga siraulo ang may pasimuno ng lahat ng iyan? Hindi ba sila nag-iisip na maraming tao ang mapapahamak sa ginagawa nilang pagpapasabog sa mga Probinsiya? Mga abnormal sila!” galit na sabi ni Maxelyn. “Hindi na nila maiisip ‘yun, Maxelyn, dahil puro mga pangsariling kapakanan lamang ang kanilang gusto, sila ang mga taong walang awa sa mga mamamayan lalo na kung mahirap lamang. Dapat sa mga taong maiitim ang budhi sinusunog ng buhay!” mariing sabi ko sa kay Maxelyn. Kinuha ko rin bote ng alak na muli ko itong tinungga. “Mga hayop sila!” narinig kong anas ni Maxelyn. Hindi ako nagsalita tuloy-tuloy lamang ako sa pagtungga ng alak hanggang sa ito ay maubos ko ang laman. Agad na rin akong tumayo. Nagpaalam ako sa aking kaibigan para umuwi na, may mga dapat pa kasi akong gagawin lalo na sa aking plano na pag-uwi sa Isla Bughaw. “Hindi ka pa naman siguro lasing, Kricel?” “Yeah,” anas ko at tuloy-tuloy na akong umalis sa bahay ni Maxelyn. Agad akong sumakay ng kotse. Ngunit magkakasunod kong pinilig ang aking ulo upang alisin ang pagkahilo na aking nararamdaman. Sa totoo lang ay mahina ako kapagdating sa inoman, hindi katulad ni Maxelyn na kayang makipag-inoman kahit magdamag. Katulad ngayon isang bote pa lang ang naiinom ko ngunit tinablan na ako. Pero kailangan kong umuwi bago ako tuluyang antokin. Kaya naman pinilit kong magdrive ng kotse. Ngunit napapansin kong parang pipikit na ang aking mga mata. Kaya agad kong hininto sa gilid ng daan ang kotse ko. Kinuha ko ang mineral water bottle na aking dala-dala. Agad akong lumabas ng kotse. Uminom muna ako ng tubig, pagkatapos ay agad kong binuhusan ng tubig ang aking mukha upang mawala ang antok na aking nararamdaman. Tumalon-talon din ako hanggang sa tuluyang mawala ang antok na sumasanib sa akin. Nang alam kong okay na ang mga mata ko ay muli kong pumasok sa loob ng kotse. At agad ko itong pinatakbo habang hindi pa sumasanib ang antok sa aking mga mata. Ngunit hindi pa ako halos nakakalayo nang muli ko namang maramdaman ang antok. Peste! Ito ang ayaw ko kapag-umiinom ako ng alak. Inaantok talaga ako. Napahilamos tuloy ako sa aking mukha nang sunod-sunod dahil sa inis. Hanggang sa mabilis kong kinabig papunta sa kaninang daan ang kotse ko. Ngunit talaga gusto nang pumikit ng aking mga mata. Kaya ayon hindi ko yata nakabig paliko ang aking kotse dahil tuloy-tuloy nitong sinagasaan ang isang gate na hindi naman halos nakasara. Naramdaman kong may binanggaan ako ngunit hindi ko alam kung ano. Siguro’y mamaya ko na lang aalamin kung ano ang aking nabangga. Matutulog muna ako dahil antok na antok na talaga ako. Sa mabaha kong kong pagkakatulog ay nagising akong mangalay ang aking kamay at tipong hindi ako makagalaw. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang alamin kung na saan ako. At Bumungad ka agad sa aking harapan ay isang mala-palasyong bahay. Kung malaki na ang aking bahay ay mas malaki ito. Kaninong bahay ‘to? Bakit nandito ako? Balak ko sanang tumayo mula sa pagkakaupo ko. Ngunit may pumigil sa akin. Hanggang sa tingnan ko ang aking sarili at doon ko napagtanto na nakaupo ako sa isang upuan habang nakagapos ang buong katawan ko sa kinauupuan ko. Teka ano’ng nangyari sa akin? Hanggang sa umikot ulit ang mga mata ko sa buong paligid. Nakita ko ang aking kotse. s**t! Hanggang sa mag-sink in sa utak ko ang nangyari dahil sa sobrang antok ko ay nabangga ko ang isang bahay na yari sa bubong ang dingding. Peste! Tiyak na malaki ang babayaran ko nito. Muli akong tumungo upang simulan ko nang alisin ang pagkakatali sa aking katawan. Ngunit may narinig kong papalapit sa aking pwesto. “Gising na ba ang sumira ng bahay ko?” narinig kong tanong ng isang lalaki na papalapit sa aking pwesto. Hindi muna ako gumalaw at hinintay ko ang paglapit nila sa akin. “Tulog pa yata, boss, ang sabi ni Ines ay na amoy raw niyang nakainom ng alak kaya nabangga ang bahay mo. Kaya inutos ko munang itali at baka tumakas ang babae,” narinig kong anas ng isang lalaki. Peste! Siya ang nag-utos na itali ako? Hayop! Kaya naman dahan-dahan kong inangat ang aking mukha upang tingnan ang taong nag-utos na itali ako. Nakita ko ang isang lalaking hindi naman gwapo. “Mabuti siging ka na, babae!” Lumapit pa ito sa akin. Nanlilisik ang mga mata ko na tumingin dito. “Ikaw ang nag-utos na itali ako?!” tanong ko habang ang mga mata ko ay may mala-demonyong tingin na binigay rito. “Oo, bakit aangal ka? Aba! Baka tumakas ka, babae. Kami ang malalagot sa boss namin. Alam mo bang milyon ang nasira mo!” anas ka agad nito sa akin. “Gago ka pala, eh!” Sabay galaw ng aking ulo at buong lakas kong inuntog ito gamit ang noo ko. Napaupo naman ito sa lupa habang dumudugo ang ilong. “Bossing, nakita mo ang ginawa niya sa akin? Sinaktan ako ng babaeng ‘yan!” sigaw ng lalaki. Mabilis naman akong tumingin sa bossing na tinawag nito at nakita ko ang isang lalaking nakatudo shades pa. Nakatingin lamang ito sa akin. “Ano’ng tinitingin-tingin mo riyan, gusto mong masaktan? Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko ang mga nasira ko!” Agad na kumilos ang aking kamay upang alisin ang tali sa aking katawan. Mabilis akong tumayo nang tuluyan kong matanggal ang tali. Agad akong tumalikod para lumapit sa aking sasakyan. Ngunit apat na lalaki ang humarang sa akin. Inis akong tumingin sa bossing nila. “Hindi mo sila pipigilan? Baka mamatay sila ng maaga?” Ngunit ang hudyong lalaki ay nagkibit balikat lamang sa akin. “Sumunod ka sa akin babae upang pag-usapan kung magkano ang halaga nang nasira mo!” Agad na tumalikod ito sa akin at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Isang matalim na irap ang aking ginawa, hanggang sa humakbang ako para sumunod sa lalaki. ‘Yung mukha nito parang pamilyar sa akin. Saan ko ba ito nakita. Kaya naman habang naglalakad ay mariin kong ipinikit ang mga mata ko upang alalahanin kung saan ko ito nakita. Ngunit bigla akong napangiwi ng maunpog ang noo ko sa bagay na nasa unahan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang alamin kung anong bagay ang kinaumpugan ko, ngunit hindi pala bagay kundi isang taong halimaw. Biglang sumama ang mukha ko nang makita ko ang likod ng taong nasa unahan ko. “Nananadya ka ba? Bakit bigla kang humunto?!” paasik na tanong ko sa lalaki. “Hindi mo na lang sabihin na gusto mo lang akong amoyin!” Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng lalaki. “Diyos ko po! Siguro noong nagsabog ng kayabangan ang Panginoon ay nasalong lahat ‘yun ng lalaking ‘to!” walang prenong sabi ko. Bigla itong huminto sa paglalakad. Hanggang sa tumingin siya sa akin. Dahan-dahan din niyang inalis ang shades sa mga mata. Hanggang sa biglang nanlalaki mga mata ko nang mamukaan ko ito. “Ikaw?!” bulalas ko. Biglang kumunot ang noo nito. Hindi ko malilimutan ang mukha nito at ito lang naman ang lalaking humawak sa aking underwear at naging nakasama ko sa elevator. Peste! Kapag minamalas talaga, oh! “So, natatandaan mo pala ako. Ngayon ko naisip na baka talagang sinundan mo ako dahil patay na patay ka sa akin, Ms. Lasingera!” Ano raw? Baliw na ba siya? “Excuse me, hindi ikaw ang tipo ko, dahil hindi tayo talo. Babae ang gusto ko, kaya puwede ba, huwag feeling gwapo!” At nagtangka pa akong magsuka-sukahan upang ipaalam dito na hindi ko ito type. “Talaga?” Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Ako naman ay agad na umurong. Ngunit pader na ang tumama sa likod ko. Napatingin naman ako sa dalawang braso nito na pumunta sa parihas gilid ko at talagang ikinulong ako. “Umalis ka sa harap ko!” Ngunit parang bingi ng lalaking ito. Mayamaya pang nakita kong dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa aking mukha. Dahil sabog din ang utak ko ay mabilis na lumapit ang aking kamay sa gitna ng hita nito at mahigpit kong hinahawakan. “Sumukang mong ituloy at titiyakin kong sabog ang itlog mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD