HALIMAW

1915 Words
Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa lalaking nakasuot ng kulay utim. Ngumisi rin ito sa akin kaya kitang-kita ko ang dalawang pangil nito. Shock talaga ako. Dahil sa isang palabas ko lang sa tv nakikita ang mga gainyang tao na bampira. Magkakasunod ko tuloy pinilig ang aking ulo at baka panaginip lamang ang lahat. Mayamaya pa’y maliksi itong lumapit sa akin nakita kong balak akong hawakan sa aking leeg kaya naman agad akong umiwas dito. Ngunit aaminin kong mabilis ang lagalaw nito. Pero kahit papaano ay nakakailag pa rin ito sa pag-ataki nito sa akin. “Hmmm! Kakaiba ang amoy ng dugo mo, babae!” bulalas ng aking kalaban na halimaw. s**t! Totoo ngang bampira na ang aking kaharap. Ngunit hindi ko hahayaan na maging pagkain nila ako. Tangina ang ganda ko kaya tapos magiging hapunan lamang niya ako. Wala na akong oras, kailangan ko nang tapusin ang hayop na halimaw na ‘to. Ngunit nagulat ako nang bigla akong tumalsik papunta sa bakal na kulungan ng mga bata. Napangiwi rin ako ng wala sa oras dahil sa sobrang sakit ng likod dahil ito ang unang tumama. Tumingin ako sa mga bata at nagsenyas akong huwag silang sumigaw o umiyak. Hanggang sa maramdaman kong may humila sa aking buhok at talagang pilit akong inaangat para magpantay kami. Kitang-kita ko ang pagngisi nito ganoon din ang dalawang pangil nitong matatalim at ano mang oras ay handa akong sunggaban. “Wala ka nang kawala babae at akin na ang du---” Ngunit buong lakas kong sinaksak ang dibdib nito gamit ang punyal na punong-puno ng lason. “Gago! Kahit halimaw ka hinding-hindi kita uurungan, tanga!” At mas lalong idiniin ko sa dibdib nito ang hawak kong punyal na may lason. Mayamaya pa’y dahan-dahan na itong bumagsak sa lupa. Dali-dali akong lumapit sa pinto ng kulungan at agad ko ring kinuha ang kutsilyong dala-dala ko at agad kong pinutol ang tali upang mabuksan ko ang pintuan na kulungan. Balak sanang magsalita ang isang batang babae nang mabilis akong nagsenyas na huwag silang maingay. Mabuti na lamang at masunurin sila. Maingat ko silang pinalabas ng kulungan. Dahan-dahan naman akong humakbang para lumapit sa pinto. Maingat akong sumilip upang tiyakin kung may mga tao pa sa labas. Gusto kong magmura dahil sa lakas ng ulan. s**t! Kailangan kong maialis sa lugar na ito ang mga bata. Mas delikado sila rito. Sobrang dilim ng kalangitan at halos hindi rin makita ang buong paligid. Bahala ang mahalaga ang hindi kami maabutan dito oras na pumunta ang mga bandidong mga demonyo. Agad kong kinausap ang mga bata kung ano’ng dapat nilang gawin para makaalis dito. Agad naman silang sumang-ayon sa aking pinag-uutos. Ngunit bago ako umalis dito sa kulungan ay naglagay muna ako ng mga bomba. Hanggang sa maingat kong buksa ang pinto. Agad kong inutos na gumapang sila at huwag mag-iingay na agad namang sinunod ng mga bata. Napansin ko rin na lalong lumalakas ang ulan at mas dumilim pa ang buong paligid. “Huwag na huwag ninyong iaangat ang mga ulo ninyo at kailangang ninyong makarating sa likod ng malaking puno na ‘yun. Bilisan ninyo!” Habang gumapang ang mga bata papunta sa puno na aking itinuro ay malakas akong nakariramdam sa buong paligid. Hinanda ko rin ang baril ko at baka may biglang sumulpot. At para makatiyak na walang tao ay dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata upang alamin kung nasaan ang mga kalabang bandido. Dinig na dinig ko naman ang mga mabibilis na hakbang nila at kung hindi ako nagkakamali at papunta sila rito. Agad kong iminulat ang aking mga mata para alamin kong na saan na ang mga bata, medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakarating na sila sa likod ng malaking puno. Nagsenyas ako na magtago lamang sila. Mayamaya pa’y nakita ko na ang mga bandidong mga demonyo. Mabilis akong nagpagulong-gulong sa lupa dahil pinauulanan nila ako ng bala ng baril. Dali-dali ko namang kinuha ang aking baril at walang habas akong nakipaglaban sa kanila habang panay ang gulong ko. Dali-dali ko ring kinuha ang dala-dala kong granada at basta ko na lang pinaghahagis sa kanila. Mayamaya pa’y kitang-kita ko ang malakas na pagsabog. Napatingin din ako sa kulungan na pinanggalingan ko at nakita ko rin ang sunod-sunod na pagsabog doon. “Patayin ang taong basta na lang pumasok sa ating kampo!” narinig kong sigaw ng isang lalaki. Nasa kaliwa ito. Kaya naman agad ko ritong itinutok ang hawak kong baril at sunod-sunod kong kinalabit ang gatilyo. May mga narinig akong dumaing dahil sa tinamaan ng aking bala. Ngunit mabilis akong napatingala nang makita ko ang isang lalaki sa ere at ito’y papalapit sa akin. Ngunit maliksi kong inumang ang aking baril para barilin ito. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy itong bumulusok pa ibaba. Ngunit agad akong umalis sa aking pwesto dahil papalapit na ang mga kalaban kong mga bandido. Mabilis akong tumakbo, ngunit may mga kalaban ang biglang sumulpot sa aking harapan. Marahas akong napahinga. No choice ako kundi ang ang makipaglaban upang makaalis kami rito. “Tingin mo ba, basta ka na lang namin hahayaan na makaalis dito? Aba! Diyan ka nagkakamali, babaeng nakamaskara!” Sabay silang sumugod papalapit sa akin. Agad kong inangat ang aking kamay upang salagin ang suntok nila sa akin. Itinaas ko rin ang aking paa dahil balak akong sipain sa aking binti at walang kahirap-hirap kong nasalag ang pagsipa nito. Ngunit agad kong kinuha ang aking kutsilyo at basta ko na lang sinaksak ang balikat ng lalaki. “Ano masakit ba?” At mas idiniin ko pa sa balikat nito ang kutsilyo. Ngunit mabilis ulit na umangat ang aking paa upang salubungin ng sipa ang isang bandidong na papalapit sa akin at sapol na sapol ito sa leeg nito. Kitang-kita ko naman ang pagtalsik din nito dahil sa aking pagsipa sa kanya. Ngunit mabilis kong inangat ang aking kamao para salagin ulit ang suntok ng isa pang bandido. Pero mas mabilis na umatako ang aking paa at sapol na sapol sa leeg nito. Mabilis akong umangat sa ere at buong lakas kong tinarget ng kutsilyo sa ulo ang isang lalaking balak akong barilin. Kitang-kita naman ng dalawang mata ko ang pagbagsak nito sa lupa. Ngunit naramdaman kong may tao sa likuran ko habang pababa sa ako sa lupa. Balak ko sanang umiwas ngunit mabilis ang kilos at buong lakas akong hinampas sa likuran ko. Tuloy-tuloy naman akong bumulusok pa ibaba. Agad kong itinukod ang aking kamay upang hindi ako masyadong masaktan. Aminado akong malakas ang umataki sa akin. Medyo napangiwi pa rin ako nang tuluyang lumapat ang aking katawan sa putikan. Medyo masakit ang kabilang braso ko. Ngunit hindi ko ito ininda. Balak ko na sanang tumayo nang may maramdaman kong humawak sa isang bente ko at basta na lang akong hinagis papunta sa isang buko. Dahil luma na ang dingding ng bahay kubo ay talagang lumusot ako sa loob. “Hayop!” bulalas ko. Naramdaman kong may dugong umagos sa aking noo. Ngunit hindi ko ‘yun ininda kailangan kong tapusin ang hayop na kalaban ko. Napatingin naman ako sa itaas ng bubong nang bigla itong lumusot doon at tuloy-tuloy na pumunta sa aking tabi. Nakita kong may kinuha itong kahoy at balak na ihampas sa akin. Kahit hirap na hirap akong tumayo ay talagang pinilit kong lumayo. Lalo at hahampasin ako ng kahoy na hawak nito. Mabilis akong napa-urong dahil tatamaan ako sa aking ulo. Ngunit mukang hindi ako titigilan ng lalaki kaya kailangan ko na itong tapusin. Dali-dali kong kinuha ang dalawang karayom na punong-puno ng lason at pagkatapos ay basta ko na lang ito pinitik papunta sa lalaki. Kitang-kita ko naman na tuloy-tuloy itong bumagsak. Kahit masakit ang aking likod ay pinilit kong lumabas ng kubo na ‘to na nasira. Ngunit saktong labas ko’y may mga kalaban pa ang sumalubong sa akin. Dali-dali kong kinuha ang aking baril at basta ko na lang silang pinagbabari. Agad ding umangat ang aking katawan sa ere ngunit patuloy ko silang pina-uulanan ng bala ng baril. Agad ko ring inagat ng aking kamay upang abutin ang isang hindi kalakihang sanga ng puno. Maliksi akong umangat at agad na umapak sa sanga ng puno. Dali-dali kong kinuha ang aking granada at sunod-sunod kong pinagbabato sa mga kalaban ko. Dinig na dinig ko ang mga daing nila dahil sa granadang ibinato ko. Bago umalis dito sa puno ay hinagisan ko rin ng granada ang isang bahay at alam kong bahay ‘yun ng pinuno ng mga bandido. Hanggang sa isang malakas na pagsabog ang aking narinig. Mabilis naman akong tumalon para makaalis dito sa puno. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang may isang lalaki ang bigla na lamang simulpot sa aking harapan. Medyo napaurong ako dahil sa kakaibang nilalang na naman ito. Kitang-kita ko rin ang matatalim na pangil nito na basta lang ipinikit sa akin. Agad kong kinuha ang aking karayom at mabilis kong pinitik dito. Tumama naman sa leeg nito ngunit parang walang epekto rito. Kumunot tuloy ang aking noo. Hanggang sa bigla itong nawala sa aking harapan. Ngunit bigla akong napadaing sa sobrang sakit nang may sumuntok sa aking tiyan. Halos mapaluhod ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ko nakikita ang aking kalaban. Mayamaya pa’y naramdaman kong binuhat ako at basta na lang akong ibinato ng malakas papunta sa isang malaking puno. “Ahh! Hayop ka! Masyado kang duwag para hindi magpakita sa akin. Lumaban ka nang patas!” sigaw ko. Sabay pahid ng dugo sa aking bibig. Mayamaya pa’y muli kong nakita ang bulto ng hayop na bampira. “Sige pagbibigyan kita babae. Papahirapan muna kita bago ko inomin ang dugo mo!” Maliks itong lumapit sa akin. Nakita kong balak akong suntukin sa aking mukha ngunit agad kong inangat ang aking kamay upang sanggahin ang pag-ataki nito. Ramdam ko ang sakit ng aking barso dahil dito tumama ang suntok ng hayop na halimaw. Napa-urong din ako palayo. Hindi na ako magtataka roon dahil alam kong malalakas ang mga halimaw na ‘to. Katulad lang sila ng mga napapanood ko sa tv. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ngunit bigla na namang naglahong parang bula ang aking kalaban. Pero mabilis kong naramdaman na may tao sa aking likuran. Pero huli na ang lahat at naramdaman ko na lamang na may humampas sa aking likura, dahilan kaya tuluyan akong napaluhod sa lupa. Bigla naman akong napatingala na may humawak sa aking buhok. “Ang bango ng dugo mo, babae…” bulong sa akin ng haliw na nasa likuran ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, hanggang sa mabilis kong kuhanin ang aking kutsilyo at basta ko lang itong sinaksak sa tiyan niya. Nabitawan naman nito ang aking buhok. Ako naman ay dali-daling umalis sa aking pwesto para lumayo sa halimaw. Agad akong lumingon dito. Ngunit awang ang aking labi nang makita kong walang kahirap-hirap nitong inalis ang kutsilyo sa kanyang katawan. Bigla kong naalala na wala nga pa lang lasong ang kutsilyong ginamit ko rito. Peste! Lalo akong na-shock na biglang gumaling nag sugat nito. Magkakasunod tuloy akong napailing ng ulo. Ngunit nagulat ako nang bigla itong sumulpot sa aking harapan. Naramdaman ko na lamang na may tumarak na kutsilyo sa tagiliran ko. Nanlalaki ang aking mga mata, kitang-kita ko naman ang pagngisi nito sa akin. “Ahh! Demonyo!” sigaw ko ng bigla nitong hugutin ang kutsilyo sa aking tagiliran. Agad kong hinawakan ang aking tagiliran na may sugat lalo at ramdam ko ang pag-agos ng dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD