SAGOT KO NA ANG LUBID

1273 Words
Walang kangiti-ngiti na tumingin ako sa lalaking balak akong hawakan. Salubong din ang kilay ko. Mahigpit ko talagang kinapitan ang pulsuhan nito at mas idiniin ko pa. Inangat ko rin ang kamay ko at ubod lakas kong sinuntok ang sikmura nito dahilan kaya napaluhod ito sa lupa ngunit hawak-hawak ko pa rin ang pulsuhan ng animal at manyak na lalaki. “Kricel, bitawan mo siya! Hindi mo ba kilala ang pamilya ni Hyno, ha? Gusto mo bang nakulong?” sigaw na may kasamang pagbabanta ng pinsan ko. Nagmamadali rin itong lumapit sa akin para awatin ako. Ngunit galit talaga ako at walang puwedeng umawat sa akin. Balak sana akong itulak ni Tanya para mabitawan ko ang pulsuhan ng lalaking bastos. Ngunit mabilis kong nahawakan ang leeg nito at mahigpit kong sinakal. Nanlalaki ang mga mata ni Tanya habang nakatingin sa akin. “Noon pa ako punong-punong-puno sa ‘yo, eh, alam mo ba’yan!” Sabay tulak ko sa aking pinsan dahilan kaya napaupo ito sa lupa. Tumingin ako sa dalawang lalaki na balak sumugod sa akin. Ngunit mabilis ko silang sinalubong ng aking mga paa at ayon sapol na sapol sila sa nguso nila. Hanggang sa tumingin ako sa lalaking hawak-hawak ko pa rin ang pulsuhan niya. “Hindi ako papatol sa isang katulad mo!” Sabay kuha ng tsinelas kong suot. At basta ko lang sinampal sa lalaki sa mukha nito. Nang ibalik ko ang aking tsinelas sa paa ko ay bigla akong napanganga nang makita ko ang aking suot na sapin sa paa. Dahil hindi makaparis. Hala! Bakit ngayon ko lang nakita na magka-iba ang suot kong tsinelas? Gosh! Agad ko tuloy binitiwan ang lalaki. Ngunit ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa aking dalawang paa. Bakit hindi ko na malayan na magkaiba pala ang aking sapin sa paa. Isang tsinelas at ang isa naman ay doll shoes! Shit! Nakakahiya! Bakit wala man lang pumuna sa akin? Nagmamadali tuloy akong umalis sa harap ng mga adik na tao. Tuloy-tuloy akong pumasok sa aking kotse. Ngunit hindi ko muna pinatakbo ang kotse ko. Panay ang hampas ko sa aking noo dahil sa katangahan ko. Hanggang sa isang marahas na paghinga ang aking ginawa. Baka hindi nila nakita kaya walang pumuna sa akin. Kaya naman matulin ko nang pinatakbo ang kotse ko papunta sa bahay ni Maxelyn. Hindi nagtagal ay agad akong nakarating sa bahay nito. Nang magbusina ako sa gate ay bumukas naman ‘yun. Kilala naman ako ng security guard kaya agad akong pinapasok sa loob. Tuloy-tuloy akong bumaba ng kotse nang ihinto ko ito. Nakita ko agad si Maxelyn. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. “Ano’ng nangyari sa ‘yo Kricel? Bakit ganiyan ang itsura mo? Hindi ka ba nagsuklay? Tapos magkaiba rin ang suot mong tsinelas? Adik ka na ba ngayon, Kricel?!” tuloy-tuloy na litanya ni Maxelyn. Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa aking kaibigan. Bigla ko ring naalala na hindi pa nga pala ako tapos nagsuklay noon naglalakad ako papunta sa unit ni tita Kris. Mukha na siguro ako na babaeng ginahasa. Ngunit ang pasaway kong kaibigan ay malakas pang tumawa na parang wala nang bukas. Iiling-iling na lamang ako na pumasok sa loob ng bahay nito ngunit hindi pa rin mapuknat-puknat ang pagtawa nito, sinamaan ko tuloy ito ng tingin at doon lamang huminto. Tuloy-tuloy na lamang akong pumunta sa loob ng hapagkainan. Nakita kong may mga pagkain na sa ibabaw ng lamesa kaya agad akong naupo. Dali-dali rin akong kumuha ng pakain ko lalo at gutom na talaga ako. Balak ko na sanang lumamon dahil gutom na talaga ako nang pigilan ako ni Maxelyn. Kumunot ang noo ko nang tumingin sa babae. “What?!” singhal ko rito. Lalo na nang kuhanin ng babae ang kutsara kong hawak-hawak. “Baka gusto mong magpasalamat muna sa Diyos bago ka kumain. Hindi ‘yung lalapang ka na agad diyan!” nakataas ang kilay ni Maxelyn ang sabihin ‘yun sa akin. Napangiwi ako ng alanganin. Tumingin ako kay Maxelyn na naupo na ito. Nagsimula na ring magdasal ang babae bilang pasasalamat. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at pinakinggan ang dasal na pasasalamat ng aking kaibigan. Nang matapos itong magdasal ay agad kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko agad ang mukha ni Maxelyn at kitang-kita ko na ilang beses itong nag-sign of the cross. Sa totoo lang ito lang ang nakilala ko na kasapi ng secrets weapon ng bansa na panay ang dasal. Nagdadasal din naman ako. Ngunit Ibang-iba sa ginagawa ni Maxelyn. Masyado itong nadasalin. “Sige kain na tayo!” anas ni Maxelyn sa akin. “Siya nga pala, Kricel. Ano ‘yung sinasabi mo sa akin na may problema ka? Sabihin mo na sa akin at baka makatulong ako sa ‘yo.” Nagbuntonghininga muna ako ng ilang beses bago ko sabihin kay Maxelyn ang aking problema. “Pinauuwi ako ni Daddy, nagbabalak siya na ipakasal ako sa lalaking ‘di ko naman kilala,” sumbong ko kay Maxelyn. “Huh? Nauuso pa ba ngayon ang arranged marriage? Nakakaloka ang Daddy mo, Kricel!” palatak ng kaibigan ko. Panay rin ang iling nito ng ulo at kitang-kita ko sa mukha ng aking kaibigan ang ‘di talaga ito makapaniwala. “Yes, kay Daddy ay nauuso pa rin ‘yun. Dahil naging arranged marriage rin ang kasal nila ni Mom noon. Kaya hindi na ako magtataka kung ganoon din ang gawin niya sa akin.” Magkakasunod akong napailing ng ulo. Hanggang sa muli akong nagpatuloy sa pagkain ko. “Ano’ng plano mo? Simpre kailangan mong sundin ang Daddy mo. Dahil oras na tumanggi ka tiyak na magagalit na naman sa ‘yo ‘yun. Teka nga muna. Nakita mo na ba ang lalaking pakakasalanan mo? Ano gwapo ba siya? Ilan ba ang abs niya?” sunod-sunod-sunod na tanong sa akin ni Maxelyn. “Hindi ko pa kilala kung sino ang lalaki. Wala ring katiyakan kung gwapo ba ito? O, baka isang matandang lalaki na punong-puno ng puti ang buhok, puwede rin na malaki ang tiyan na parang buteteng laot,” tuloy-tuloy na litanya ko sa aking kaibigan. “Jusko po! Kung ganoon ang mangyayari sa 'yo, Kricel mas mabuti pang magbigti ka na lang, sagot ko na ang lubid at kabaong mo!” “Hoy! Pasaway ka!” bulalas ko habang nanlalaki ang aking mga mata. Malakas namang tumawa ang aking kaibigan. “Joke lang, Kricel! Hindi ko naman gagawin ‘yun! Hmmm! Ano bang plano mo? Simpre kapag nag-asawa ka na tiyak na maalis ka na bilang secret weapon ng bansa. . . Kaya mo bang basta na lang iwan ang pagiging Secret Weapon mo?” “Hindi ko kayang iwan ang aking trabaho. Ngunit wala talaga akong maisip na plano. Labis akong naguguluhan. Stress tuloy ako ngayon, Max.” “Yeah! Halata ngang stress na stress ka ngayon, tingnan mo ang itsura mo? Lumabas ka ng bahay na hindi magkaparis ang sapin sa mga paa mo. Mabuti at hindi ka pinagtawanan ng mga nakakakita sa ‘yo, Kricel.” Hindi muna ako nagsalita. Kinuha ko ang tubig at tuloy-tuloy ko itong ininom. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa aking kaibigan. “Subukan nila akong pagtawanan! Tiyak na gugulong sila sa lupa. . . Hmmm! Tingin mo ano kayang magandang gawin? Upang hindi matuloy ang kasal na niluluto ni Daddy para sa akin?” tanong ko sa aking kaibigan. “Hmmmm! Magpanggap ka na lang na may sakit o malapit ka nang matigok. Sabihin mo sa Daddy mo na dalawang buwan ka na lang mabubuhay sa mundong ito!” Mabilis akong lumingon kay Max.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD