Tubig? Bigla akong napasinghot, dahil hindi pala tubig ito walang iba kundi gas. Tangina, ano ‘to? Susunugin ba nila kami ng buhag kaya gas ang inilagay nila rito? Hanggang sa hawakan ko ang maliit na camera na nasa aking tainga. Agad ko itong binuksan upang makita ni boss Zach ang mga nangyayari rito at sa akin. “Agent Kricel, nakita ko ang silver card na pinakita mo sa akin. May kakaiba sa building na ‘yan. Mukhang malapit mo nang matukoy kung sino-sino sila,” narinig ko ang boses ng boss Zach ko bago ito mawala. Ngunit hindi ko ini-off ang camera para makita ng boss ko ang lahat-lahat ng kaganapan dito. “Mga players, tatlong minuto na lang!” narinig kong anas ng isang babae na hindi nakikita. “Ano’ng gagawin natin? Gusto ko pang makauwi ng buhay. Kung alam ko lang na ganito ang ma