NAPATINGIN ang lahat kay Fier nang bigla itong umimik habang prente pa rin itong nakaupo sa kaniyang upuan at nakatingin lang ng diretso sa white board.
Nagbulungan ang lahat sa ginawa ni Fier. It’s unusual for Fier to interfere. Nakatayo pa rin sila Gaia sa gitna, naririnig pa niyang nagtutulakan ang mga kaklase niya, nagtuturuan kung sino ang may gawa.
"Mister Kraig, ako na ang bahala sa gumawa 'nun. Now you two, take your seats,” paika-ikang naglakad si Gaia habang inalalayan ito ni Zeira.
“Such a waste of time,” Zhyke hissed that Gaia heard. Nakatingin ito kay Gaia na para bang ito na ang napakawalang kwentang bagay sa mundo. Naikuyom ni Gaia ang kaniyang kamay habang papaupo na ito sa kaniyang upuan. "Gaia, dalhin na kaya kita sa infirmary?" Bulong ni Zeira kay Gaia bago ito maupo sa kaniyang upuan. Nakatingin din si Caiz sa kaniya, waring sumasang-ayon sa sushestiyon ni Zeira.
"'H-huwag na Zeira, okay lang ako. Tsaka magsisimula na ang klase oh,” Gaia let out a weak smile. She doesn’t want to be a burden. Zeira let out a sigh and just nodded at her.
"Gaia, palagi ka lang dumikit kay Zeira and you will be out of danger. Students here don't have a fear kapag alam nilang mahina ang tatargetin nila, wala silang pakialam kung anong mangyayari sayo. Power and fame moves here,” seryosong paalala ni Caiz kay Gaia. She somehow feels comfortable towards this man. Gaia knows that he’s sincere. But then, Gaia remembered something— ‘Right Gaia. Don’t trust too much, again.’ she said in her thoughts.
Mabilis lang lumipas ang oras at hanggang sa nagring na ang bell for lunch. "Sasabay na ako sa inyo Zeira honey,” pataas-taas baba pa ang kilay ni Caiz habang nakaharap kay Zeira na nakasimangot na naman. Iwinakli nito si Caiz kaya napatabi ito. "Tabi nga! Nakakabad vibes 'yang pagmumukha mo, kumain ka mag-isa,” walang atubiling sagot ni Zeira kay Caiz ba ikinasimangot naman ng huli. Nasa gilid lamang si Gaia, nanunuod sa kanila. Now, she wonders what the score between these two.
"Sus pakipot ka talaga Zeira honey! Sige na pasabay!" Hirit na naman ni Caiz at sinundan si Zeira na nauna nang lumabas sa sobrang bad trip naiwan nito si Gaia. Kaya nagmamadaling sumunod si Gaia sa kanila nang biglang tumayo si Fier na nakaupo pa. Nabunggo si Zeira sa likuran nito.
"P-pasenya na F-fier..." Hinging paumanhin ni Gaia rito. Hindi nito nilingon si Gaia at balewalang naglakad palabas. Napabuntong hininga si Gaia at nagmadali nalang sumunod nang mapansing niyang siya nalang ang mag-isa sa classroom. Ngunit nagkamali siya, nang bigla nalang may humawak sa kaniyang braso— si Zhyke.
"Z-zhyke? B-bakit?" medyo may kadiinan ang pagkakahawak ni Zhyke sa braso ni Gaia kaya napangiwi ito. Nang titigan ito ni Gaia ay para naman itong napapasong iwinakli ang braso nito. Zhyke felt something unusual.
"Could you please stop going with Zeira? You're polluting her mind! She needs to know her place! Nasisira ang imahe ni Zeira dahil sayo. She's supposed to be prim, proper and in command to every weakling students here in Loufnorths and you're at number one spot of that weaklings. You have no space in this Academy, Miss Moraitis. Just go back where you belong. You're nothing but a sore to my eyes. You're nothing,” napayuko si Gaia sa sinabi nito sa kaniya. Napaatras pa siya ng banggain nito ang braso niya pag-alis nito.
Naiwang nakatayo si Gaia doon. Feeling every word that Zhyke said. She just sighed, because Zhyke’s right. She’s just nothing, she’s no one and she intended to be that way. She don’t want to be someone that everyone’s gonna scared of. She wants to be herself. The Gaia who’s at the bottom.
"Don't mind him, Gaia,” agad napalingon si Gaia nang may biglang magsalita. At nakita niya si Fier na nakasandal sa hamba ng pintuan. Seryoso pa rin ang mukha nito. "T-tama naman siya eh. I'm weak and I am no one,” mahinang sagot ni Gaia rito.
"You're Gaia, you're not just no one, Gaia. Zhyke's a ruler, kaya ganun ang inaasta niya. Gusto niyang lahat ay nasusunod sa plano niya. Gusto niyang lahat ng gusto niya ay nasusunod. You know, just don't think about on what he said. Zeira's waiting for you, Zeira needs you,” medyo nagulat pa si Gaia nang may kahabaan ang sinabi nito. Gumaan ang pakiramdam ni Gaia rito. She knows that Fier is not a bad person. Sadyang seryoso lang itong tao.
Tinanguan ito ni Gaia at nginitian. And in an instant ay nagkaroon ng eskspresiyon ang mukha nito. He looks stunned. For what? Napatikhim ito at muling sumeryoso. Tinanguan din siya nito bago siya nito tinalikuran at lumabas sa pintuan na paika-ikang sinundan ni Gaia. She thought that it’s not bad to start all over again. It’s not bad to risk again, if that risk is worth risking for. Gaia decided to open her life again and let new characters enter her story.