Tumingin naman ako sa batang hawak ko upang tiyakin na maayos ang lagay nito. Nakita kong humihikbi ito at ramdam ko ang takot nito. Napatingin naman ako sa babaeng mabilis na tumakbo papalapit sa akin.
“Maraming salamat po sa pagligtas mo sa aking anak!” umiiyak na sabi nito sa akin. Agad kong ibinigay rito ang bata. Pinahid ko and dugo sa aking labi. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang facemask ko upang ilagay sa aking mukha.
Maingat akong tumayo. Ngunit ramdam ko ang sakit ng aking likod. Napahawak din ako sa aking noo dahil parang kumirot ito. Peste! Saan ako tumama bakit nagkaroon ako ng sugat? Hanggang sa mapatingin ako sa private helecopter na paikot-ikot sa himpapawid. Mas mababa ang lipad nito ngayon kumpara kanina.
Kaya naman kahit sobrang sakit ng aking likod ay dali-dali akong tumayo. Agad kong kinuha ang malaking kahoy. Hindi ko alam kong ano’ng magagawa nito bahala, ang mahalaga ay magin ako. Nagmamadali akong tumakbo paakyat sa malaking truck. Kitang-kita kong lalo ang private helecopter dahil mas bumaba ito.
Kailangan ko itong matamaan kahit palintik. Hanggang sa mabilis akong tumalon papunta sa ere at ilang beses na umikot at buong lakas na binato ko ang private helecopter. Dali-dali ko ring kinuha ang aking baril na nakalagay sa likuran ko. Agad ko itong ikinasa. At magkakasunod ko itong kinalabit habang ang katawan ko’y mabilis na bumulusok paibaba.
Kitang-kita kong nagpagiwang-giwang ang helecopter. Ngunit hindi ako huminto sa pagbaril rito. Mayamaya pa’y mabilis itong nagpaikot-ikot sa ere, habang may itim na usok ang lumalabas sa private helecopter. Nang lumapat ang aking paa sa bubong ng truck ay agad naman akong umalis sa dito dahil puwede akong matamaan ng pagsabog ng helecopter.
Dali-dali akong umalis sa lugar na ito. Mabuti na lang palagi akong handa. Kaya kahit papaano ay hindi masyadong nakita ang aking mukha. Agad akong sumakay ng taxi. Nagulat pa nga ang taxi driver ng tumingin sa akin dahil siguro sa sugat ko sa noo.
“Sa hospital po ba tayo, Ms?” tanong nito sa akin. Agad akong umiling dito. Kailangan kong puntahan si Colo.
“Isa ka ba sa mga nasaktan at nandoon sa loob ng restaurant na pinasabog, Ms?” tanong ng driver sa akin.
“Opo, Mannong,” maikling sagot ko rito.
“Mga wala silang puso! Kawawa naman ang mga tao sa loob ng restaurant na ‘yun!” narinig kong anas ng driver at ramdam ko ang galit nito sa mga taong halang ang kaluluwa.
Hindi ako nagsalita. Ngunit narinig kong may nagpadala ng text sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone ko. Nakita kong nagtext sa akin si Colo at tinatanong kung na saan na raw ako. Sinabi ko ritong on the way na ako. Isang marahas na paghinga ang aking ginawa. Nakakainis! Dahil imbes na na nandoon ako sa loob ng hospital ay hindi pa nangyari ang aking plano. Tumingin ako sa salamin upang alamin kung malaki ang sugat ng aking noo.
Kaya pala masakit dahil malaki ito at gumuhit talaga sa noo ko. Baka tinamaan ito ng bubog kaya hindi ko naramdaman. May umaagos pa rin na kaunting dugo. Ngunit hindi ko ‘yun ininda. Kinuha ko lang aking panyo para talian ang noo ko. Ngunit may sugat din pala ako sa aking leeg kaya may dugo rin. Pati damit ko’y may mga bahid din ng dugo dahil sa dugong lumabas sa aking bibig kanina.
Isang buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng restaurant na kung saan nag-uusap sina Colo at ang lalaking ‘yun. Isang buntonghininga muna ang aking pinakawalan at tuloy-tuloy na akong humakbang papalapit sa loob ng restaurant. Agad kong hinanap kung saan naka-pwesto sina Colo.
Mabilis ko namang namataan ang tauhan ko at si Attorney at ang lalaking kinagat ko naman ang tainga at nakatalikod sa akin kaya hindi pa ako nakikita. Muli akong napabuga sa hangin. Hanggang sa malalaki ang aking hakbang papalapit sa kanila. Agad akong naupo sa bakanteng upuan.
“Pasensya na kung late ako---” Tumingin ako kay Colo. Napansin kong nakatingin ito sa aking noo na may tali ng panyo.
“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Ms. Kricel?” tanong ng tauhan ko.
“Wala ito, Colo. Ano bang dapat pag-usapan? Kung may dapat akong bayaran, Mr. Sabihi mo muna at nang matapos na ang usapan na ‘to!” Mariing sabi ko. Tumingin din ako sa lalaki, ngunit nakita kong pinagpapawisan ito ng malapot at panay rin ang lunok nito. Teka ngayon ko lang nakita ang itsura nito. Parang mas maputi pa ito sa akin at ang labi nito ay mamula-mula.
“Damn!” narinig kong anas ng lalaki.
“Sa sunod na lang tayo mag-usap!” Nagmamadali na itong umalis sa harapan namin. Nakatingin naman kami ni Colo.
“May naging problema ba, Colo? Ano’ng nangyari room? Nagkaroon ba kayo nang hindi pagkakaunawaan bago ako dumating?” sunod-sunod na tanong ko kay Colo.
“Wala namang naging problema, Ms. Kricel? Okay naman ang nag-uusap namin habang hihintayin ka rito. Kahit ako ay nagulat din sa nangyari sa kanya ay biglang umalis at parang nagmamadali si Mr. Zetro,” anas ni Colo, habang panay ang iling ng ulo.
“Ano’ng nangyari roon? Muka ba akong aswang? Gosh!” bulalas ko habang panay ang iling ng aking ulo.
“Natakot po yata sa sugat mo Ms. Kricel---” Natatawang sabi ni Colo sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako hanggang sa magdesisyon na akong tumayo para umalis. Magalang din akong nagpaalam kay Attorney at humingi na rin ako ng paumanhin dito dahil sa maging pag-abala ko sa kanya tapos hindi naman na tuloy.
Bahala na si Colo ang maghatid kay Attorney at ako naman ay sasakay na lamang ng taxi pauwi. Kaya naman nang may dumaan taxi ay agad na akong sumakay rito. Nagtext na lang ako sa doctor na kakilala ko para humingi ng pabor. Malaki naman ang ibabayad ko rito kaya wala itong dapat na alalahanin.
Mariin ko ring ipinikit ang aking mga mata. At mayamaya lang ay nakarating na ako sa tapat ng gate ko. Agad akong nagbayad sa taxi driver. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng gate. Ngunit hindi pa ako nakakapasok sa loob ng aking bahay nang mag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong si Doctora Sande. Agad kong sinagot ang call nito.
“Bruha ka, gusto mo yata akong makulong at mawala sa akin ang lisensya bilang doctor oras na malaman ng daddy mo na peke ang lahat---!” palatak nito sa kabilang linya.
Malakas naman akong tuwama.
“Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yun. Puwede rin na ibang doctor na lang ilagay mo maghula-hula ka ng pangalan ng doctor. Pangako hindi ka madadamay. Saka, ayaw ko talagang makasal sa lalaking hindi ko kilala. Kaya kahit ano’ng paraan ay gagawin ko para lang hindi matupad ang gusto ng Daddy ko…”
“Sige, gagawan ko ng paraan, Kricel. Ngunit huwag ka munang umasa,” natatawang sabi ni Dortora Sande. Hindi pa ako nakakapagsalita nang mawala ito sa kabilang linya.
Pasaway talaga ang babaeng ‘yun. Agad na lamang akong pumasok sa loob ng bahay at tuloy-tuloy na umakyat sa aking kwarto. Pumasok ako sa loob ng banyo para hugasan ang aking noo na may sugat. Nais ko lang tiyakin na walang mga naiwang bubog sa aking noo. Nang matiyak kong presko na ako ay tuluyan na akong lumabas ng banyo. Kinuha ko ang medicine kit upang gamuting ang mga sugat ko.
Kinuha ko ang remote control upang buksa ang tv para manood ng balita. Ngunit kumunot ang kilay ko dahil sa isang live ng mga lalaking nakasuot ng maskarang itim.
“Kung hindi susudin ng presidente ng bansang ito ang mga hiling namin ay pasensyahan na lamang tayo. At titiyakin naming patay lahat ng mga batang ito. Hindi kami nagbabanta, ang totoo niyan may isang bata naming pinugutan ng ulo. Kaya huwag ninyong sabihin na nagbibiro lamang kami. At heto ang ulo ng bata!” Nanlalaki naman ang mga mata ko nang makita ang putol na ulo na hawak ng isang lalaki. Kung tama ang aking hinala ay kapuputol lamang noon dahil panay pa ang agos ng dugo.
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil sa aking napanood. Mayamaya pa’y biglang nag-ingay ang aking cellphone agad kong kinuha ang aking cellphone at nakita kong si boss Zach ang tumawag. Agad ko itong sinagot.
“Kailangan mong pumunta sa opisina ko sa secret weapon ng bansa, pasensya na kung naabala ko ang bakasyon mo, ngunit humingi na ng tulong sa atin ang presidente. Kailangan nating iligtas ang mga batang hawak ng mga bandidong ‘yun. Sampung bata ang hawak nila, ngunit may isang bata silang pinugutan upang panakot sa ating presidente. Wala na tayong oras, Kricel. Hanggang bente kwatro oras lang ang binigay ng mga bandidong ‘yun!”
“Pupunta na ako, boss!” Agad akong tumayo matapos kong gamotin ang aking sugat. Dali-dali akong nagpalit ng pantalon at t-shirt. Kinuha ko rin a g aking jacket. Hanggang sa mabilis na akong lumabas ng aking kwarto.
Agad akong sumakay ng motor at matulin ko itong pinatakbo para lang makarating sa opisina ni boss Zach. Pagdating sa lugar ng mga Secret Weapon Ng Bansa ay agad akong bumaba ng aking motor at tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng building. Sumakay ako ng elevator. Hanggang sa makarating sa tapat ng pinto ng opisina ni boss Zach. Pinapasok naman ako ng boss ko.
“AGENT KRICEL, kailangang makuha mo ang mga bata bago magkaroon ng gulo sa kampo ng mga bandido. Alam kong hindi mag-aalinlangan ang pinuno ng mga bandido na patayin ang mga paslit lalo na kapag hindi agad binigay ng presidente ang gusto nila na limang bilyong piso!”
“Limang bilyon? Baliw ba ang bandidong ‘yun?!” bulalas ko. Habang panay ang iling ng ulo.
“Baliw talaga sila, kahit ang mga kawawang inosenteng mga bata ay handa nilang patayin para sa mga pangsariling kapakanan. Maghanda ka na, Kricel. Ihahatid ka ng private helecopter sa kampo nila. Heto na ang mga gamit na dadalhin mo!” Sabay ibaba ng bag sa aking harap. Alam kong completo na ito at dadalhin ko na lamang.
“Gagawin ko ang lahat boss Zach mailigtas ko lang ang mga bata---”
“Mga iingat ka Kricel---” Marahan akong tumango sa aking boss Zach. Hanggang sa nagmamadali na rin akong lumabas ng opisina nito upang pumunta private helecopter na naghihintay sa akin at maghahatid sa kampo ng mga bandidong mga demonyo. Agad akong sumakay sa loob ng private helecopter. Mayamaya lang ay naramdaman kong umangat ito. Agad kong namang inayos ang aking sarili para sa aking pagtalon.
“Agent Kricel, maghanda ka na, hindi tayo puwedeng magpakalapit-lapit baka malaman nila. Katulad ng usapan at utos ni boss Zach. Sa ibaba ng kampo tayo magkikita. Mag-iingat ka Agent Kricel, dahil mga halang ang kaluluwa nila…” palala sa akin ng tauhan ni boss Zach.
Marahan akong tumango sa lalaki. Hanggang sa lumapit ako sa pinto ng private helecopter. Ramdam na Ramadan ko ang lamig ng hangin dito sa ere. Ngunit wala akong makapang takot sa aking puso ng mga oras na ito. Ang tanging hangad ko lang ay mailigtas ang mga batang ‘yun.
Mayamaya pa’y wala na akong sinayang na oras. Walang takot na tumalon ako mula sa private helecopter habang nasa ere pa ito.
Mabilis namang gumalaw ang aking kamay upang ihanda ang parachute upang hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa na wasak-wasak ang katawan.
Walang kahirap-hirap akong bumaba ng lupa. Maingat ang mga lagaw ko. Agad ko ring itinago ang parachute na aking ginamit upang walang malakita. Mabilis ko ring pinasadahan ng tingin ang mapa na galing kay boss Zach.
Nang matiyak ko kung saang lugar ang kampo ng mga bandido ay nagmamadali na akong kumilos. Mabilis akong gumapang papunta sa malagong mga damo. Hindi muna ako gumalaw. Nakinig din ako sa mga pinag-uusapan ng mga taong nag-uusap.
“Oras na makuha natin ang limang bilyong piso, ibabalik na kaya ni Pinuno ang mga bata?”
“Ano ka ba naman! Parang hindi mo kilala si Pinuno. Hindi niya basta ibabalik ang mga bata. Lalo at alam niyang pagkakakitaan pa niya. Kung ibabalik naman niya baka malamig na bangkay na. Alam mo naman si Pinuno hindi ‘yun mag-iiwan ng magiging bakas para lang matunton tayo ng mga demonyong pulis na wala namang silbi sa lipunan!”
Bigla akong napangiti. Mga tanga sila. Dahil mas mautak si boss Zach. Sapagkat nalaman ka agad nito kung na saan ang kampo nila. Nagawan ka agad ni boss Zach ang lahat at nalaman ka agad nito ang lungga ng mga hayop habang naka-live sila kanina. Wala talagang makakatalo kay Zach Fuentebella.
Agad kong kinuha ang aking karayom. Pagkatapos ay basta ko na lang pinitik papunta sa dalawang lalaking nag-uusap. Mayamaya pa’y agad na silang bumagsak sa lupa. Mabilis akong tumayo, dali-dali kong hinila ang mga katawan nila papunta sa tagong lugar upang hindi sila makita ng mga kasamahan nila.
Muli akong naglakad papunta sa aking pakay. Hindi nagtagal ay agad akong nakarating sa lugar ng mga bandidong mga demonyong ‘yun!
Maingat akong gumapang papunta sa kampo nila. Hindi ako puwedeng maglakada ng nakatayo lalo at agad nila akong makikita, sapagkat nagkalat ang mga bandido sa buong paligid.
Agad kong kinuha ang aking kutsilyo. At maliksing lumapit sa isang bandidong umiinom ng alak. Galit na galit na basta ko lang itong sinaksak sa leeg nito hanggang sa mawalan ito ng hininga. Agad ko ring itong hinila papunta sa tagong lugar.
Muli akong gumapang papunta sa kulungan ng mga bata. Ngunit bigla akong napayuko dahil sa apat na tao na papalapit. Ngunit hindi ko na sila binigyan ng pagkakataon. Agad kong pinitik ang karayom na may lason. Isa-isa naman silang bumagsak sa lupa. Mabilis na ang mga kilos ko lalo at may oras lang ang lahat at ayaw kong mapahamak ang mga bata.
Walang kahirap-hirap akong nakarating sa kulungan ng mga bata. Ngunit maraming bantay. Kaya no choice ako kundi ang harapin sila. Agad akong inayos ang aking suot na maskara upang hindi makilala. Agad ko ring ini-lock ang pinto upang walang ibang makapasok dito sa loob ng kulungan.
“Sino ka?” narinig kong tanong sa akin ng isang lalaki.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko agad ang isang lalaking may hawak ng baril at nakatutok sa akin. Agad kong ikiniling ang aking leeg.
Nakita kong balak na nito kalabitin ang gatilyo ng baril niya. Ngunit mabilis na lumipad ang aking kutsilyo papunta sa dibdib ng lalaki kaya tuloy-tuloy itong bumagsak sa lupa.
Nakatunog naman ang ibang mga kasamahan nito. Kaya mabilis silang sumugod papalapit sa akin. Wala na rin akong sinayang na oras at agad na lumapid ang aking paa at walang habas kong pinagsisipa ang mga kalaban ko. Agad din akong tumambling papunta sa ulunan nito at nang makarating sa likod ng isa pang kalaban at buong lakas ko itong sinuntok sa batok nito. Ngunit bigla akong tumalsik dahil may sumipa sa akong likod. Pero naramdaman kong papalapit na naman ito sa akin. Kaya naman saktong harap ko’y agad ko itong sinalubong ng aking katana. Nanlalaki ang mga mata nito nang tuloy-tuloy na bumaon sa katawan niya ang aking katana.
Mabilis kong hinugot ang katana sa katawan ito. Kitang-kita ko ang dugong dumikit sa aking sandata.
Hanggang sa napatingin ako apat na lalaking mabilis na sumugod papalapit sa akin. Mabilis ko namang itinago ang aking katana. Ngunit kinuha ko ang isang dipang tubo na bakal na dala-dala ko. Mabilis ko itong winasiwas at basta na lang silang pinaghahampas sa leeg nila.
Dinig na dinig ko ang daing nila sa tuwing lumalapat ang bakal na mga katawan nil. Ngunit wala akong makapang awa para sa kanila, dahil para sa akin ay dapat silang mamatay. Isa pang ikot ang ginawa ko at buong lakas kong hinampas ang ulo nang nag-iisa ko na lang kalaban. Hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa
Ngunit agad akong umalis sa aking pwesto dahil sa kutsilyong tatama sa aking ulo. Agad namang nagpakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na kasuotan.
Umawang ang bibig ko nang makita ko ang istura nito. Teka, totoo bang nag-exist sila sa mundong ‘to? Peste! Hindi kaya isang panaginip lang ang lahat ng ito?