DUWAG KA

1808 Words
Tumingin ako sa mukha ng lalaki. Ngunit parang baliwala lamang dito ang aking ginawa. “Wrong move, honey...” Naramdaman kong mahigpit nitong hinawakan ang aking pulsuhan. Ngunit mas nagulat ako nang pisilin niya ang aking dibdib na kinalaki ng aking mga mata. “Tabla na tayo. Hindi naman puwedeng ikaw lamang, dapat ako rito, ‘di ba, Ms---?” Ngunit hindi na nito natapos ang sasabihin dahil buong lakas ko itong sinuntok sa nguso niya dahilan kaya napalayo ito sa akin. Ngunit hindi pa ako nasiyahan inangat ko rin ang aking paa upang sipain ito sa gitnang hita niya. Subalit mabilis nitong nahawakan ang aking paa. “Once is enough but twice is too much, Honey.” Agad niyang hinila ang aking paa dahilan kaya tuluyang magdikit ang mga katawan namin. Maramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin ng lalaki. Kahit akong galaw ko’y ayaw akong bitawan ng hayop na lalaki. Kaya naman mabilis kong inilapat ang aking bibig sa punong tainga nito at basta ko na lang itong kinagat doon. “f**k you!” sigaw ng lalaki. Habang hawak-hawak ang taingang nasaktan. Mabilis naman akong tumambling papalapit sa aking kotse. Agad akong pumasok sa loob at mabilis ko itong pinatakbo. Mabuti na lang at bukas ang gate kaya madali lang akong nakalabas. Ngunit napatingin ako sa side mirror ng aking kotse at nakita kong may dalawang kotseng nakasunod sa akin. Anak ng tinapang hilaw, oh! Talagang hindi nila ako titigilan sumunod talaga sila sa akin?. Mabuti na lang at pekeng plaka ang nakalagay sa kotse ko, naalala kong hindi ko pala napalitan kanina. Mabilis kong kinabig papunta sa kabilang daan na makipot ang kotse ko. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse ko. Muli akong lumiko papunta sa kabilang daan na medyo madilim. Pagkatapos ay agad kong pinindot ang maliit na button na nandito sa aking kotse. Bigla akong napangisi nang mag-iba ang kulay ang aking sasakyan, iwan ko lang kung mahabol pa nila ako. Muli akong tumingin sa likuran ko at nakita kong nawala na ang mga humahabol sa akin. Malakas tuloy akong humalakhak ng tawa. At ilang sandali pa’y tuluyan na akong nakarating sa aking bahay. Agad akong lumabas ng kotse. Pero nakakatiyak akong hahanapin ako ng lalaking ‘yun. Alam kong hindi siya ordinaryong tao lamang at kayang-kaya niyang mag hire ng magagaling na mga detective para lang mahanap ako. Ngunit hindi ko hahayaan na mahanap niya ako, aba! Magaling kaya akong magtago. Iiling-iling na lamang ako at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng bahay ko agad akong pumasok sa aking kwarto. Isa-isa kong inalis ang lahat ng kasuotan ko at pagbagsak aking nahiga sa kama. Balak ko na sanang ipinikit ang aking mga mata nang marinig kong nag-iingay ang cellphone ko. Marahas tuloy akong napabunga nang makita kong si Dad ang tumatawag sa akin. Gosh! Hindi pa ako nagsasalita nang marinig ko na ang boses nitong galit na naman. “Kailan ka uuwi ng Isla Bughaw, Kricel?” “Dad, susulpot na lamang ako riyan. May mga inaayos pa ako rito, saka hindi mo rin naman ako mapapasunod sa gusto mo. Hindi ako magpapakasal sa lalaking sinasabi mo!” mariing sabi ko rito. “Ako pa rin ang masusunod, Kricel. At hindi ka puwedeng tumanggi!” mariing sabi ng aking Ama sa akin. “No, Dad. Dahil oras na mangyari ang balak mo mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysan sundin ang gusto mo!” sagot kong hindi natatakot. Siguro kunv kaharap ako ni Dad, tiyak na kanina pa ako na sampal nito dahil sa pagsagot-sagot ko sa kanya. Ngunit tama lang naman ang aking sinabi, hindi niya ako puwedeng saklawan lalo at kaligayahan ko ang nakasalalay. “How dare you, Kricel!” sigaw ng daddy ko mula sa kabilang linya. Hindi na lamang ako nagsalita ulit. Lalo at high blood na naman sa akin si Dad. Agad ko na lang ibinaba ang cellphone ko upang wala nang mahabang usapan. IPINIKIT ko na lang ang aking mga mata para tulog dahil antok na antok na ako. Bukas na lang ako kakain. Kinabukasan nagising akong panay ang kulo ng aking tiyan dahil nagugutom na ako. Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit hindi na maawat ang tiyan ko at gusto na talagang lumapang. Iinat-inat akong bumangon, kinuha ko ang bathrobe ko upang ilagay sa aking katawan lalo at nakasuot lang ako ng panty at bra. Agad akong lumabas ng aking kwarto para pumunta sa kusina. Nakita kong nakapagluto na ng almusal ang si Manang Regen nang makita ako ay agad niya akong pinaghanda ng kakainin ko. “Kumain na kayo, Manang Regen?” tanong ko rito nang ibaba nito sa aking harapan ang plato. “Kumain na po kami ng pandesal, Ms. Kricel.” “Dapat kumakain din kayo ng kanin sa umaga, Manang Regen, lalo na at may mga gawain kayo sa umaga rito sa bahay, mahirap pong magtrabaho ng gutom.” “Naku! Ms. Kricel, huwag mo kaming alalahanin dahil kakain po kami kapag nagugutom.” At ngumiti ito sa akin. Sinuklian ko naman si Manang Regen ng matamis na ngiti. Hanggang sa magsimula na akong kumain. Ngunit hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang plano sa akin ni Daddy. Magkakasunod ko tuloy pinilig ang aking ulo. Imbes kasi nagahan akong kumain ay pakiramdam ko’y nawalan ako ng panlasa. Hindi ko tuloy naubos ang laman ng plato. “Siya nga pala, Ms. Kricel. Kanina po habang nasa palengke ay ilang lalaki ang naghahanap sa ‘yo, kahit medyo lamabo ang picture at naka side view ka roon ay alam kong ikaw ‘yun, isa rin ako sa napagtanungan nila. Ngunit wala po akong sinabi tungkol sa ‘yo. Pero nag-aalala ako para sa kaligtasan mo Ms. Kricel…” bulong ng babae sa akin. Marahas akong napahinga. Dahil sa sinabi ng matanda. Mukhang hindi ako titigilan ng kampon ng lalaking ‘yun. Kailangan kong tapusin ang kaguluhan na aking sinimulan. “Huwag mo na lang silang pansinin oras na makasapubong mo ulit sila, Manang Regen. Magkunwari kang hindi mo ako kilala, ngunit gagawin ko ang lahat upang hindi na nila ako guluhin pa---" Ngumiti muna ako rito bago umalis sa harap nito. Agad na akong humakbang papalayo sa matanda. Agad kong hinanap ang aking tauhan. Nang makita ko si Colo ay agad kong sinabi rito ang ipag-uutos ko. Dali-dali naman nitong kinuha ang laptop. “Siya si Zetro Delgado ang may-ari ng malaking kompanya na DELGADO GROUP COMPANIES, may mga kompanya rin siya sa iba’t ibang panig ng bansa. Ms. Kricel, may kailangan ka ba sa kanya?” tanong nito sa akin at may pagtataka sa mukha ng lalaki. Agad ko namang sinabi rito ang mga dapat niyang gawin. At sasamahan ni Colo ng aking abogado kapag makikipag-usap na sila sa lalaking ‘yun. “Kung may problema ay tawag ninyo lang ako, Colo.” “Sige po, Ms Kricel, kami na lang po ang bahala ni Attorney.” “Salamat.” Agad akong nagpaalam dito upang pumanhik sa aking kwarto para mag-shower. Pagkatapos maligo ay agad akong naglagay ng damit sa aking katawan. Kinuha ko ang aking bag at nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko. Hindi ako nagdala ng kotse. Tinatamad kasing magdrive. Nang may dumaan na taxi sa aking harapan ay agad akong sumukay upang magpahitid sa hospital at doctor na kakilala ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa tapat ng hospital. Agad akong bumaba ng taxi matapos kong magbayad dito. Ngunit hindi pa ako nakakapasok sa hospital nang mag-ingay ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha upang alamin kung sino ang caller ko. Nakita kong si Colo na tauhan ko ang ang caller ko. “Ms. Kricel, may problema tayo, ang gusto po ni Mr. Delgado ay ikaw mismo ang kumausap sa kanya, huwag ka raw duwag. Ano’ng gagawin natin Ms. Kricel?” Bigla akong napahilamos sa aking mukha nang sunod-sunod, habang may iritang nakapaskil. Ang sarap manapak ng tao sa totoo lang. Pasalamat talaga ang lalaking ‘yun at wala siya sa aking harapan. Naku! Naman! Hindi na lang tanggapin ang bayad ko sa kanya at kailangang pa akong abalahin. “Colo, pakisabi sa utak talangka na lalaking iyan na may trabaho ako, mabuti sana kung babayaran niya ang aking araw, kaya puwede niya akong abalahin pa. Tanggapin na lamang kamo niya ang pera kung magkano man ‘yun, huwag na siyang magpabebe pa!” palatak ko talaga. “What did you say?!’’ bigla kong nailayo ang cellphone sa aking tainga nang marinig ko ang boses ng lalaki na galit na galit sa kabilang linya. Anak ng tinapa, nakuha na pala nito ang cellphone ni Colo. “Pasensya na Mr. Ngunit hindi ko ugaling magsalita nang paulit-ulit. Kung ayaw mong tanggapin ang bayad ko, eh, ‘di huwag.” Sabay baba ng cellphone ko. Balak ko na sanang itago ang cellphone ko nang mag-ingay ulit ito at ang number na naman ni Colo ang caller ko. Iiling-iling na lamang ako na itinago ang cellphone ko. Ngunit bigla akong napatingala sa kalangitan nang makita ko ang isang private helecopter. Kumunot ang aking noo. Bigla akong kinutuban sa mangyayari. Kitang-kita ko rin ang maliit bagay na agad nilang hinulog na galing sa private helecopter at kung tiningnan kung saan papatak ang bagay na ‘yun at nakita kong sa isang restaurant na palapit lang sa aking kinatatayuan. s**t! Agad kong kinuha kahoy na nasa lupa. Pagkatapos ay dali-dali akong tumakbo papalapit sa restaurant. Mabilis ko ring kinuha ang aking facemask at agad na inilagay sa aking mukha. Agad akong tumalon papunta sa bubog na dingding na restaurants. Walang babala ko itong binasag. Kung iikot pa ako ay hindi ako aabot. “Lumaba kayong lahat! Bilisan ninyo!” Malakas kong sigaw. Nakita kong nagkagulo ang mga tao. Ngunit dali-dali silang lumabas. Mabilis lang silang nakalabas dahil binasag ko ang dingding na bubog ng restaurant na ‘to. Balak ko na sanang lumabas ng restaurant ngunit nakita ako ang isang bata na umiiyak. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Dali-dali akong tumakbo papalapit dito. Agad ko itong kinuha. Nang mabuhat ko ang bata ay mabilis akong tumakbo, ngunit hindi pa ako nakakalabas ng restaurant nang bigla akonv tumalsik papalabas ng restaurant dahil sa malakas na pagsabog. Ngunit tiniyak kong hindi masasaktan ang bata na hawak ko. “Ahhh!” Bigla akong napangiwi nang tumama ang likod ko sa isang sasakyan at tuloy-tuloy na bumagsak sa lupa. Napaubo rin ako na may kasamang dugo dahil sa lakas ng pagpalo ng likod ko. Naalis na rin ang suot kong facemask dahil sa pagtalsik ko. “Peste!” Sabay tingin sa restaurant na ngayon ang nagliliyad sa apoy. Siguro kung hindi ko nakita ang ginawa ng private helecopter na ‘yun, tiyak na maraming magluluksa ngayon. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ‘yun? Mga hayop sila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD