KASALUKUYANG naglalakad si Gaia kasama si Zeira patungong classroom. Nagpapasalamat si Gaia at may makakasama na siyang maglakad-lakad sa Academy.
“Oo nga pala Gaia, which class are you in?” tanong ni Zeira dito. “Ah sa XII Class A ako,” sagot naman ni Gaia at napasapo naman si Zeira at napatawa. “Oo nga naman, surely you’ll be on Class A. Thinking that your intelligence is beyond normal like you said. That’s great Gaia, magkaklase tayo kung ganun,” bakas ang tuwa sa boses ni Zeira. Napatawa rin si Gaia dahil sa naging reaksiyon ni Zeira. She’s happy because of someone— for how many months she’d been through. ‘Should I give her a try?’ Gaia thought.
“What are you thinking?” tanong ni Zeira kay Gaia, nang mapansing malalim ang iniisip nito. Napailing-iling naman si Gaia at nginitian ito. “I’m just happy that you chose me as your friend kahit na isa lang akong ordinaryong estudyante and I was supposed to follow your orders because I’m just a pawn,” Gaia genuinely told her. Zeira just pouted at her tsaka umabrisete sa braso ni Gaia.
“I know that you’re a geniune person, Gaia. Students here wants me to be friend with them for popularity and power. I just felt that you’re a good person.” Bahagya namang napangiti si Gaia sa sinabi nito. ‘Good… she thinks that I’m good,’ Gaia thought. “Y-yeah… thank you for trusting me Zeira,” tugon ni Gaia rito at masaya silang naglakad patungong classroom.
At ilang sandali lang ay nasa loob na sila ng classroom. Naupo si Gaia sa tabi ni Zeira, gusto sanang maupo ni Gaia sa pwesto ni Zeira pero naunahan siya nito. May dalawa pang bakanteng upuan sa tabi ni Gaia, at hindi sanay si Gaia doon. Lalo pa’t napapansin ni Gaia ang mga tingin ng magiging kaklase niya sa kaniya. At hindi nakakaligtas ang mga bulungan nila sa pandinig ni Gaia o bulungan nga ba’ng matatawag eh naririnig naman ng karamihan.
“Why is that trash with Zeira?” sambit nang isang babae sa may unahan. “I know right? I heard that she don’t have an ability,” pag-sang-ayon pa nang isa nitong kasama.
Pinapalagpas lang ni Gaia sa kabilang tenga niya ang kaniyang naririnig. Wala siyang balak patulan ang mga ito. Naramdaman ni Gaia ang kamay ni Zeira na ipinatong nito sa arm rest ng upuan niya, kaya napatingin siya dito. “Don’t mind them, Gaia,” nakangiting ani ni Zeira kay Gaia na tinanguan naman nito at silang dalawa nalang ang nag-usap.
Ngunit nakuha ang atensiyon nila nang may tumawag kay Zeira. “Yoooo Zeira!” napalingon si Zeira at Gaia sa lalaking nagsalita na papunta na sa direksiyon nila ngayon. May kasama pa itong isang lalaki na kulay pula ang buhok at parang bugnot sa paligid.
“What now Caiz?” may himig ng iritasiyon ang boses ni Zeira. Lumapit ito sa kanila at huminto sa tapat ni Gaia ang lalaking nagsalita kanina, na tinawag ni Zeira na Caiz. Tiningnan siya nito na siyang ikinataas ng kilay ni Gaia.
“Miss, could you please move aside? Gusto kong makatabi si Zeira,” kumunot lang ang noo ni Gaia pero sinunod naman nito ang gusto nito. Narinig niya pa ang pagpoprotesta ni Zeira sa paglipat niya. “Gaia, come back here!” tawag ni Zeira dito. Nginitian lang siya ni Gaia at naupo sa tabi ni Caiz. Nasa kaliwa naman ni Gaia ‘yung lalaking may pulang buhok.
“Oh you know her, Zeira? So tama pala ‘yung naririnig naming usapan? Is it true that you don’t have an ability?” sunod sunod na sambit ni Caiz. Tinanguan naman ito Gaia, wala siyang problema dito. Caiz asked without a disgust but rather with a hint of curiosity.
Samantala, ang lalaking nasa kaliwa ni Gaia ay kanina pa tahimik. Kaya tinawag ito ni Caiz. “Hey Fier, umimik ka naman diyan.” Pagtawag nito ng pansin sa lalaking nagngangalang Fier. Sinamaan lang siya ng tingin nito at ibinalik sa harapan ang tingin. Caiz chuckled because of Fier’s action. “Pagpasensyahan mo na ‘yang katabi mo Gaia ha? Gaia’s your name right?” nakangiting ani ni Caiz kay Gaia. Hindi nakaramdam ng pagka-awkward si Gaia kaya nginitian niya rin ito. “Yeah, it’s okay.” Tinanguan siya nito at muli nitong kinulit si Zeira na nakabusangot na simula nang dumating sila Caiz.
Nabaling ang paningin ni Gaia sa mga kaklase niya nang biglang na-excite ang mga ito. She thought that maybe there’s an important person, coming to their room.
“He’s here!” irit pa nang isang babae na parang sinilaban ang pwet dahil hindi mapakali. “Do I look good, girl?” sambit pa nang isa habang nakaharap sa screen nang cellphone nito, nananalamin. “Zhyke’s coming!” sigaw ng isa pang babae na galing sa labas. At doon na nasagot ang kuryosidad ni Gaia. Zhyke, the man she encountered the other day. The man who’s in god tier.
“Here, Zhyke!” sigaw ni Caiz sa lalaking kakapasok pa lang sa classroom. Napatingin naman ang huli sa direksiyon nila Caiz at agad nangunot ang noo nito ng makita si Gaia. Agad itong lumapit sa gawi nila, bakas ang inis sa mukha nito. “Why are you three with that pawn?” may diin pa nitong pagsambit sa salitang, pawn. Pinigilan naman ni Gaia ang sariling pumalag dahil sa inis.
“Shut it Zhyke, she’s my friend now. So quit it please,” pagtatanggol ni Zeira kay Gaia. Sinamaan ng tingin ni Zhyke si Gaia at nalipat din ang tingin nito sa lalaking nasa kaliwa ni Gaia.
“Himala at pumasok ka Fier?” naupo si Zhyke sa likuran nila Gaia at hindi na nag-abalang tumingin si Gaia kung saang banda ito nakaharap. “So what? Just let me sleep Zhyke,” sagot naman ni Fier. Sumandal ito sa kaniyang upuan at pumikit. Gaia heared Zhyke hissed at the back, maybe annoyed that she’s there. Gaia felt uneasy, knowing that a man who hated her is just on her back. Kaya nakahinga siya ng maluwag ng dumating na ang teacher nila.
“Hello everyone! So meron daw bago rito? Can you please introduce yourself miss?” tanong nito kay Gaia, nang mahinto ang paningin nito sa kaniya. Agad namang tumayo si Gaia at pumunta sa harapan. Gaia felt uneasy with how many stares she’s getting. Tumingin na lamang siya kay Gaia para mawala ang nerbiyos niya.
“Hello everyone! I am Gaia Moraitis, 18 years of age. I’m please to meet you all,” Gaia introduced herself and end it with a bow. Sumunod namang nagpakilala ang teacher nila sa kaniya. “I am Miss Sage Alanis, your advisor for this school year. I know your situation Miss Moraitis, you may take your seat now,” nakangiting sambit nito kay Gaia. “Thank you ma’am,” pasasalamat ni Gaia rito bago siya naglakad pabalik sa kaniyang upuan. Ngunit, bago pa siya makabalik sa kaniyang upuan ay may bigla na lang lumabas na vines sa sahig na siyang pumulupot sa dalawang paa ni Gaia, dahilan ng pagkadapa nito. Agad nawala ang vines nang sinubukang tingnan ni Gaia kung ano ang pumulupot sa kaniyang paa.
“Gaia!” sigaw ni Zeira dahil sa nangyari. Nagtawanan naman ang iba sa nasaksihan. “Everyone stop!” pigil naman ni teacher Sage sa mag-aaral niya. Agad nilapitan ni Zeira si Gaia para tulungan siyang makatayo. May bumakas na pulang linta sa ankle ni Gaia at medyo humapdi ang dalawang ankle niya.
“Are you okay Gaia?” tanong ni Zeira na tinanguan na lamang ni Gaia at pilit na ngumit. Naupos na ang tawanan at pabalik na sila sa upuan nang biglang umimik si Fier.
“Who did that?”