Magkakasunod akong umiling ng ulo habang nakatingin kina Daddy at Mr. Delgado. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao habang nakatingin sa dalawang lalaki. Isabay pa ang judge na dumating na magkakasal daw sa amin. Ang masasabi ko lang ay sadyang nahihibang na nga ang aking Ama. Parang ang labas ay naging sunod-sunuran na yata ito kay Delgado. Kaya naman malalaki ang aking hakbang para lang lumapit sa lalaki. “Dad, hihiramin ko muna ang lalaking ‘to!” Sabay hila ko sa braso nito. Gigil na gigil ako sa lalaking ‘to. Agad ko siyang dinala sa likod bahay at doon ka lamang siya binitiwan ng kami na lang dalawa ang nandito. “Nababaliw ka na ba? At talagang pumayag ka rin sa gusto ng Daddy ko! Hindi ka ba nag-iisip, huh? Dahil oras na makasala tayo baka pang habang buhay na pagdurusan ‘yun