Gigil na gigil akong tumingin sa hayop na lalaki. Hindi rin maipinta ang aking mukha dahil sa sugat ko sa aking tagiliran. Kitang-kita ko naman na lalong natakam sa dugo ko ang haliw na ‘to. Mayamaya pa’y mabilis ang kilos ko nito. Ngunit hindi ako papayag na sagusto nito. Kaya naman mabilis kong inangat ang aking kamao na kung saan naroon ang suot kong ring. Hanggang sa tumama sa dibdib nito ang matalim at kulay pulang ilaw. Agad akong umalis sa aking pwesto. Dali-dali ko ring kinuha ang gamot sa bulsa ko at agad ko itong ininom. Kailangan ko ito habang hindi pa kami nakakaalis sa lugar na ito upang hindi rin manghina ang aking katawan dahil sa dugong umaagos sa sugat ko. Nang makarating sa mga batang nagtatago ay agad ko na silang niyayang umalis dito. Ngunit bago umalis ay nagbato pa